CHAPTER 29: EMERGENCY.

24 2 0
                                    

Ann POV'S

"I hope you learned something today. Class Dismissed."

Bumaling ang tingin ko kay Kathleen na mukhang pagod na pagod at haggard ang hitsura.

"Uy bhe! Anyare sayo, ok ka lang?" Pag aalalang tanong ko.

"Inaantok ako." Sabi niya.

"Bakit kasi nagpupuyat ka alam mo na ngang may klase?" Inis ko.

"Hindi ako nagpupuyat. Di'ba nga! Galing ako kahapon sa Amo ko!" Si Kath.

"Edi pag uwi anong ginawa mo?"

"Pahinga malamang!"

Na noticed ko ang eyebags niyang nangingitim.

"Lalim na ng eyebags mo, Bhe! Uso matulog. Ayan ba yung nagpapahinga?"

"Kung alam mo lang kung anong ginagawa ko."

"Ano ba ginagawa mo kasi?"

"Kahapon, tumawag si Justin para puntahan si Josh kasi may sakit. Ngayon ewan ko if how is he."

"Si Josh may sakit?"

"Shhh! Bunganga mo bhe ang lakas!" Inis niya.

"Ay sorry my false HAHAHAHA."

"TANGA fault yun hindi false."

"Well wrong me if I'm correct HAHAHA. Pero di nga, may sakit siya?"

"Oo nga! Anong oras na kaya ako nakauwi. Hinapo siya ng lagnat. Nag aalala ako baka..."

"Baka ano?"

"Baka ganon padin ang kaniyang lagay."

"Sus! Girlfriend yern? Girl, remember, bawal kang mainlove sa kanila. Pwede kang humanga pero yung sosobra ka na sa nararamdaman mo ibang usapan na yan. You need to assess yourself."

Huminga siya ng malalim at ipinasok ang Manila paper sa bag. Saka tumingin sakin.

"Ann, kath aalis na ba kayo? Sabay-sabay na tayo." Si Sam pala.

"Ah oo paalis na nga eh kaso dumating ka." Sabi ko.

"Hmmm.. let's go." Ika ni Sam.

Naglalakad kami sa hallway. Sa aming tatlo ako lang ang pinaka maingay while silang dalawa ay tahimik lalo na si Kathleen. She said na pagod siya kaya wala sa mood.

'Poor girl'

"Grabe ang pogi talaga nilang Lima MUWAH MUWAH."

"Slow down Ann baka makatama ka ng tao." Si Sam.

Hindi ko sila pinapansin dahil naka focus ako sa pinapanood kong video ng SB19.

"Ann baka makabunggo ka tumingin ka sa dinadaanan mo." Si Kath pero hindi ko siya pinansin.

Habang sumasayaw ako ay di ko napansing may sasalubong saking tatlong babae at ang masaklap yung nasa gitna pa ang aking natamaan. Ang Black sheep squad.

"ANN LINGON!" Sigaw ni Sam.

'Hala sorry po'

BOGSHH....

"YOU SON OF A— Tanga ka ba? Ang ligalig mo! Kung saan saan nakatingin!" Sigaw nung babaeng nabangga ko.

"S-sorry po." Tugon ko.

"Anong sorry? Ang laki laki ng daan dito ka pa humaharot. MALANDE!"

"Problema mo sa kaibigan ko? Nag sorry na nga yung tao humihirit ka pa." Sabat ni kath.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon