Kabanata 20

118 34 18
                                    

Abot-abot ang aking kaba. Inilabas niya ang magkabilang kamay sa bulsa at tumayo nang tuwid. Hindi ko matukoy ang emosyon sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ’kin habang ako naman ay pinipigilan ang mga paa na maglakad paalis. Napatingin ako sa kuwelyo niya nang may makita akong bahid ng lipstick doon. Muling dumaan sa isip ko ang nakita ko kanina.

Mapait akong ngumiti.
“Hindi ko alam na nandito ka rin. Kung gusto mo pang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo, okay lang. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko mamaya. Naituro mo na rin naman sa ’kin ang paraan para makapasok sa penthouse mo” Gusto kong pasalamatan ang sarili dahil hindi ako nautal.

Hinintay ko ang sagot niya ngunit nanatili lamang ang mga mata niya sa ’kin. Yumuko ako konti at akmang tatalikuran siya nang bigla siyang nagsalita.

“Umiyak ka?”

Mabilis kong pinahid ang mga mata para matiyak kung may bahid pa rin ba ng mga luha.

Wala naman.

“Your eyes are red. Umiyak ka” hindi na patanong ang huli niyang linya na para bang siguradong-sigurado na siya sa hinala.

“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Sa tingin ko ay dapat ka nang bumalik ka na sa mga kaibigan mo. Baka hinihintay ka na nila” rason ko at tuluyan siyang tinalikuran. Sasabihan ko na lamang si Cel na sasabay ako sa kanila pag-uwi o ‘di kaya’y tatawagan ko na lang si Luce para masundo ako. Hindi ko pa kayang mag-commute dahil malaki ang siyudad at baka maligaw lamang ako.

“I came here for you. I want to check if you’re okay. Hinayaan kita sa mga bago mong kaibigan dahil nakita kong kaya ka nilang protektahan”

Natigilan ako ngunit hindi ako lumingon. Nakita niya ang nangyari kanina?

“I saw my friends and they want me to join them so I did. Hinihintay ko kayong matapos but then, she came”

Bakit ba siya nagpapaliwanag?

“She kissed my neck without my permission, Ysa. I pushed her after you walked away—”

“Tama na” pagputol ko sa sasabihin niya saka siya nilingon.
“Wala ka namang kailangang ipaliwanag. Naiintindihan ko ang buhay mo rito. Kung hindi ako nagkakamali, she’s your fling ‘di ba? Isa sa mga babaeng sinabi ni Art”

Umigting ang panga niya pero hindi niya ako pinigilang magsalita.

“Sinabi mo rin na having a girlfriend isn’t your thing kaya sigurado akong isa lang iyon sa mga babae mo. Ayos lang naman. Hindi naman ikaw ang unang lalaking nakilala kong may ganiyang gawain”

Salungat sa mga sinasabi ko ang nararamdaman ko ngayon. Maraming tanong sa isip ko ngunit katulad nga ng dati, hindi ko iyon maisatinig dahil natatakot ako sa maaari niyang sabihin. Wala naman kasi akong karapatan na kuwestiyunin ang ginagawa niya. Dapat akong lumagay sa tamang lugar dahil hindi ko naman siya kaano-ano.

Kinagat niya ang sariling labi.
“So you don’t like me now?”

Napaamang ako sa tanong niya at tuluyan siyang hinarap.
“A-Ano?” Alam niya bang gusto ko siya? Nahalata niya ba? Kailan pa?
Malakas ang bawat pintig ng puso ko na para bang may humahabol doon.

“You’re turned off. I can sense the disgust in your voice” aniya at dahan-dahang humakbang. Hindi ako umatras. Oo, aaminin ko, tama siya.
Akala noon, nagbibiro lamang si Art nang sabihin niyang marami siyang babae. Ngunit nang makita ko siya kanina, may nagbago sa pagtingin ko sa kaniya.

“Sabihin mo nga sa ’kin, Ysa. Hindi mo na ba ako gusto dahil lang sa nalaman mo?” mahina niyang tanong at huminto sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko ang pangamba sa boses niya.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon