Ken POV'S
Wala akong kibo habang kasama si Stell, pero pumapasok padin sa isip ko ang mga nabanggit kanina ni Josh.
"Kumbinsihin natin si Pablo." Sabi ni Stell.
"Ikaw na kumausap." Sabi ko.
"Bakit ako lang, dalawa tayo."
"Di naman ako kasama sa conflict ninyong apat."
'Damay na naman ako'
"Parang others ka naman Ken, tulungan mo na ako."
"Ano ba kasi pinag awayan?"
"Lutang ka talaga HAHAHAHA. Kita mo nga kanina diba di ka siguro nakikinig. Nabadtrip si Pablo kasi nga dahil dun sa nalaman niya."
"Na may gusto si Josh kay—"
"Oops...Oops....Oops! Wag mo na ituloy, Oo dahil dun." Sabi niya. Napayuko ako bahagya. "May problema ba?"
"Wala wala." Mahinahon kong sagot.
"Bakit parang nalumbay ka, para kang nalugi?"
"Nakikinig ako."
"Ganto, approach mo si Josh then ako na bahala dun kay Justin pati Pablo."
"Bakit ako?"
"Dami mong angal Jusme!"
'Di nga kami masyadong malapit ni Josh ako pa talagang napili mong ipakausap dun. Di sa ayaw kong makipag usap sa kaniya, argument nila yan pero wala akong magagawa kung yun ang way para maging ok sila Pablo, Josh pati Justin'
"Revelation is already done. At ngayong alam na natin na may gusto nga si Josh kay Kath hindi tayo nagkamali."
'Isa na ako dun'
"I'm sure naman na maiintindihan ka ni Pablo, di naman mabigat yung nagawa ni Josh para di
sila magkaayos. Dati kapag may misunderstanding pinagtutulungan nating ayusin how much more pa kaya ngayon na simpleng love feelings hindi pa ba kayang magbaba ng pride?"
"May point ka, immature magiging labas nun kapag isa sa kanila hindi nagpaubaya. Hindi sa tino-tolerate. Bahala ka na, diskarte mo na yung moves kung paano mo makakausap si Josh. Much better nga kung pati yung P.A makausap natin na maging aware sa pag date date nila ni Josh. Baka yun pa ang makasira sa career pag nalaman ng mga A'tin."
"Paano ka nakaka-sure na nagde-date sila?"
"Malalaman din natin yan."
"Paano ba—sge sge basta yung dalawa, si Pablo pati Justin."
"No worries, huli ko na yang kiliti ni Pablo, susuyuin ko lang yan tanggal na tampo nun. Una na ako sa loob ha." Umalis sa harapan ko si Stell at muling bumalik sa Studio ngunit naiwan ako dito sa labas para makapag pahangin.
'What if puntahan ko nalang siya sa kanila? Kinakabahan ako kung anong mukhang ihaharap ko kay kath pag nalamang dumalaw ako dun para sa kaniya. Pero wala naman sigurong masama kung mangangamusta o di kaya'y makabisita kahit konting oras. Pero, Miss ko na siya ilang araw na siyang di pumapasok sa trabaho, sobrang busy na yata siya sa pag aaral kaya hindi na siya nakakapunta. Tama! Puntahan ko nalang'
Kinagabihan ng makaalpas sa oras ay bumisita ako sa bahay nila. Tahimik yung lugar at wala masyadong taong palakad-lakad, siguro dahil Curfew lalo na sa kababaihan. Sa bakuran ng kanilang bahay ay nadatnan kong nakaupo sa kahoy na bangko si Kath at naglalaro sa kakaunting buhangin gamit ang paa. Malungkot ito na di mabanaag ang tuwa sa kaniyang mukha.
"Kath.." kalmadong tawag ko sa kaniya at lumingon ito sa akin. Gulat na gulat siyang napatayo at luminga-linga ito ng tingin sa paligid. Papalapit siyang tumakbo papunta saking kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...