Ann POV'S
Hindi ko sinasagot si Kath mula kagabi. Nagpapasama siyang bumili ng libro samantalang si Sam hindi niya pa nagagawang tuparin pangako niya.
"Papasok ka na?" Tanong ni Mommy habang umiinom ng kape.
"Yes kailangan ko pong maaga pumasok dahil may dual presentation po kami ngayon." Sagot ko.
"Kamusta si Kathleen? Hindi na nagpupunta dito yung batang yun? Magkaklase kayo di 'ba?" Tanong ni Daddy.
"Opo actually busy siya kaya hindi siya madami na po kasi siyang ginagawa kaya don't have time to visit."
"Sipag ng batang yun, pakisabihan mo naman anak minsan dalaw siya dito para naman maisama natin sa dinner at makakwentuhan." Si Mommy.
"Yes Mommy noted."
"Ang tuition fee mo kailan ang due date?"
'Wait oo nga noh! Hindi ako makakapasok sa list of official enrolled kapag hindi complete payment'
"Wala pa po bang pinapadala si Tita?"
"Wala pa kaming natatanggap kung meron man edi sana na-claim na yun sa online. Kailan ba kasi?"
"Sa makalawa po."
"Nakuha mo ba yung registration form?"
"Naka reflect po yun sa portal."
"Eh si Kathleen magkano binabayaran?" Si Daddy habang inilipat-lipat niya ang dyaryo sabay tumingin sakin.
"She's a scholar kaya wala siyang binabayarang malaki."
Humanga sila nang malamang isang scholar student si Kathleen.
"Mabuti pa kaibigan mo pasok sa scholarship. Ikaw, mataas naman grades mo?" Tanong ni Daddy.
"O-opo."
"Kung ganon bakit hindi ka mag apply? Try to inform your school na gusto mo mag join. Bawas din yun sa gastusin."
"As of now po is wala pang ino-open ang school ng scholarship, maybe sa second semester."
"Dapat inaagapan mo sayang yung binababang opportunity. Tulad niyan may ganyang klaseng sistema ng skwelahan niyo dapat naisip mo man lang na makakatulong yun sa pantustos ng pag aaral mo." Hindi ako makasagot. "Mabuti pa yung kaibigan mo dapat tumulad ka sa kaniya." Sabi pa ni Daddy. Yumuko nalang ako at nanatiling walang imik.
"Pasok na po ako."
"Sge Anak ingat ka." Sabi ni Mommy.
Bago ako makarating sa sakayan papuntang school, sa daan palang lumilipad na isip ko sa sinabi ng magulang ko kanina. To be honest nasaktan ako dahil sa hindi inaasahang sasabihin nila although kasi syempre may time na ginagawa ko naman yung best ko para maipakitang kaya ko pero bakit ganon, hindi pa ba enough? Aminin man o hindi, may part talaga sa buhay na kahit mismong sariling kadugo ang magda-down sayo.
School.
Ang ingay ng tunog ng Bell pero hindi ko yun pinansin.
"Uy Ann tapos niyo na yung PowerPoint?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Yes nung nakaraan pa, naipasa na namin yun ni Rocco kay Ms Melendez." Sagot ko.
"Pang Ilan kayo sa magpe-present?"
"Nagbigay ba?"
"Oo teh! Si Rocco partner mo di 'ba? Parang nakita ko siya dun banda kasama ni Sam. Puntahan mo na tapos ask mo kung pang Ilan kayo. Ay pakiabot nga pala ito kay Sam pakisabi ayos na ang files ipapa-print nalang." Binigay niya sakin ang short folder.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...