CHAPTER 18: ROAD TRIP.

26 2 0
                                    

Kathleen POV'S

Morning.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama saking mukha. Nakalimutan kong isarado ang bintana kagabi. Alas-tres na ako ng madaling araw nakatulog.

Arrrggghhhhh! Badtrip!

Dumiretso na ako ng banyo para magsipilyo at himalos tapos nun ay saka ako bumaba. Gumigewang yung katawan ko sa CR, yung paningin ko parang nagbi-blurd. Daig ko pa adik.

Yeah! Shabu pa more! hahahahahah.

Pagkatapos ko mag CR saka ako bumaba. Nakita kong naghahanda si Mama ng almusal.

"Kumain ka na mahaba pa byahe niyo mamaya." Mama.

"B-Ba't ang aga niyo naman po yata mag luto, Ma? Hindi po ba kayo magtitinda ngayon?" Takang tanong saka humipat ng kaunting kape.

"Di muna ako makakapag tinda ngayon dahil sasamahan ko ang kapatid mo sa school nila. Recognition day. Ate mo naman kailangan niyang bumili ng damit para sa susuotin niya sa Grad pictorial."

Wow! May honor na naman si Bunso. Si ate for sure din.

"Anong oras ka umakyat ng kwarto mo kagabi? Di mo man lang itinaob Itong mga kaldero pati kawali nagkanda hulog."

Nasamid ko sa pag inom ng kape nang maalala ang kanerbyusang sinapit ko kagabi.

Ibig sabihin yung nahulog kagabi sa kusina kundi mga kawali at kaldero?

Bwiset kanino nga palang pusa yung tumalon sa kama ko?

"Mama." Bunso.

"Oh anak ba't ang aga mo yatang nagising, mamaya pa naman punta natin sa school mo?"

"Mama nakita niyo po si Mizzy?"

Wag niyang sabihin si Mizzy Yung, Yung...

"Hay naku tignan mo baka na—"

Lumingon ako sa gawing kaliwa ng may ngumiyaw na pusa.

What the Heck! Is that your cat? Kasalanan ng pusa na yan kung bakit di ako makatulog kagabi.

Para akong lalagnatin.

"Bebe, pusa mo yan?" Tanong ko.

"Opo ate." Sagot niya. Sinenyasan ko siyang lumapit sakin habang hawak niya ang pusa.

"Halika," kinurot ko ang kaniyang pisngi na hindi masyadong masakit. "Uli uli, wag na wag kang magdadala ng pusa dito sa bahay ha!" Inis kong sermon sa kaniya.

"Eh ate, mabait kaya si Mizzy. At saka kalaro ko siya." Pangangatwiran niya.

"Kahit na! Dahil diyan sa pusa mong yan hahatakihin ako sa kaperwisyuhan!"

At kailan pa naging ampunan ng pusa Itong bahay? Kainis!

"Ate wag ka na magalit, sabi nga Diba ang taong laging masungit lalong pumapangit hahahahaha."

"LOKO ka—" tumakbo siya palabas na may nakakainis pang mukha habang tumatawa.

Lokong Bata! Aga aga nambu-bwiset!

"Hayaan mo na Bata eh, happy pill niya ang mag alaga ng pusa. Batang 'to Oo." Mama.

"Ma! Wala naman akong tutol mag alaga siya, Ang sakin lang baka kasi mamaya niyan makalmot ang balat ni bunso. Uso pa naman yung rabies."

"Kaysa ayan ang iniisip mo, unahin mo na yung dapat mong gawin dahil aalis ka na naman mamaya. Kailan ang balik mo?"

"Linggo? Di ko sure. Dipende sa mga Amo ko po."

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon