“Mommy, who’s that man?”
Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar...
“Maybe he’s just a friend, Yvi”
Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne.
“A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne.
Tumango-tango naman si Carson.
“Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salita ko kanina habang kaharap siya.Napadilat ako nang huminto ang sasakyan. Nandito na pala kami.
“Mommy? Where are we going?”
Binuksan ng driver ang pinto. Lumabas ako mula sa sasakyan para tulongan ang mga anak ko.
“Manong, pakidala ang mga bulaklak” bilin ko.
“Sige po, ma’am”
Hinawakan ko ang mga kamay ng kambal at nagsimulang maglakad.
“We’re going to see your grandma and grandpa” sagot ko sa tanong ni Yvianne kanina sabay ngiti. Napalingon-lingon naman sila sa paligid.“Oh...”
Nang magkasakit si mama noon, sinubukan namin siyang dalhin dito sa Maynila para maipagamot. Plano nga rin sana nila lola na sa ibang bansa na lang pero nanatiling plano na lamang iyon nang sumuko na si mama. Dito na rin namin siya inilibing kasama ang iba pa naming kamag-anak.
“Ma, Pa, mga anak ko nga pala,” pakilala ko sa dalawa na tahimik lang na nakatingin sa puntod ng mga magulang ko.
“Si Yvianne at Carson. Kids, they’re your grandma and grandpa”
Umihip ang malamig na hangin na ikinangiti ko. Hindi po ako nag-iisa, ma at pa. Kaya huwag na kayong mag-alala. Malapit mo na ring makuha ang hustisya na para sa ‘yo, Papa. Tutulong ako pangako. Kahit na ayaw ni Dani. Para sa ‘yo, gagawin ko ang lahat.
“Mommy? Me and grandma have the same name”
Pinantayan ko si Yvianne at ngitian.
“That’s because I named you after her” sagot ko na ikinatango niya.“Maganda rin po ba siya like me?”
Mahina akong tumawa at sumulyap sa puntod ni mama. “Yes, maganda siya. Sobrang ganda”
“Bakit po sila namatay, mom?”
Binalingan ko si Carson. May pag-aalinlangan sa mukha niya dahil siguro hindi siya sigurado kung ayos lang bang itanong iyon. Muli akong ngumiti.
“Pumanaw si mama dahil sa sakit na cancer. Ang lolo niyo naman ay...” lumunok ako nang malaki at bumuntong hininga.
“You see, ang lolo niyo ay Mayor sa lugar namin noon. Tumakbo siyang Gobernador kaya marami siyang kalaban—”“He got killed?” gulat na putol sa ’kin ni Carson. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Yvianne sa braso ko nang marinig iyon.
Malungkot akong tumango.
“Your Dad...” Nang masambit ko ang salitang iyon ay napabitiw si Yvianne sa ’kin. Kita sa mga mata niya ang kakaibang excitement habang hinihintay ang idudugtong ko.
“And your Tita Dani, are doing their best to solve the case para na rin malagot ang mga may sala” Napaisip ako. Kung gusto kong makatulong sa kaso, kailangan ko talagang makausap si Fourth.“Nasa Santa Cruz siya?” hindi makapaniwala kong sambit nang sabihin iyon sa ’kin ni Jess sa kabilang linya.
“Yes po, ma’am. Actually, hinanap ka po sa amin ni Sir Villamor kanina. Hindi ko naman masabi kung nasaan ka dahil hindi ko rin alam. Pumunta po ba siya riyan?”
Tinanaw ko ang naglalakihang mga gusali. Nakakamangha pa rin ang naghahalo-halong ilaw.
“Wala kami sa bahay, Jess. Nasa isang Hotel kami”“Po, ma’am? Ano pong ginagawa niyo riyan?”
“May kinausap akong tao kanina matapos naming bisitahin ang mga magulang ko sa sementeryo. Pagod na ang mga bata kaya kumuha na lamang ako ng room para makapagpahinga na sila. Uuwi rin kami bukas dahil kailangan naming mag-impake”
“Si Mr. Asuncion po ba ang kinausap niyo kanina? Ang owner ng J.S.C. company?”
“Oo, may pinag-usapan lang kami. Schedule a quick meeting for tomorrow. Dadaan kami bukas sa kompanya bago babyahe pauwing Santa Cruz”
“Sige po, ma’am. Makakaasa po kayo”
Nagpasalamat muna ako bago ibinaba ang tawag. Huminga ako nang malalim at ipinag-krus ang mga braso habang nakatingin sa mga ilaw sa labas.Kailangan kong ihanda ang sarili. Hindi na dapat ako kabahan sa muling paghaharap namin ni Fourth.
Ipakikilala ko lang naman sa kaniya ang mga bata. Nasa kaniya na kung maniniwala at tatanggapin niya ba o hindi.Dire-diretso akong pumasok sa silid kung saan gaganapin ang meeting. Iniwan ko muna ang kambal sa opisina kasama si Jess. Nagsitayuan sila nang makita ako.
“Good morning. Please have your seats. I promise, this will be quick” ngiti ko at ibinaba ang hawak na bag sa bakanteng upuan bago pumuntang gitna.
“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga ginawa niyo para sa ikauunlad ng kompanya. Tulad nga ng alam niyo, ako na ang pumalit kay lola, at nangangako ako na gagawin ang lahat para mas lalo pang maiangat ang kompanya. Maaasahan ko ba ang tulong niyo?”
“May ibang choice pa ba kami?” sabay tawa ng lalaking nakaupo katabi ni Mr. Chin. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga share-holders ng kompanya. Hindi nakitawa ang iba at tiningnan lamang siya.
“Mr. Reymundo, am I right?” tipid kong ngiti. Kinuha ko ang files na bitbit ko kanina at tiningnan ang profile niya. “Actually, yes, meron kang choice. It’s either tutulong ka, or you can have your shares back and leave the company”
Nawala ang ngiti sa labi niya at padabog na tumayo.
“Is that a threat?”“No, I gave what you asked, Mr. Reymundo. Maaari ngang baguhan ako ngunit kailangan mo pa rin akong irespeto. I am now the owner of this company. At sa tingin ko naman ay hindi ganoon kalaki ang shares mo para maging kawalan ka sa amin. It’s up to you”
“Malalaman ‘to ng lola mo!”
Malapad akong ngumiti.
“Gusto mo bang ako na ang tumawag sa kaniya para sa ‘yo?” Sinabi na sa ’kin ni lola na may ganitong mga tao sa kompanya at ipinagkatiwala na niya sa ’kin ang desisyon. Sa tingin niya ba papanigan siya lola? Hindi siya nakasagot at tahimik na lang na umupo ulit.“That’s what I thought. Ngayon, let’s talk about the things I want to change in this company...”
Sinimulan ko nang i-distribute sa kanila ang mga files habang nagpatuloy sa pagsasalita. Ilang buwan kong pinag-aralan ang takbo ng kompanya rito sa Pilipinas. At may iilan akong nakitang problema. Isa na roon ang pagbaba ng mga sales.
“Pina-imbestigahan ko ang pagbagsak ng mga sales for the past years. At nalaman ko na isa sa inyo ay matagal nang niloloko ang kompanya”
Nagsimula ang bulong-bulongan nila.
Napabuntong hininga ako nang muling tumayo si Mr. Reymundo.“Kalokohan!”
“Oh really? Then explain these, Mr. Reymundo” kalmado kong saad at inutusan ang isa ko pang sekretarya sa pag-distribute ng mga larawan.
“Iyan ang mga nakuha ng imbestigador ko. Hindi dahil matanda na si lola at hindi na siya masyadong aktibo sa kompanya ay lolokohin mo na siya nang ganito. Sa tingin mo walang makakaalam sa ginagawa mo, Mr. Reymundo? At sa kalaban pa talaga natin? Walang sekretong hindi nabubunyag”
“How dare you do this to us!” galit na utas ni Mrs. Sy. Nagsireklamo na rin ang iba at pilit na sinusugod si Mr. Reymundo.
“Calm down, everyone. As for you, Mr. Reymundo. Tinatanggal na kita sa kompanya, magkita na lamang tayo sa korte. Once again, good morning everyone and thank you for coming”
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...