Kathleen POV'S
Lutang sa umaga, sabog sa tanghali, Badtrip sa hapon, overthink sa gabi. Di na ako pwedeng umabsent nasisita na ako ni Mama sa bahay, dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school. Kaya kahit nayayamot napilitan akong pumasok. Same situation, Kada dumadaan ako ay di maiiwasana ang bubuyog na nagbubulungan sa hallway pag nakikita ako. Hindi ko nalang pinapansin bagkus diretso lang akong naglalakad patungo sa classroom. Nang mapadaan ako sa guidance office ay bigla akong tinawag ng isang Professor.
"Ms Dela Rosa," Paglingon ko ay si Ms Melendez pala.
"Yes ma'am?" Tanong ko.
"Come to my office."
'Umaakyat muli ang nerbyus ko hanggang bumbunan, pero hindi bakit ako kakabahan kung wala akong kasalanan. Tsk! Ang kinakabahan lang yung may ginawang kasalanan'
Pinatuloy ako sa office at humalimuyak ang amoy ng air freshener.
"Please sit down." Seryosong usal ni Ms Melendez. "May klase ka ba ngayon?"
"Meron po, kayo po."
"Sge....may importante tayong pag uusapan. Tungkol ito sa natanggap ko last time. Ano itong kumalat na isyu sa klase? Kayo ba ng class president niyo?" Tanong niya.
"M-ma'am, hindi po. Wala po kaming relasyon ni Samuel."
"May natanggap kasi akong isyu na kayo daw ni President Samuel, Ang usap-usapan may girlfriend daw Itong si Samuel pero inagaw mo daw totoo ba yun?"
'What! No boyfriend since birth nga ako tapos Jowa ko si Sam? Talaga ba! Sge kwento niyo yan eh malamang may boyfriend ako diyan. Kati naman ng dila ng dumaldal na may Jowa ako tapos inagaw ko pa...Aba! Ganda ko naman pala para Mang agaw. Like I said, kwento nila yan syempre may Boyfriend ako diyan pero walang sapat na evidence para paratangan na nang agaw ako. At teka, wala namang binanggit si Sam na may girlfriend siya. Kataka-taka'
"Ma'am let me know kung may proof po ba kayong hawak para ipakita sakin na Jowa ko po talaga si Sam? Kasi kung wala, wala na din po tayong dapat pag usapan." At pinakita nga yung picture ng nakayakap sakin si Sam.
"This. Then explain yourself."
"Ma'am I can't, bakit niyong po pipilitin ang Isang taong wala naman talagang kasalanan. Dedepensa ako kasi ako yung iniipit sa maling isyu, magpapaliwanag ako dahil nasa tama yung katwiran ko. Then how can I explain by my own self kung hindi din naman ninyo paniniwalaan."
"Ms Dela Rosa, honor student ka pero bakit mo sinisira ang magandang record mo dito sa eskwelahan? Don't you assess yourself?"
"Ma'am did you know what's the meaning of assess? I apologize pero mukhang mas naniniwala pa po kayo sa maling kumakalat kaysa sa taong ginigiit ng kapwa studyante."
'Bakit ba pinipilit nila akong umamin, anong aaminin ko? Napaka nonsense ng usapan para talakayin yung ganitong sitwasyon. Sapat naba yang ebidensiya para maniwala sa maling akala? Kung sa abogado pa yan hindi papasa sa husgado ang litrato na Yan'
"I repeat Ms Dela Rosa, may relasyon ba kayo ni President Samuel?" Huling tanong niya.
"Wala po." Ikling sagot ko.
"We'll let see. You may go now." Walang imik akong tumayo at lumabas ng office.
'Gulo ng mundo'
"Kath." Salubong sakin ni Rocco na may hawak na isang maliit na libro.
"Oh Rocco, bakit nandito ka pa?"
"May meeting kami mamayang mga officers sa conference room. Pwede ka bang makausap sandali?"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...