Kabanata 17

121 37 21
                                    

Katulad nga ng nasa plano, matapos ang isang buwan ay lumipad kami patungong Maynila. Hindi ako mapakali habang nasa loob ng kotse niya. Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang ka-text si Luce. Kanina pa kami tahimik. Hindi rin naman humahaba ang usapan namin sa tuwing tinatanong niya ako kung gutom na raw ba ako o kung ayos lang ba ako habang nasa byahe. Puro tango lang naman kasi ang isinasagot ko. Sa tingin ko naman, umiiwas din siya katulad nga ng napagkasunduan namin.

“You’ll stay in my penthouse,” aniya habang nagmamaneho.

“Okay” tipid ko namang sagot at tumingin sa labas ng bintana. Kabi-kabila ang traffic kahit gabi na.
Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib. Ang daming tao. Ganito ba talaga rito?

Napaamang ako nang makapasok kami sa isang napakalaki at napakataas na building. Ganito siya kayaman? Parang kinurot ang puso ko sa naisip. Kung ganoon, nararapat ngang iwasan ko siya. Masyado siyang mataas, hindi kami nababagay sa isa’t-isa.

“My room is next to yours. Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako,” aniya matapos buksan ang isang malaking silid. Pumasok ako at iginala ang tingin, ito ang magiging kuwarto ko? Napakalaki naman. Napakagarbo rin.

Dahan-dahan akong umupo sa malambot na kama. Ganito ba talaga ang buhay niya rito kahit noon pa?
Kung doon sa amin, kami ang itinuturing na nasa taas, dito naman para lang akong langgam na napadpad sa napakarangyang bahay.

“Let me hear your thoughts”

Nanatili ang tingin ko sa ibaba. Sa nalaman ko ngayon, pakiramdam ko nakakahiya ang tapunan man lang siya ng tingin.

“Ysa” tawag niya sa pangalan ko nang hindi ako sumagot. Tinapangan ko ang loob at itinaas ang ulo para salubongin ang tingin niya. Kasalukuyan siyang nakasandal sa may pintuan habang naka-cross ang mga braso sa dibdib at nakatingin sa ’kin.

“Alam kong mayaman ka pero hindi ko inakala na ganito ka kayaman,” mahina kong saad. Saglit na kumunot ang noo niya at tumayo nang tuwid.

“Ang mga magulang ko ang mayaman, Ysabelle. Hindi ako. This was my father’s gift when I turned 21. They want me to be independent so they gave me this. I’m still building my own name” paliwanag niya at unti-unting naglakad palapit.

“Kahit na” giit ko naman at umiwas na lang ng tingin.

“What about you? You’ll pursue modeling? Are you sure about this?”

May inis ko siyang tiningnan ulit.
“Bakit? Sa tingin mo hindi bagay sa ’kin?”

Napaamang siya saglit at nakangiting umiling.
“That’s not what I meant” depensa naman niya sa sarili. Tila marami siyang gustong ipaliwanag ngunit pinigilan na lamang ang sarili.
“Ayaw mo na ba maging engineer?” patuloy niya habang nakatayo sa harapan ko at nasa bulsa ang magkabilang kamay.

“Kinuha ko ang engineering kasi wala akong ibang maisip. Tinanggap ko rin ang proyektong ito dahil gusto kong subukan”

“I see. You’re indecisive, huh? I guess it’s okay. Sa akin ka rin naman babagsak sa huli”

Mahina lang ang pagkakasambit niya sa huling linya kaya hindi ko masyadong narinig.

“Ihahatid at susunduin kita sa trabaho mo. Do you have a schedule tomorrow?”

Napakurap-kurap ako sa tanong niya.
“Uhm, hinihintay ko pa ang tawag ni Luce” sagot ko at sumulyap sa hawak na cellphone.

“Can I get your number then? I’ll give mine, too. So you could text or call me up when you need me”

Tumango ako at ibinigay ang hawak na cellphone sa kaniya. Inilabas niya naman ang cellphone niya mula sa bulsa at nagsimulang magtipa. Ibinalik niya rin agad sa ’kin pagkatapos.

“What do you want to eat? I’ll cook”

Hindi ko mapigilan ang mamangha. Lahat ba kaya niyang gawin?

“Uh, k-kahit ano?” hindi ko siguradong sagot.

Tumawa siya at marahang umiling saka tumalikod.
“Women,” mahina niyang bulong na narinig ko naman. Napaismid ako.
Sa hindi ako sigurado, e. Isa pa, kumakain naman ako nang kahit na ano basta walang lason.

“You can wait here. I’ll call you when it’s ready—”

“G-Gusto kong manuod!” putol ko sa sasabihin niya at agad na tumayo. Natigilan siya at nilingon ako.
“Uh, titingnan ko kung marunong ka ba talaga?”

Tumaas ang gilid ng labi niya.
“Is that a challenge?”

“Scared?” kunot-noo ko namang tanong.

“Challenge accepted.”

Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kaniya habang siya ay nagluluto. Bawat galaw niya ay nakamamangha sa paningin ko. Mali yata ang ginawa kong paghamon sa kaniya kanina dahil sa nakikita ko ngayon, mukhang alam na alam niya ang ginagawa.

Hindi ko maiwasan ang mapaisip. May iba pa kaya siyang hindi alam gawin? Sa tingin ko kasi, alam niya lahat.

Sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya, unti-unti akong nanlumo. Ang perpekto niya habang ako...

Kinagat ko ang sariling labi at huminga nang malalim. Kahit kailan hindi pa ako na-insecure nang ganito.
Pero simula nang makilala ko siya, nagbago lahat.

May girlfriend na kaya siya? Wala pa akong narinig mula kay papa na may ikinuwento siya tungkol doon. Ano kaya ang tipo niyang babae? Hindi bata tapos?

Wala siyang kapatid na babae sabi niya kaya iba ang pagtrato niya sa ’kin. Ganoon pa rin ba ang tingin niya sa ’kin hanggang ngayon?

Ang dami kong tanong pero hindi ko naman maisatinig. Natatakot ako sa maaari niyang isagot.

Kumuha siya nang kaunti sa luto niya at hinipan iyon saka inilapit sa ’kin.
Gusto niya yatang tikman ko kaya ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sarap ng lasa. Ang galing.

Ngumito naman siya nang makita ang reaksyon ko at isinubo ang kutsarang hawak niya. Gulat akong napakurap.
Isinubo ko na iyon ah? Bakit niya...

Indirect kiss ‘yun!

Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Nang lumingon siyang muli, napatayo ako nang tuwid at umiwas ng tingin.
“I-Ihahanda ko lang ang ibang gagamitin sa mesa” nauutal kong saad at agad na tinungo ang lalagyan ng mga plato at kutsara. Sanay na naman ako dahil nga tumutulong rin ako minsan sa mga kasambahay namin kaya madali ko lang na nagawa.

“Tell me your schedule once it came” pagbasak niya sa katahimikan habang kumakain kami.

Marahan akong tumango. Hindi ako makaalma dahil naiintindihan ko naman na sa kaniya ako ipinagkatiwala ni papa. Kapag napahamak ako, mapapahamak din siya.

“Fourth?” tawag ko sa kaniya.
Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa ’kin.
“Salamat sa pagpayag na sumama ako sa ‘yo. Alam kong hindi rin ako papayagan ni papa kung hindi ka rin pumayag”

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Ganoon rin ang ginawa ko.

“Uh, wala bang magagalit sa pagtira ko rito?” tanong ko at mariing hinawakan ang kutsara.

“What?”

“Like, girlfriend? Wala ba?”

Nagtagpo ang magkabila niyang kilay sa gitna.
“I don’t have a girlfriend, Ysa. I don’t do girlfriends.”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon