CHAPTER 13: FIRST DAY.

24 1 0
                                    

Josh POV'S

Dumaan muna ako sa bahay nila Yvette para bisitahin before I go to Zone. Na worried ako dahil hindi na siya natawag or nagcha-chat sakin. kahit man lang hand wave emoji wala.

Hindi ako naka Van dahil gamit ko ang aking Car na white premium luxury line Geely na Azkarra. Kasi pag nag Van ako, maiistorbo ko lang si Manong driver kawawa naman pagod din yun. At saka para naman makapag long-drive pantanggal inip.

Pagawi ako sa tapat ng bahay nila. Bumaba ako ng sasakyan at mabilis na naglakad patungo sa pintuan.

DING DONG....DING DONG....

Binuksan.

"Oh Josh! Napapunta ka, Anak?" Tanong ni Manang sakin na isa sa mga katulong dito ni Yvette.

"Ay Manang Bellen, kayo po pala kamuntik ko nang di kayo makilala hahahaha." Pabirong segunda ko.

"Batang 'to Kay aga aga hahaha. Halika muna't tumuloy para makapag almusal."

"Hindi na po Manang may rehearsal pa po kasi kami. Tanong lang po, nandiyan po ba si Yvette?"

"Umalis. Kasama si Charlie. Hindi ba niya nasabi sayong may lakad sila papuntang Cebu?"

Ano? Cebu? Bakit wala siyang sinabi na aalis siya? Mukha akong tanga na naghihintay. Boyfriend niya ako may karapatan din naman ako siguro malaman.

"Po! E-eh, Wala po siyang nasabi sakin eh. Hindi nga po nagpaparamdam sa mga message ko. Kailan po uwi niya?"

"Before ang concert niyo daw. Bilin niya pag sakaling dumating o magpunta ka, sabihan daw kitang nakaalis na siya."

Napabuntong-hininga ako't napahawi sa buhok ko ng mahigpit. "Sge po Manang di bale nalang po, sa ibang araw nalang."

"O sge. Ingat ka. Hindi ka na ba papasok muna para makapag almusal?"

"Hindi na po. Salamat." Bumalik na ako sa sasakyan saka pinaandar.

~Yvette on Call~

"Love! Nasan ka?" Tanong ko.

"Nandito ako sa Cebu, why?"

"Bakit hindi mo man lang sinabi na pupunta ka diyan. Ininform mo man lang sana. Kung hindi ako sinabihan ni Manang Bellen di ko pa malalaman. Who are you with?"

"Charlie." Sagot niya.

Sino ba yang charlie na yan? Duda ako eh, Amo niya ba yan? Bakit sa dinami-dami nila sa opisina, si Yvette pa ang napiling isama.

"Darling! Let's go male-late tayo sa Mass Wedding." Sabi nung nasa kabilang linya. Sandali, parang kaboses niya din yung lalakeng narinig ko din last time sa tawag.

"Darling? Taena, Sino ba yang kasama mo, Yvette?" Galit na akong nagsasalita.

"Pwede ba Josh! Wag mo nga akong sigawan, si Charlie lang kasama ko. Bakit ka ba kasi napatawag? May gagawin pa ako."

"Malamang Boyfriend ako, anong gusto mong gawin ko? Tunganga lang ganon? Hintay ng hintay sa mga tawag mo hanggang sa langawin. Common sense, Yvette." Palakas na nang palakas ang boses ko.

"Darling! Let's go!" Sabi uli nung Charlie. "I'm going to hang up. Let's talk about something else later."

"Teka San—" pinatayan niya agad ako ng linya. Badtrip! Tatawagan, daming dahilan. Nakakahalata na. Last time she said ka-officemate niya tapos ngayon.....Hay Naku! Buhay parang life.

At isa pa, Bakit Darling? Officemate tapos Darling! Hindi ako pinanganak kahapon para utuin. Ang words na yan ginagamit sa tawagan ng mag couple. Love ang C.S. namin at hindi Darling. Mukhang may nang Aswang sa girlfriend ko. Wag lang sila magkakamali. Kung hindi talagang magkakalintikan.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon