Siguro nga hindi masama ang pumasok sa isang relasyon hindi ba?
Ayos lang naman iyon kay papa dahil ang sabi niya, nasa tamang edad na kami para magdesisyon sa kung anong gusto naming gawin at sa kung ano ang tama.Pinapanuod ko si Josh na nagsusulat sa papel niya. Ilang taon na kaming magkasama pero hindi kailanman dumaan sa isip ko na puwede kaming maging mas higit pa sa magkaibigan.
Kaibigan lamang siya sa paningin ko kahit na ba marami na rin ang nagsasabi na bagay kami. Paminsan-minsan pa nga ay napagkakamalan akong girlfriend niya.
Napansin niya yata na pinapanuod ko siya kaya siya lumingon at kinindatan ako.
“Ano? Nahuhulog ka na ba sa kagwapuhan ko?” sabay tawa niya.
Mahina rin akong tumawa at pabiro siyang hinampas.“Hambog mo”
“Sus! Totoo naman, e. Pero seryoso, bakit ka ba nakatingin?”
Nagkibit-balikat ako at sumubsob sa mesa.
“Iniisip ko lang ang sinabi ni Dani”“Ano bang sinabi niya?”
“Wala. Ituloy mo na lang ‘yang ginagawa mo” sagot ko habang nakatingin sa sahig nila. Desperado akong humanap nang paraan para maiwasan si Fourth pero hindi ko kayang gamitin si Josh. Mabuti siyang kaibigan, at sa tingin ko, hanggang doon lang talaga kami. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pansarili kong interes. Ang unfair nun sa side niya.
Matapos tumambay sa kanila ay hinatid niya ako pauwi gamit ang motor nila. Nang makababa, kita ko ang pagpasok ng kotse sa gate namin at pumarada sa harapan ng bahay namin. Lumabas mula roon si Fourth.
“Sino ‘yan? Pamilyar ah” mahinang bulong ni Josh. Napalunok ako nang malaki at umiwas ng tingin nang tumingin siya saamin.
“Bisita ni papa. Huwag mo na lang pansinin. Gusto mo bang pumasok muna?” alok ko sa kaniya. Kinakabahan pa ako dahil ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin saamin.
“Hindi na. Kailangan ko na rin umuwi. Kita na lang tayo bukas,” aniya at pinaandar ang makina ng motor.
“Sige. Text mo ako kapag nakauwi ka na. Mag-iingat ka”
“Yes, ma’am!” nakangisi niyang pahabol bago humarurot paalis.
Blanko kong binalingan si Fourth.
“Nasa loob yata si papa. Pumasok ka na lang,” sambit ko at naunang naglakad papasok. Nakita ko si papa sa hardin namin, may kausap na lalaki. Dumiretso ako sa kusina para uminom dahil nauuhaw ako. Kinuha ko ang pitsel mula sa ref at nagsalin nang tubig sa baso bago iyon ininom.“Not your boyfriend, huh?”
Muntikan ko nang maibulwak ang tubig sa bibig ko. Buti na lamang at nalunok ko agad ‘yun. Masama ko siyang tiningnan.
“Nasa hardin si papa, wala rito” iritado kong sambit at ibinalik ang pitsel sa ref. Akmang lalampasan ko na siya nang higitin niya ang braso ko at inilapit ang sarili sa ’kin.“Break up with him.”
Napaamang ako sa sinabi niya.
“Hindi mo ako puwedeng utos-utosan” mariin kong sagot at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.Dumaan ang gulat sa mukha niya pero agad rin iyong napalitan nang pagkamangha.
“You’ve changed, huh?”
Kumunot ang noo ko at umatras nang konti para mailayo ang sarili sa kaniya.
“Change is constant, Fourth. Hindi na ako bata kaya huwag kang umasa na ganoon pa rin ang ugali ko” Ano bang inaasahan niya? Na magiging mahiyain pa rin ako katulad ng dati?Nagtagpo rin ang dalawang kilay niya sa gitna at bahagya pang umangat ang labi.
“Hindi ko talaga alam kung saan mo nakuha ang ideyang ‘yan. Who told you that you’re still a kid, huh, Ysabelle?” namamangha niyang saad habang dahan-dahang umaabante.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...