Huminto ang kotse sa harapan ng isang coffee shop. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse para makababa nang pigilan ako ni Fourth. Bumaba siya at umikot saka ako pinagbuksan. Pinigilan ko ang mapangiti.
“Salamat”
Tipid siyang tumango at sumandal sa kotse niya.
“Call me when you need me”Mahina akong tumawa.
“Kapatid ko siya, Fourth. Hindi siya kriminal” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na sa loob.
Mabilis kong nahanap si Dani na pinaglalaruan ang cellphone niya na nasa mesa.Umupo ako kaharap niya at tipid na ngumiti.
“Pasensiya na kung natagalan” sambit ko. Tumango lamang siya.“I ordered for you. It’s your favorite” sabay turo niya sa cake at kape na nasa harap ko gamit ang labi.
“Salamat. Kumusta ka na nga pala?”
“Ayos lang. I know why you’re here. Oo, nagsinungaling ako. Sorry...”
“Pero bakit?” may pagtataka kong tanong.
“I assumed. Akala ko ‘yung mga pagkikita namin ay sign na gusto niya rin ako. I was wrong, I’m sorry...”
Tumango ako. Kung ganoon, totoo ngang may nararamdaman siya para kay Fourth. Hindi naman ‘yun nakapagtataka. Kahit sino naman yata, magugustuhan ang isang kagaya niya.
“Noong umalis ako, nahirapan akong mag-isa. Hindi ako sanay. I missed those times na kasama ko pa si mommy. Akala ko, hahanapin mo ako”
“Dani, hinanap ka namin” giit ko “Sinubukan naming kontakin ka ulit. Lola used her connections in order to find you. Pero bigo kami, e. Pasensiya na”
“No, it was my fault. Pero nakaya ko naman kaya ayos lang. Determinado akong ibigay ang hustisya para sa mga nawalan noong bumalik ako dito. And then I fell in love with Jacques. I fell in love with your Fourth”
Kumirot ang dibdib ko sa narinig. Nasasaktan ako hindi dahil nagseselos ako. Nasasaktan ako para sa kaniya.
Noon pa man ay wala akong nabalitaan na may seryoso siyang nagustuhan na lalaki. At sa tingin ko, kay Fourth lang siya naging seryoso.“Dahil wala ka na naman, naisip ko na baka may pag-asa kami. Akala ko magugustahan niya rin ako, at baka mahalin niya rin ako. I assumed too much”
Siguro nga ganoon talaga ang pagmamahal. Kapag gusto o mahal mo ang isang tao, nabubulag ka sa katotohanan. Mas nangingibabaw sa puso at isip mo ang mga salitang “baka puwede” at “malay mo naman.”
Ganoon ang naramdaman ko noon sa kaniya. Ang kaibahan nga lang, ‘yung baka puwede, ay naging puwede talaga.“Nang bumalik ka, I was scared. Baka maagaw mo, e. Baka ikaw ang piliin imbes na ako kaya ko iyon nasabi. I tried to push you away again para hindi na kayo muling magkita. But I saw your kids that night, after I saw your head covered in blood, pakiramdam ko binuhosan ako ng malamig na tubig. Nagising ako sa katotohanan na hindi puwedeng maging kami. Dahil may anak kayo at... k-kapatid kita”
Unti-unting namuo ang mga luha ko sa mata.
“I forgot that you’re my sister, Ysa. I’m sorry...” sabay hawak niya sa mga kamay ko at yumuko.
“Naging selfish ako...”Mabilis akong umiling at tumayo para lumipat sa tabi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit.
“I’m sorry...”
“I’m sorry din...” sabay ngiti ko at mabilis na pinawi ang mga luha nakatakas.
“Nang malaman kong buntis ako, sinubukan kitang tawagan. Pero naisip kong galit ka kay Fourth kaya imposibleng matatanggap mo ang mga bata”
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...