CHAPTER 58: ANXIETY.

25 1 0
                                    

Ann POV'S.

'Time na din para malaman ni Sam na may alam ako sa isyu. Nung araw bago maganap ang isyu, nakita't narinig ko lahat. Kasama ko si Rocco pero mas ako yung nakasaksi. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero willing ko siyang tulungan'

"Ann," si Rocco.

"Rocco....may kailangan ka ba?" Mahinahong tanong ko.

"Sabihin mo nga sakin, anong alam mo sa isyu?"

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Yung isyu, nakausap ko si Sam at dahil—"

"Alam ko, nakausap ko na siya, willing akong tanggapin ang offer niya bilang tulong."

"Tulong para saan?"

"Tutulungan ko siyang malutas Itong kumakalat na lintik na isyu. Rocco, tulungan mo best friend mo, silang dalawa."

"Akala ko ba may di kayo nag uusap ni Kath?"

"Pwede ba Rocco wag ka ng maraming tanong, hindi ito ang oras para isipin pa ang ganyang bagay ang mahalaga magtulungan tayo...lalong kumakalat ang balita sa buong campus at tiyak may kinalaman dito si Kayra."

'Papansin talaga'

"Kayra? Bakit—"

"Natatandaan mo ba yung nagpasama ako sayo dati? Ayun yun."

"Hindi ko maintindihan."

"Ahmm basta, ang gawin mo tulungan mo si Sam mag investigate at kakausapin ko siya later." Hindi na ako nagpaalam bagkus ay umalis na ako sa kaniyang harapan dahil nagmamadali na din ako for next subject.

'Can you imagine, best friend ko ginagago nila? What if sakin nila gawin yan ng may kinalagyan sila sakin. Unfair nilang lumaban, napaka back fighter'

"Makikita niyo, maghaharap-harap din tayo sa huli." Pabulong kong usal.

Kathleen POV'S

*Door open*

"Oh! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong nung janitor na kakatapos lang maglinis. "Wala ka bang klase ngayon, anong block section ka?"

"P-pasensiya na po hinintay ko lang po kasi matapos yung oras ng klase."

"Bakit nandito Ka pa? Hala sge, uwi na kakaunti nalang mga studyante dito baka maabutan ka pang sarhan ng gate sa labas."

"Ho!" Dali-dali akong tumayo at sinukbit ang bag. "Pasensiya na po, nakatulog ako sa loob."

"Wala yun, sa susunod wag ka diyan dahil mainit." Pagpapaalala niya.

"Salamat po. Tuloy na po ako."

"Ingat ka iha." Bilin niya.

'Physically present but mentally absent. Kontrolado ko pa ang katawan pero kung ang isip ko kung saan-saan na tinatangay ng lipad. Hindi ako makaget over, sinasaksak padin sa utak ko yung nangyari. Nanlulumo akong bumyahe pauwi ng bahay'

Nadatnan kong nanonood ng TV si Mama habang si Ate ay may ginagawa sa lamesa at si Kendra ay naglalaro.

"Nandito na po ako." Malungkot na bati ko.

"Kumain ka na?" Tanong ni Mama.

"Wala po akong gana." Dumiretso ako ng lakad paakyat ng kwarto at taimtim na sinarado ang pinto ng kwarto. Pagkahiga ko sa kama ay dun ko ipinagpatuloy ang pag iyak. Kahit masakit na ang aking mata ay hindi padin mapigilan ng aking damdaming masaktan sa sobrang bigat ng problema.

'kung pwede lang isigaw Itong problema bakit hindi, basta't mawala lang ang bigat saking kalooban handa akong mapaos. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit, kanino ako magsasabi ng problema. Lord, hirap bumigkas pero, nalalaman po ninyo ang laman ng aking kalooban. Tulungan niyo po akong maging matibay sa lahat ng pagsubok dahil nalalaman po ninyo kung ano ang makakabuti para sakin. Ikaw po ang nagturong huwag gumanti sa kapwa ngunit kahit sobrang bigat na ng ginagawa nila sakin kayo na pong bahala sa kanila'

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon