Kathleen POV's
"I love you Josh!" Pananabik kong sabi sa kaniya habang hawak niya ang dalawa kong kamay.
"I love you too, kathleen. I'm always be with you forever."
OMG! This is it. Ito na ba yung happy ending na sinasabi? Kumbaga sa Kdrama, love romance and kissing scene kung tawagin.
Hayss! Ang gwapo niya talaga and di ko maitatangging napaka pilyo at charismatic person siya. Mukhang ako na yata ang pinaka maswerteng babae sa mundo. Dati ko lang siyang pinapangarap, ngayon ay makakasama ko na. Magkalapit na ang aming mukha at tangkang hahalikan na niya ako.
"I LOVE YO...."
*PAK..*
Nagising ako bigla ng may dumamping kamay sa aking mukha. Putek! Si mama pala Kita ko sa aninag palang ng tayo niya.
"ARAY! Ma naman eh bakit mo ko ginising?" Pagrereklamo ko sa kaniya.
"Anong ginising? Hoy! Ineng tanghali na kaya, di ka ba papasok? Tumilaok na lahat ng manok sa labas Ikaw bulagta ka padin, kababae mong tao."
Gusto ko pa sana matulog kaya lang nagising na ako sa businang boses ni mama. Uy ha! Kahit na ganyan si mama Mahal na mahal ko yan. You see, mula nang iwan kami ni papa si mama na ang tumayong haligi at ilaw ng tahanan saming magkakapatid.
Paggising sa umaga babangon nalang kami't nakahain na siya, Yung uniforme namin plantsado na. Naka ready na ang baon. Napaka supermom talaga ni mama and Wala akong masabi.
"Antok pa nga ako eh, dapat di mo muna ako ginising kung kailan na hahalik na si ano..."
Tinignan ako ni mama na nakataas ang kaliwa niyang kilay. Shocks! Agad Kong tinakpan ang aking bibig.
"Ayan ayan! Yan ang napapala ng kakanood mo ng mga Korean Korean na Yan. Bakit, anong maitutulong niyan sayo? Ayus-ayusin mo pag aaral mo Kath ha! Pag hindi ka nakatapos tignan mo. Baka naman makatagpo kalang ng kasing gwapo ng mga yan, magpaligaw kana."
"Ma naman bakit ba pati panonood ko ng SB19 pinupuna niyo pa, eh yun na nga lang kasiyahan ko sa buhay. At saka isa pa good girl kaya ako and never pa akong naging sakit ng ulo." Pangangatwiran ko.
"Ay naku! Aywan ko sayo. Bilisan mo't bumaba kana at kakain na tayo. Maglinis ka ng kwarto dami mong kalat."
Di na lang ako kumibo at tinawanan nalang siya. Ganda ng panaginip ko, sana kung totoo man yun ayaw ko nang magising pa.
"I love you Baby Josh. Sana soon ma-meet ko din kayo kung papalarin." Sabay halik sa poster na nakadikit sa bandang pader.
Dali-dali na akong tumayo at nagligpit ng ibang mga kalat saka bumaba at sumabay na sa kanila kumain.
"Ano ulam natin Ma?" Tanong ko sa kaniya habang busy sa paghahain ng sinangag.
"Ayan oh may itlog diyan, may hotdog, may tapa kumain na kayo't anong oras na, ihahatid ko pa itong kapatid niyo."
Pumwesto ako sa tabi ni ate Kate. Napansin Kong masyado siyang Tutok sa gadget mukhang may pinagkaka abalahang iba.
"Ate! Mamaya ka na mag cellphone nasa harap kana ng pagkain oh, baka ma-late ka niyan." Pagbabawal ko sa kaniya pero patuloy padin sa pagce-cellphone.
"Tama na muna yan Kate kumain na mamaya na yang mga kausap mo diyan parang hindi naman kayo magkikita niyan sa klase." Dagdag pa ni Mama.
"Di po Ma may tinatapos lang po akong reporting para sa Psychology." Pagdadahilan niya sabay subo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...