“Is this your hometown, mommy?” tanong ni Yvianne habang nakatingin sa labas ng bintana. Papunta na kami sa Santa Cruz. Nasa akin pa rin naman nakapangalan ang bahay. May kinuha rin naman si lola na caretakers para mapanatiling maayos ang bahay matapos kaming umalis noon.
“Yes, baby. Maganda ‘di ba? But wait until you see my favorite place”
“Didiretso po ba tayo roon, mom?”
“Ihahatid muna natin ang mga gamit at magluluto na rin ako para madala natin” sagot ko kay Carson. Pareho silang sumandal sa ’kin at niyakap ang magkabila kong braso. Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami sa Santa Cruz. Aaminin ko, nabigla ako sa mga pagbabagong nakita ko pagkababa sa sasakyan. Inilibot ko ang tingin. Mas lalong dumami ang mga bahay. Sa katunayan, pinapagitnaan na nila ang bahay namin. Mas lalo ring lumapad ang sementadong daan.
“Wow, mommy! Ang ganda!” bulalas ni Yvianne.
Kitang-kita rin ang mga naglalakihang gusali hindi kalayuan sa kung nasaan kami. May parte sa ’kin ang masaya dahil sa nakikita kong pag-unlad ng mga tao rito subalit hindi ko pa rin maiwasan ang manghinayang sa simpleng lugar na meron kami noon.
“Manong, pakidala na lang po sa loob ang mga gamit namin” Nilingon ko ang limang bodyguards na nakabantay sa amin. “Kindly help Manong” Tumango naman sila at agad na kumilos.
“Ysa? Ikaw ba ‘yan?”
Natigilan ako nang lumabas mula sa loob ng bahay ang isang may katandaang babae.
“Kayo po ba ang isa sa mga caretakers na kinuha ni lola?”
Yumakap sa magkabila kong hita ang kambal at nagsitaguan sa likuran ko.
Napansin niya iyon na nagpagulat sa kaniya.“M-Mga anak mo?” hindi makapaniwala niyang tanong at bahagya pang sinilip ang mga bata dahilan kaya mas lalo pa silang nagtago.
“Opo” tipid kong sagot saka lumuhod para pantayan ang dalawa kong anak at hinimas ang mga ulo nila.
“It’s okay. Pumasok muna kayo at magpahinga saglit. Ihanda niyo na rin ang gagamitin niyo mamaya. Pagkatapos ko magluto ay aalis agad tayo” Muli kong binalingan ang babae.
“Puwede po bang pakihatid ang mga bata sa silid nila? Nasaan po ang iba niyo pang kasama? Magpapatulong sana ako sa pagluluto”Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na lamang sa loob habang nakasunod sa ’kin ang kambal.
“Si Kanor lang ang kasa-kasama ko rito, Ysa.”
Kanor? Mabilis ko siyang nilingon.
“A-Aling Matilda?” pinigilan ko ang sarili na lapitan siya para yakapin. Kaya pala siya pamilyar.Naiiyak siyang ngumiti sa ’kin.
“Kumusta, Ysa?”Ngumuso ako at ginantihan siya ng ngiti. Binalingan ko ang mga anak ko saglit para sabihan na manuod muna sila ng tv. Agad din naman silang tumalima.
“Hindi ko po maintindihan, ano pong ginagawa niyo rito?” panimula ko at iginiya siya papuntang hardin saka kami sabay na naupo.
“Nang maghanap nga ng taga-pangalaga ng bahay ang taong inutusan ng lola mo, nag presenta kami para makabawi sa ginawa naming paglihim sa katotohanan mula sa ‘yo noon. Patawarin mo sana kami, Ysa...”
Tipid akong ngumiti at tumingin sa malalagong halaman na inalagaan ko noon. “Wala na po ‘yon. Bumalik po ako rito dahil kailangan kong makausap si Fourth at gusto ko rin pong makatulong sa kaso”
“Alam mo nang wala siyang kasalanan?”
Mahina akong umiling. “Oo, wala po siyang kinalaman sa nangyari kina papa at Tita Dette at sa iba pang namatay pero...” muli ko siyang tiningnan. “Katulad ni papa, at katulad ko, may kasalanan pa rin po si Fourth. Hindi niya man itinuloy ang paghihiganti niya, pinaikot niya pa rin kami. Pinaikot niya pa rin ako”
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...