Josh POV'S
MORNING TIME.
"Iho ang lalim ng iniisip mo." Istorbo ni Manang Olga.
"Kayo po pala Manang." Umupo siya sa kasunod kong pwesto.
"Akala ko ba may overnight kayo ng mga kaibigan mo?"
"Di na po ako tumuloy."
"Eh si Kathleen diba kasama mo siya kahapon?"
"Umuwi din po agad kasi hahanapin po siya ng Mama niya."
'No choice'
"Manang?" Sabi ko.
"Ano yun iho?"
"Ahmm...Wala po." Nahihiya kong sabi.
"Ano na naman ba yang iniisip mo't mukhang problemado ka yata Josh?" Pag aalalang tanong ni Manang kaya di na ako nakatiis ay nagkwento na ako sa kaniya.
"Manang, kwento niyo nga po sakin yung about sa naging nobyo niyo nung kabataan."
"Aba! At bakit ka naman tila'y nagkainterest kang malaman ang tungkol sa nobyo ko Nung ako'y dalaga pa?"
"Wala lang po..gusto ko lang malaman ang tungkol sa inyo hindi puro sakin nalang ang focus. Sa tagal na po natin magkasama ni minsan ay hindi kayo nag kwento ng tungkol sa pamilya, kamag-anak, kapatid maliban sa kasintahan niyo pong si Arturo. Ilang beses ko na po siyang naririnig sa inyo pero hindi ko lubos maisip kung sino po ba si Arturo?"
Tumingin si Manang sa malayo ngunit nananatili pa din akong nakatingin sa kaniya at intiresadong makinig.
"Si Arturo ay ang dati kong nobyo sa probinsya. Labis ko siyang minahal nung panahon ng aking kabataan. Sa aming lugar, Kilala siya bilang makisig, maginoo at mabuting tao si Arturo. Nang magkakilala kami sa isang pabrika ng panahian kasi dun ako nagumpisang magtrabaho dahil nga hindi sapat ang matrikula dahil sa hirap ng buhay. Nagtrabaho ako at dun ko umpisang nakilala si Arturo, isa siyang anak ng may ari ng pwesto na yun kaya madalas kami kung magkita. Ngunit sa kasamaang palad, iniwan niya akong tuluyan."
"Bakit po Manang? Ano pong nangyari?"
"Mayroon kasi akong kaibigang babae na sobrang matalik, na ang turing ko sa kaniya ay kapatid. Napapagkamalan na nga kaming magkamukha dahil lagi na kaming magkasama hehehe halos di kami mapaghiwalay kambal-tuko kung tawagin. Habang nagsasama kami ni Arturo ay palihim na pala silang nakikipagtagpuan sa isa't-isa."
"Eh paano niyo po nalaman Manang na may iba na pala yung nobyo niyo?"
"May nakapagsabi sakin na may ibang kinakalantaryo si Arturo. Nung una ayaw ko maniwala hanggang sa ako na mismo ang nakasaksi. Sa lugar kung saan kami madalas mag-date ay dun din pala niya dinadala yung kaibigan ko."
"Gusto ko po maunawaan kung bakit po kayo naghiwalay."
Huminga siyang malalim at parang gusto ng tumulo ng luha sa kaniyang mata.
"Pinapili ko siya kung sino ang mahal niya saming dalawa. Sa kasamaang palad, mas pinili niya ang kaibigan ko na tinuring ko pang parang kapatid kaya nagpaubaya nalang ako. Alam mo ba, dapat ako ang kaniyang pakakasalan? Pero dahil sa nangyari, Yung pangako niya sakin ay tinupad niya sa kaibigan ko. Ang dami kong nasayang na panahon at ginugol lamang sa lalakeng yun kaya kalauna'y sa iba siya napunta."
'yun pala ang dahilan, sa likod ng isang kwento ay ngayon ko lang nalaman kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa. Ang Akala ko dati ay basta na lamang siyang iniwan dahil ayaw sa kaniya pero dumating yung point na pinapili yung lalake kaya sumama sa iba. Nakakalungkot ano? Kung kailang minamahal mo na, sa huli dun ka bibigyan ng matinding sakit at sobra. Ika nga eh, mahalin mo para iwan ka kasi ganun naman diba kapag sobra mong minahal kahit ano pang klaseng bagay ang gawin mo kapag hindi na Worth it iiwan ka nalang. Yung tipong nagmahal ka ng sobra pero ang bumalik sayo tira-tira'
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
Fiksi PenggemarOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...