Kathleen POV'S
"Este es nuestro tema de hoy. Por favor, asegúrese de revisarlo."
Spanish Subject. Hays! Sa lahat ng di ko maintindihang lecture bakit kasama ito sa major na aming tine-take as educator?
Tsk! Sakit ng ulo ko. Anong oras na kasi natapos ang concert kagabi, tapos bumyahe pa ako pauwi. Hirap pa makahanap ng masasakyan. Tapos gumising pa ako ng alas-otso. Nag pa quiz ang Proffesor namin sa Foundation of Social Studies (FSS) kaya maging sa byahe tumutuka-tuka ako habang hawak ang reviewer.
Lumingon ako kay Ann na tahimik na nakikinig. Hindi siya tumabi sakin dahil alam kong nagtatampo ito. Sinitsitan ko siya pero hindi ito nalingon.
"Psst! Uy Ann." Hindi padin namamansin.
"Señorita Kathleen, Tiene usted un problema?" Sitang tanong sakin ng professor ko na may hawak pang libro at whiteboard marker.
"Nothing ma'am." At muling bumaling sa kaniyang sinusulat.
Ann sorry na...alam ko namang may kasalanan ako pero wag naman aabot sa ganitong walang pansinan. Di ako mapalagay sa aking kinauupuan. Pumilas pa ako ng papel na may nakasulat na, Sorry Ann bati na tayo. Kaso ang snobbers kaya wala akong choice kundi sumandal at ngatngatin ang takip ng ballpen.
~Unknown Number~
Nag ring ang cellphone ko na naging dahilan para ma distract sa pagsusulat ang Ilan sa mga kaklase ko.
SHUTAKA! Akala ko naka silent..putek nag vibrate at dinig sa buong klase ang ringtone.
"Señorita Kathleen, Eres ruidoso. Kanina ka pa. First warning." Pagsusungit ni Prof.
Pinatay ko ang tawag pero naulit uli kaya sa pangalawang pagkakataon ay hindi na nakapag timpi si Prof na sitahin ako't pinalabas sa loob ng klase.
~Unknown Number~
"Señorita Kathleen, Kung hindi mo kayang i-silent mode ang cellphone mo, get out of my class."
"Lo siento por favor." Hingi ko ng paumahin saka lumabas sa klase. Tawanan ang Ilan sa kanila pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Sino bang Pokemon ang tumawag?
"Hello."
"Oh hi Ms Kath, this is Justin. Gusto lang namin itanong nila Josh kung kailan ka available? We know kasi na may klase ka weekdays so baka pwede kaming makasingit sa schedule mo somehow."
I was shock na tumawag si Justin. Paano niya nalaman number ko? Wala naman akong binigay sa kanila.
"Sir Jah! Wha— So far Sir Justin until 1 o'clock po ang tapos ng class ko po. Then by tomorrow wala kaming pasok until sunday. Bali 5 days academic break."
"That's great! Yayain ka sana namin....mag road trip vacation. Pwede ka?"
"Not sure, but try ko po muna magpaalam kay mama kasi baka hindi po ako payagan."
"Update us nalang kung payag. Diretso ka na dito sa Zone para makasabay ka sa Van. Maybe 12nn. Paalam kana sa mama mo, sa papa mo, sa Kuya mo, sa ate mo, sa Lolo mo, sa Lola mo kung sino pa sa family tree."
Awittt ka sir Justin hahahah lakas tama.
"See you tomorrow Ms Kath, kitakits!" Sigaw ng apat niyang kasama na makukulit. Hahaha.
Discuss...
Discuss...
Break....
"Ann, uy Ann pansinin mo naman ako. Uy sorry na." Pangungulit ko.
Mabilis siyang maglakad kaya binilisan ko din ang paglakad. Hinawakan ko siya sa braso kaya saglit siyang nahinto.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...