CHAPTER 15: CONCERT.

24 1 0
                                    

Kathleen POV'S

I'm nervous. Hindi naman ako kasama sa magpe-perform pero bakit ganito yung nararamdaman ko parang naghahalo-halo. May masaya, may malungkot...

Pila-pila mula entrance hanggang sa makapasok ang Ilan sa kanina pang naghihintay na gusto ng makapasok. Dala nila ang kanilang Merch and lightstick.

I'm sure mamahalin yan, sana pala dinala ko yung akin para joined force hehehe. Kaso nakalimutan ko sa bahay.

Naalala ko bigla yung lalakeng nagbigay sakin ng lightstick. Nandito kaya siya? Saan kaya siya banda nakaupo?

~Ann on call~

Hala! Nakalimutan ko sabay pala dapat kami ni Ann pupunta dito. Pero di pa niya alam na dito ako nagta-trabaho.

Anong idadahilan ko? Tiyak magagalit sakin yun dahil nangako akong manonood kami ng concert ng SB19. Mahal pa naman ng VIP ticket na ginastos niya. Wala siyang kasama. Hindi naman ako pwede umalis dito dahil baka hanapin ako ng mga staff.

"Hello bhe?" Nerbyus kong sambit.

"Uy teh! Nasan ka ba? Akala ko ba manonood tayo ng Concert ng SB19 tapos ikaw naman Itong wala. Galing ako sa inyo kanina sabi ng mama mo umalis ka may pasok. Sayang naman yung ticket, di sana pala sinabi mo para yung ticket mo binigay ko nalang sa pinsan ko. Gusto niya din kaya manood. Mag isa lang kaya ako ngayon." Kahit di niya sabihing galit siya pero sa boses at tono ng kaniyang pananalita alam kong masama loob niya.

"Sorry bhe, sorry talaga. Kasi ano eh,"

"Anong kasi? Valid ba yan? Teka bakit maingay diyan sa area mo?"

"Patapusin mo muna kaya ako bago ka gumatong. Di mo kasi naiintindihan eh, mahirap i-explain. Kung sasabihin ko sayo maniniwala ka ba? Pa—"

"Ambot! Palusot! Bahala ka nga..."

Hala siya! Attitude! What the—

"Ms Kath! Paki ayos nga dito yung ibang cosmetics and pakikuha sa loob ng C3 yung ibang damit." Utos ng isang make-up artist na inaayusan si Pablo. Infairness bagay kay pinuno yung outfit. Special gift siguro yan from A'tin. Sana all.....

"Yes ma'am." Tugon ko.

Bigat ng costume. Sinampay ko ang ibang gamit sa bakal para hindi mahulog. Pagkakuha ko ng damit sa kabinet ay may nabangga ako isang babae na mas matangkad kaysa sakin paglabas ko.

"Oh my God, watch were you going. Tatanga-tanga!" Bulalas niya sakin.

"Sorry ma'am. Di ko po sinasadya."

"Anong di sadya? Kitang-kita ko sinadya mo. Sino manager mo't kakausapin ko. Newbie?" Sarkastikong tanong niya.

"Yes ma'am."

"Baguhan ka pa lang gumagawa ka na ng ikakaskandalo mo. Call your manager, Now!"

May lumapit sa amin na isang coordinator at kinausap siya ng masinsinan.

"What's the problem here, Ms Kath?" Tanong niya.

"Ayan! Employer niyo ba yan? Pagsabihan niyo na ayus-ayusin niya ang pagta-trabaho. Hindi kung sino sino ang binabangga."

"Eh nag sorry naman po ako ha?"

"Teka sandali lang ba't ba ano bang nangyari?" Tanong ng coordinator.

"Galing po kasi ako sa loob inutusan po akong kunin ang ibang damit for performers. Paglabas ko po di ko naman alam na nandiyan siya kaya nabangga ko. Nag sorry naman po ako eh, inunahan niya agad ng paninigaw." Pangangatwiran ko.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon