Kathleen POV'S.
'Time to school again, ngayon hindi na ako magpapadaig sa takot at sa kung anong isipin na ng iba sakin. Simula ngayon wala na akong pakealam sa kung anoman ang bulung-bulungan saking paligid. Hindi na ako magpapaapekto sa mga kinakalat nilang fake issue tungkol samin. Because I realized that I need to be strong enough to show my darkside. Hindi ko naman sinasabing maging bad person ako, yun bang maipakita ko din sa kanila na Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong magpasensiya. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako guilty sa pinakakalat nilang maling impormasyon. Di naman nakakatulong sa pag usad nakuha pang manira ng kapwa. Napaka immature ng ibang tao na kung iisipin, anong purpose mo bakit ka nagpakalat ng di mo alam ang dahilan? Kung may galit ka then kausapin mo 'ko ka-trayduran at kaduwagan ang tawag sa mga ganung klaseng tao'
Being strong is not just a physical attribute but is also a mental one. Mental strength is an essential trait that helps individuals to overcome challenges and obstacles that arise in their lives. Life is full of Ups and downs, and being strong helps you to navigate through the tough times and emerge stronger and victorious.
"Siya yun diba? Kapal ng mukha pumasok." Sabi ng Chismosa number 1.
"Oo nga, di na nahiya may mukha pa palang ihaharap." Ika pa ni Chismosa number 2.
"Willing na naman siyang mapahiya sa campus dahil sa issue." Sabat pa ni Chismosa number 3. At di ako nakapagpigil ay lumapit ako sa kanilang tatlo.
"Excuse me, alam kong ako ang pinagbubulungan niyo, di ba kayo nagsasawa? Amoy na amoy mga hininga niyo sa kakabulong." Sabi ko.
"Pakealam mo!" Chismosa number 1.
"Aba! Sumabat pa nga ang bubuyog. Alam niyo, bagay sa inyo yung Master of Arts in relaying information through exaggerated storytelling."
"Bago yun ha, bakit?" Tanong nilang tatlo.
"Kung intindihin niyo yung sinabi ko, in short Marites so kayo yun!"
"Hinayupak na 'to!" Inawat siya ng mga kaibigan niya.
"Wag mo na patulan girl Gaga! baka madamay tayo sa isyu niyan ma-expelled tayo tara na umalis nalang tayo." Aya nila sa isa't-isa ngunit tinawan ko lamang ito.
'We'll Paano ko nasabing marites ang salitang nabanggit ko, aside sa relaying information through exaggerated storytelling ibig sabihin mga mapanirang salita o kwento na kinakalat pero fake news kung tawagin. Master in short 'M' Arts in 'A' relaying in 'R' information in 'I' Through in 'T' exaggerated storytelling in "ES' kung uunawain means MARITES! Oh diba! Sila yun, mabukada ang bibig puro paninira ang lumalabas nakakasira yun ng mood ng tao'
Di ko nalang pinansin yun at dumiretso ako sa comfort room, saktong walang tao kaya masosolo ko ang himasmas ng banyo sa katahimikan. Habang naghuhugas ako ng kamay ay may biglang pumasok na tao ngunit di ko iyong pinansin, tinapik ako ng ubod lakas sa balikat kaya medyo napaliyad ako sa sakit.
"Aray! Ano ba—" Nasapol ng tingin ko ng nasa harapan ko si Stephanie. "A-anong?"
"Gulat ka? Hindi ba sabi ko sayo, di pa tayo tapos? Masaya ka ba sa nangyayari sayo ngayon? We'll dapat lang! Dahil walang sinomang nakakaalam na ako ang nag utos sa EX-Bff mo na ipakalat ang picture sa buong campus." Nanlaki mga mata ko na siya nga may kinalaman.
"Ba-bakit mo ginawa yun? Wala naman akong ginawa sayong masama ha? Di pa ba sapat yung pambu-bully na ginagawa mo sakin sa tuwing magkikita tayo? Ano ka ba naman! Para kang hindi matinong tao sa ginagawa mong yan, marami kang mapapahamak na tao at masisira ang kinabukasan sa kagagawan mo."
"Pakealam ko sa future nila! May future nga ba?" Mapangahas na pananalita niya na wari'y naghahamon at mayabang na pagkakabigkas ng bitawan ang mga salitang yun.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...