Ken POV'S
*Tulala*
"Ken." Gulat ako ng tinapik ako bigla ni Pablo.
"Huh?" Usal ko.
"Tara na aalis na tayo." Sabi niya.
"Sge sge."
"Ingat kayo mga pre, sayang wala si Josh umuwi kasi eh walang kasama daw si Manang Olga." Usal ni Justin.
"Babawi yun Next life." Si Stell.
Binitbit ko na ang gamit ko at nakisabay sa kanilang paglalakad palabas.
"Ingat kayo sa byahe." Sabi ng parents ni Justin.
"Chat niyo 'ko dre kung nakauwi na kayo ha."
Tapos nun ay sumakay na kami sa Van at nagpaalam na sa kanila.
.......
"Sarap matulog Kila Justin. Ang lamig." Sabi ni Stell. "Pero sayang wala si Josh."
"Speaking Josh, wala ba kayong napapansin? Ikaw Ken?" Tanong ni Pablo.
"Anong napapansin?" Tanong ko.
"Woyy Pau! Wag kang malisya! Mamaya nagkakamali ka ng iniisip Kila Josh mayayari pa tayo niyan." Ika ni Stell.
"Hindi eh, Sana Mali ako pero, di ba kayo nakakahalata?"
"Na alin? Na magkasama silang dalawa?" Si Stell.
"Ganun na nga, you got my point." Si Pablo.
'Nakakahalata na yata sila'
"Ikaw Ken anong masasabi mo, Madalas mo bang mapansin na magkasama sila?"
"Hindi eh." Sabi ko nalang sa kaniya.
"Natatandaan mo ba yung Nag Mall tayo tapos bumili tayo ng items pero si Josh may biniling teddy bear? Then tinanong ko siya kung para kanino pero hindi ako sinagot. Basta may napapansin akong kakaiba."
'Nagsisimula na silang maghinala'
"Wag muna tayo magsasalita hangga't wala pa tayong nakikitang pruheba. Mahirap na basta-basta tayong naghihinala pero hindi pala totoo. Hayaan muna nating obserbahan." Sabi ni Pablo.
'Akala ko ako lang nakakapansin pati din pala sila. Nakokonsensiya ako dahil may alam din si Justin sa kaganapang tinatago. Oo, narinig ko, May Gusto si Kathleen Kay Josh kaya lakas loob ko ding tapatin si Josh na kaya kong aminin kay kath ang nararamdaman ko. Ang kinakatakot ko lang, baka pati sina Stell at Pablo ay pag isipan ako ng ganito. Ngayon pa nga lang kay Josh nagkakaroon na ng diskusyon paano pa kaya pag naisama pa ako sa isyu. Instead na tahimik lang sa isang tabi pati pangalan ko madadawit. Ako man ang tatanungin gusto ko din si Kath, madaling umamin ng nararamdaman pero ako naman yung taong nag iisip muna ng hindi padalos-dalos'
"Huwag na nga natin pagusapan yan samahan niyo muna ako sa Department Store may bibilhin lang ako para kay Kuro."
"Pet shop? Sge sge. Ikaw Ken baka may gusto kang libutin sa Mall."
"Comic Alley." Sagot ko.
MALL.
"Saan tayo?" Tanong ni Stell.
"Pet shop sa 2nd floor ba yun?" Si Pablo.
"Wait tanong natin kay Lady guard. Excuse me Ms saan dito yung pet shop?" Tanong ni Stell.
"Diretso po kayo tabi ng hardware." Sabi ng Guard.
'Hay Buti di kami namukhaan'
"Thank you. Let's go."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
Fiksi PenggemarOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...