Yakap-yakap ko ang sarili habang nakatanaw sa payapang dagat. Pilit kong binabalikan sa alaala ko ang itsura nito noon. Noong simple pa lang at hindi pa masyadong dinadayo.
Napangiti ako nang marinig ang tawa ng kambal kasama ang mga magulang ni Fourth. Nasulyapan ko rin ang mga bodyguards namin sa hindi kalayuan. Sumama sila kina Mang Kanor at Aling Matilda kanina. Dinalhan nila kami ng mga damit. Wala na naman akong kailangang ipaliwanag dahil mukhang alam na naman nila ang nangyari.
Iniisip ko pa kung anong dapat gawin nang maramdaman ko ang pagtabi ni Fourth.
“Huwag mo sanang paasahin ang mga bata...” panimula ko.
“What?” may pagtataka sa boses niya.
Bumuntong hininga ako at ibinaba ang tingin.
“Alam kong may namamagitan sa inyo ni Dani. Ayaw namin makagulo. Sabihin mo na lang sa mga bata ang totoo, matatalino sila, maiintindihan nila ang magiging sitwasyon natin”“Walang namamagitan sa amin ni Dani” aniya sa matigas na tono.
Nagsimulang kumabog nang mabilis ang dibdib ko pero iniling ko ang ulo.
“Hindi mo naman kailangan magsinungaling. Sinabi ni Dani na nagde-date kayo. Aaminin ko, may parte sa ’kin ang umasa na sa pagbabalik namin ay maiaayos pa natin ang lahat. Kahit para lang sa mga bata. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Lahat nagbabago. Kailangan lang natin ipaunawa iyon nang maayos sa kanila”Nanlaki ang mga mata ko nang tumalikod siya at nagsimulang humakbang paalis.
“T-Teka...” pigil ko. “Saan ka?”
Akala ko ba mag-uusap pa kami?Nagulat ako sa galit na nakita ko sa mga mata niya nang lingunin niya ako.
“I have to talk to Danica”Napatutop ako sa bibig at dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak sa braso niya.
“Sige...” pilit akong ngumiti at akmang haharap ulit sa dagat nang mariin siyang nagmura.“Wala akong gagawing masama kasama siya,” depensa niya sa sarili.
“We’re not dating. Hell! never in my wildest dreams I imagined dating someone who is not you”Napakurap-kurap ako sa narinig.
“P-Pero sinabi niyang...” napalunok ako nang malaki. Nagsinungaling ba si Dani? Pero bakit niya naman gagawin ‘yun?
“That’s why I have to talk to her. I want her to tell you the truth. I don’t know what’s gotten into her to say that but we don’t have any special relationship—”
“Sinungaling. Magkasama kayo sa loob ng ilang taon kaya imposibleng walang nabuo sa inyong dalawa” putol ko sa sasabihin niya. May parte sa ’kin ang umaasa na totoo ang mga sinasabi niya ngunit ilang ulit na rin akong nauto. Ayoko nang magpauto pa.
“Nabuo?” sabay tawa niya nang mahina. “I am fully committed to you, Ysabelle. Even though you left me hanging, I am still committed to you! You entrusted me with your heart and body and in return, I entrusted you my damn happiness. I made you my life!”
Muli akong napalunok nang malaki. Bawat salita niya ay tumatagos sa kaloob-looban ko. May sakit at pagtatampo sa boses niya pero kahit pasigaw niya ‘yung sinasambit, naging marahan pa rin iyon na para bang ayaw niya akong masaktan sa kahit ganoong paraan lang.
“I’ve spent all those fvcking years working and solving your father’s case so when you come back, I can offer you the life your father wants you to have. You think I have the time to date your sister?”
Napamura ako sa isipan. Gusto kong depensahan ang sarili pero hindi ko magawa. Bakit naman magsisinungaling si Dani sa ’kin?
“T-Then b-bakit...” kinagat ko ang sariling dila para mapigilan ang sarili.
Dahan-dahan siyang umabante at dahil hindi ko na kaya pang kumilos para umatras, hinayaan ko na lamang siyang makalapit.“Hinayaan ko siyang makisali sa kaso dahil may karapatan din siya bilang anak. I never...” umigting ang panga niya. “Cheated on you...” dagdag niya sa mahinang boses.
Nagsalubong ang kilay ko. Cheated?
“N-Naging tayo ba?”Nalaglag ang panga niya at tiningnan ako sa hindi makapaniwalang ekspresiyon sa mukha.
“Fvck” malutong niyang mura at umiwas ng tingin.“So I’m the only one who thinks that we’re committed to each other, huh? You gave yourself to me” matigas niyang sambit sa huling linya.
“You told me you’re mine, and that I’m the only one. So what the heck?”“Teka nga lang” pigil ko.
“Oo, sinabi ko ‘yan. Sinabi ko lang ang tunay kong nararamdaman noon pero hindi ibig sabihin nun ay tayo na. Hindi ka naman nagtanong kung gusto ko bang maging girlfriend mo kaya hindi naging tayo—walang tayo”Muli niya akong tiningnan sa mga mata. Hindi naman ako umurong at nakipagtitigan din.
Parang bata kaming nagtatalo dito ngayon habang naglalaro pa rin ang mga bata kasama ang mga magulang niya.
Wala talaga akong matandaan na tinanggap ko siya bilang boyfriend noon.
Kahit anong pilit ko sa utak ko. Maliban na lang kung...“Huwag mong sabihin na ang mga salita kong ‘yun ang naging basehan mo sa tayo?” pinigilan ko ang sarili na matawa.
Naalala kong flings lang ang meron siya at hindi pa siya kailanman nagka-girlfriend.“Hinayaan mo akong angkinin ka,” seryoso niyang sagot.
Napakagat-labi ako.
“Oo na. Sige, sabihin na nating naging tayo nga—”“What’s with the past tense? Hindi tayo nag break” nakataas pa ang isang kilay niya nang sabihin niya iyon.
Mababaliw na yata ako. Lumalayo na kami sa main topic. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung anong sasabihin.
“I gave you time to heal. Years were enough, right? It is my turn now. You need to heal me”
Napakurap-kurap ako at pilit na iniintindi ang sinabi niya.
“Heal you?”
“I planned to tell you everything that day.
Umuwi ako dito nang malaman ko ang nangyari dahil alam kong nandito ka rin.
I was so ready to take all the blame you’ll give to me. I was ready to take your wrath.
But when I reached your house, you’re gone. Mang Kanor and Aling Matilda told me everything. Pinigilan ko ang sarili na sundan ka dahil alam kong kailangan mo ng oras. I didn’t had a choice but to wait for you to come back...”Ni hindi ko napansin ang mga luhang dumaloy sa magkabila kong pisngi kung hindi niya iyon pinahiran gamit ang dalawang kamay.
“And now that you’re back, it’s my turn to heal. I couldn’t do it myself because it needs to be done by you”
“H-How?”
Umangat ang gilid ng labi niya at hinawakan ang magkabila kong kamay saka ito dinala sa mga labi niya at pinatakan nang halik.
Ang mga susunod niyang salita ang gumulat sa ’kin.
“Marry me”
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...