Ann POV'S
Ang saya, super saya. Para akong nanalo sa lotto ng isang milyong piso jackpot prize.
"Uy para kang bulate diyan na inasinan!" Sabi ni Kathleen.
"Gising ka na pala?." Gulat ko.
"Paano di magigising ang likot likot mo. Dito ka pa man din sa tabi ko para kang kiti-kiti."
"Kanina pa nga siya ganyan eh." Dagdag ni Samuel.
Pigil kilig ako habang tumatalon-talon.
"Bhe kailan?"
"Anong kailan?" Seryosong hitsura ni kath.
"Kailan ka uli magkakasakit para pumunta uli sila HAHAHAHAHAHHAHAHAHA."
Nakanguso nalang si Kathleen saka umirap pero tumatawa.
"Gaga ka! Mas gugustuhin mo pang magkasakit ako para lang makita sila. Ang dami mo namang pwedeng itanong bakit yun pa. Shunga ka talaga!"
"Yan! Ann kasi ba't hindi nalang ikaw magpa Balda HAHAHAHAHA."
"Ah talaga ba? Share mo lang!" Pang aasar ko sabay taas kamay na naka hand sign na SKL.
"Ayos 'to oh President mo 'ko ginaganyan mo na ako HAHAHAHA." Pangiti-ngiting Ika ni Sam na nahihiyang tumingin.
"Sa loob ng school Oo pero ibang usapan pag nasa labas na tayo ng publiko."
"Ann enough!"
"Hays...kailan ko kaya uli sila mame-meet?"
"Gusto mo?" Tanong ni Kath.
"OO!"
"Sumabog mukha mo HAHAHAH."
Napanganga ako na may nakakainis na ekspresyon.
'What kind of stupid—'
"LECHE!"
'Mga baliw Amputa!'
Tawa lang sila ng tawa. Nakatingin lang ako Kay Kathleen samantalang si Samuel ay halos mamatay-matay na sa kakatawa ang lintik.
KNOCK....KNOCK....KNOCK...
"May tao Ann."
"Alam ko!" Sabay irap kay Samuel.
"Sungit."
*Binuksan*
"Hello I'm Doctor Vanessa, where's the patient?" Tanong ng Doctor. Itinuro ko si Kathleen na nakatingin din pala samin.
Pumasok siya kasabay nung nurse na may dala-dalang checking equipment.
Tumapat siya kay Kathleen habang inilipat-lipat niya ang mga papel na nakaipit sa clipboard. Lumingon saglit si Kathleen samin saka bumalik ng tingin sa Doctor.
"You are?"
"Kathleen Dela Rosa po."
"How's your feeling?" Sunod na tanong.
"Not too well. I think there is something with my head. Everytime I walk I feel like black out." Tugon ni Kathleen.
'Putek ako yung kinakabahan'
"Eh ngayon may nararamdaman ka pa bang kakaiba?"
"Kanina po meron pero nung nakapagpahinga't nakatulog saglit medyo bumuti po ang katawan ko."
"Let me check your pulse."
Isinuksok ng Doctor sa tenga niya ang Stethoscope. Inilista ng nurse ang naging result ng BPM.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...