Tahimik akong nakaupo sa kama nung bumukas ang pinto at pumasok ang pinaka-nakakairitang lalaki sa balat ng lupa. Padabog niyang inilapag ang pagkain sa tabi ko at naglakad pabalik sa pintuan saka sumandal.
“Kumain ka. Kailangan ka pa namin para makalabas”
“At sa tingin mo, magtatagumpay kayo sa binabalak niyo?” turan ko sabay tawa. “Sa tingin niyo matatakasan niyo ang batas?”
“Sa tulong mo? Yeah” umangat pa ang gilid ng labi niya na mas lalo ko pang ikinairita.
“Hindi ‘yun mangyayari”
“Hindi ikaw ang magsasabi niyan. Nakadepende ang kapalaran mo sa boyfriend mo. If he’ll do what we want, we’ll set you free. Kung hindi naman, pasensiyahan na lang”
Nanghina ako sa narinig. Alam kung gagawin ni Fourth ang lahat masiguro lang na ligtas ako. Pero hindi puwedeng makatakas si Ardiente sa mga kasalanan niya.
“Fourth...” bulong ko sa hangin.
Gumagabi na at hindi pa rin bumabalik ‘yung Jace. Hindi rin naman ako makalabas dahil naka-lock ang pinto. May nakabantay naman sa baba ng mga bintana kaya wala talaga akong magagawa.Maghahating-gabi na ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakapatay ang ilaw ngunit alam ko na kung sino ang pumasok.
“Ginagawa na ng boyfriend mo ang gusto namin”
Mahina akong napalunok. Hindi maaari. Hindi sila puwedeng makaalis.
Bumangon ako at umupo sa kama saka siya inaninag sa dilim.
“At papaano niyo naman planong tumakas? Wanted na ang uncle mo. Sa airport pa lang o sa daongan ay tiyak na mahuhuli na kayo”Rinig ko ang pagtawa niya bago lumabas sa dilim. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa tingin ko ay lasing siya.
“Mayaman ang boyfriend mo. Kaya niyang gawan ng paraan ‘yan” sabay ngisi niya. Muli akong napalunok nang unti-unti siyang naglakad palapit.
“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong. Palapit siya nang palapit.
Ang ginawa ko, umatras rin ako nang umatras hanggang sa muntikan na akong mahulog. Akmang aalis na ako mula sa kama nang higitin niya ang braso ko at marahas akong idiniin saka dinaganan.“Ano ba!” pilit ko siyang sinusuntok sa dibdib dahil hindi ko magalaw ang mga paa ko para sipain siya subalit hinawakan niya ang mga iyon saka mariin na idiniin sa ibabaw ng ulo ko.
“You know what? I like you” mahina niyang sambit saka inilapit ang mukha.
“I don’t! Bitawan mo ako ano ba!”
Bahagya siyang tumawa at akmang hahalikan pero mabilis kong iniwas ang mukha ko kaya dumiretso sa leeg ang labi niya.
“Tulong!” nanginginig kong sigaw at halos paiyak na. Bakit ba ‘to nangyayari sa ’kin?
“Shush... Gusto ko lang malaman kung magaling ka rin katulad ni Danica”
Naging triple ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Inipon mo ang lahat ng natitira kong lakas para makawala sa pagkakahawak niya saka siya marahas na itinulak.
Nahulog siya kama at napaupo sa sahig. Mabilis akong tumayo at kinuha ang gunting na nasa mesa at itinutok iyon sa kaniya.
“Anong ginawa mo sa kapatid ko!? Nasaan siya!?”
Parang baliw siyang humalakhak.
“Baliktad. Dapat ano ang ginawa ng kapatid mo sa ’kin. She’s stupid. He chose that fvcking man instead of me.
Now look at me. I’m a fvcking mess because of her”Napalunok ako nang malaki at nanghihinang binitawan ang gunting.
“Huwag mo siyang sisihin sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Nagmahal lang siya”
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...