Kabanata 13

138 38 16
                                    

“Vote for Yohann Dela Merced po,” ngiti ko sabay bigay ng t-shirt at flyers. Mariin akong napapikit nang sumakit ang ulo ko dahil sa init. Ibinigay ko muna ang hawak ko sa isa sa mga tauhan namin at pumasok sa tent para uminom muna ng tubig. Kanina pa kami rito. Naglibot na kami kanina at ngayon naman ay namimigay ng mga gift packs sa mga pumupunta.

“Ayos ka lang po ba, ma’am?”

Ngumiti ako matapos makainom.
“Oo, ayos lang. Kapag hinanap ako ng pamilya ko, pakisabi nagbibihis lang”

Tumango ang babae kaya mabilis kong hinanap ang gamit ko para kumuha nang panibagong t-shirt na maisusuot. Papalabas na sana ako nang magkasalubong kami ni Fourth.
Sumulyap siya sa dala ko bago tumingin sa ’kin.

“Uh, magbibihis lang ako,” sabi ko at akmang lalampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko.

“Hintayin mo ako,” aniya sabay bitaw mula sa pagkakahawak at mabilis na tinungo ang mga staff at may sinabi bago bumalik sa ’kin.
“Let’s go.”

Nauna siyang maglakad habang kinakalkal ang bulsa niya. Nang makita niya ang hinahanap ay inilabas niya iyon. Akala ko naman kung ano na susi lang pala ng kotse niya. Sunod-sunoran lamang ako sa kaniya. Ayoko rin kasing maiwang mag-isa dahil hindi ko gamay ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Na-trauma na ako sa nangyari saakin noon sa mall. May mga tao pa naman na hindi gustong naririto kami ngayon.

Pinanuod ko siyang kumuha ng gamit sa loob ng bag niya bago isinara ang pintuan ng kotse.
“Magbibihis ka rin?” tanong ko.

Tipid lamang siyang tumango at nauna ulit na naglakad. Iginaya niya ako papasok sa isang public restroom.
Binuksan niya ang pintuan ng cr para sa mga babae at tumingin sa ’kin.

“Pumasok ka na. Magbabantay ako rito.”

Hindi na ako umalma at pumasok na lamang. Mabuti na lang at may bakante pa kaya agad akong nakapagbihis. Lumabas ako at naghugas ng kamay at naghilamos na rin saka tiningnan ang sarili sa salamin.

Nagugutom na ako kahit kakakain pa lamang namin. Siguro dahil marami rin akong ginawa kanina. Pinunasan ko ang mukha at inayos ang pagkakatali ng buhok. May nakita akong bakery shop kanina nang maglibot kami. Baka puwede akong makabili roon ng makakain.

“Tapos na ako,” sambit ko nang makalabas. Naabutan ko siyang nakasandal sa pader habang ang magkabilang kamay ay nasa bulsa. Nakapagbihis na rin siya.

Sabay kaming naglakad palabas.
“Uh, mauna ka munang bumalik doon. May bibilhin lang ako”

“You can ask one of your staffs to do that. Hindi ka puwedeng maglakad mag-isa. Alam mong maraming kalaban ang papa mo”

Umiling ako.
“Ako naman kakain kaya bakit ko pa ipabibili sa iba? Isa pa, busy sila. Ayokong maging pabigat. Mag-iingat naman ako, huwag kang mag-alala”
Hindi rin naman masyadong malayo ang pupuntahan ko. Ilang lakaran lang naman.

Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin. “Lead the way. Sasamahan kita,” aniya sa matigas na boses.

“Hindi na kailangan, malapit lang naman—”

“I said, lead.the.way, Ysabelle” pagputol niya sa sasabihin ko.
“Hindi ka puwedeng maglakad mag-isa. Huwag matigas ang ulo,” dagdag niya pa pero mahina niya lang sinabi ang panghuli na narinig ko naman.

Bumuntong hininga ako at naunang naglakad. Pero imbes na sa direksiyon ng pupuntahan kong bakery shop, ay tinahak ko ang daan pabalik ng tent namin.

“Ysa!”

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lamang akong naglalakad pabalik na masama ang loob. Anong karapatan niyang utos-utosan ako? Anong karapatan niyang pagalitan ako? Ni hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit pa siya sumama. Ano ‘yun, napapalapit na siya sa papa ko kaya gusto niyang tumulong?

“Ano ba!” sigaw ko nang higitin niya ang braso ko para mapaharap sa kaniya. Marahas ko iyong binawi. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya sa ginawa ko.

“Galit ka?” namamangha niyang tanong. Mas lalong tumaas ang dugo ko patungong ulo.

“I’m sorry. Ayoko lang na mapahamak ka. This isn’t your place. You’re not safe here”

“Hindi mo ako kapatid kaya huwag kang umakto na parang may pakialam ka,” mariin kong sabi at tinalikuran siya. Alam kong ginagawa niya lamang ang lahat ng ‘to dahil sa sinabi niya noon. Hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kaniya noon pero hindi na ngayon. Alam ko na ang rason niya.
Wala siyang kapatid at nag-iisa lamang siyang anak. Pero hindi niya ako kapatid kaya dapat itatak niya ‘yun sa isipan niya. Wala siyang karapatan sa ’kin.

Muli akong napahinto nang higitin niya ako ulit paharap sa kaniya.
“What are you talking about?” nakakunot noo niyang tanong. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit mas lalo lamang niya ‘yung hinigpitan.

“Alam kong naiintindihan mo ang sinabi ko kaya hindi ko na ‘yun uulitin pa. Let me go, Fourth. May gagawin pa ako.”

“No. I don’t know where you got that idea but I care about you—”

“Hindi na ako bata ano ba! Hindi mo na ulit ako mauuto!” pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya. Kailangan ko nang makalayo mula sa kaniya. Pakiramdam ko sasabog na ‘yung sama ng loob na naipon ko dahil sa narinig ko noon.

Kita kong may mga nakakapansin na saamin kaya inipon ko ang lakas ko para maitulak siya. Nagtagumpay naman ako dahil napaatras siya nang kaunti at nabitawan ang kamay ko.

“Ysa!”

Tumakbo na ako bago pa man niya ako maabutan. Hinanap ko sina tita at Dani at nanatili sa tabi nila para hindi niya ako malapitan. Pag-iwas lamang ang tanging solusyon na naiisip ko ngayon. Hindi ko hahayaan na mauto na naman niya ako.

Ganoon ang ginawa ko hanggang sa matapos kami. Sinabi ko rin kay papa na masama ang pakiramdam ko kaya sa kanila ako sasabay. Wala naman siyang naging komento roon. Nang makauwi, dumiretso ako sa silid ko at sinabing hindi muna makakasabay sa kanila sa hapunan dahil nga masama ang pakiramdam ko at kailangan ko nang magpahinga. Wala namang tumutol maliban kay Fourth na seryoso lamang ang mga mata habang nakatingin sa ’kin.

Kinaumagahan, napagdesisyunan kong hindi muna sumama sa kanila. Nanatili lamang ako sa bahay habang nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan siyang maiwala sa buhay ko. Hindi naman habang buhay maiiwasan ko siya.

“You should get a boyfriend,” suhestiyon ni Dani nang makita niya akong nakahiga lamang sa kama ko. Hindi rin siya sumama ngayong araw dahil may lakad daw siya mamaya.

“Anong boyfriend? Anong gagawin ko sa boyfriend?”

“Sus. Alam kong si Jacques ang problema mo. Mag boyfriend ka na lang para makalimutan mo ang nararamdaman mo for him. Wala akong tiwala sa isang ‘yun”

Napaisip ako. Gagana ba ‘yun?

“Ayokong gumamit ng iba para sa pansarili kong interes,” sagot ko at bumuntong hininga.

“Ita-try mo lang naman. Why not date your friend Josh? He looks kind, at mukhang may gusto sa ‘yo”

“Kaibigan lang si Josh, Dani.”

Humalakhak siya at mahinang umiling.
“Malay mo naman hindi ba? Baka mag work kayo. Kadalasan sa mga love stories nagsisimula sa pagkakaibigan, sister. At isa pa, masyadong boring ang life mo. Getting a boyfriend would be a change of you. Alalahanin mong NBSB ka. Walang karanasan kaya madaling mauto.”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon