CHAPTER 44: REST DAY.

22 2 0
                                    

Josh POV'S

"Ok ka lang?" Pagaalalang tanong ko.

"Ayos lang. Medyo naaasiwa ako sa behavior niyang pinakita lalo na kay Manang Olga."

"Pasensiya ka na sa ugali ni Yvette."

"It's ok. Tara na baka naghihintay na sila dun."

Nang tuluyang makaalis ang aming sasakyan ay hindi na kumibo pa si Kathleen.

"Salamat." Pagbabasag ko sa sandaling katahimikan.

"Salamat saan?" Si Kath.

"Dahil sa ginawa mo kanina."

"Yun ba? Kahit naman sino mapipilitang sumagot kapag tinatapakan na yung pagkatao."

"Ano bang nangyari, bakit biglang uminit ang ulo sayo ni Yvette?"

"Namemersonal eh ayun sinagot ko ng balagbag. Magiging ok sana ang lahat kanina kung maayos siyang nakitungo. Magalang ko siyang binati pero sumusubra eh, Pasensiya na din sa asal ko. k-kung, kung meron man akong nagawang hindi sang-ayon sa kalooban mo ako na nagpapaunang humingi ng despensa. Sadyang hindi ko lang talaga nagustuhan ang istilo niya kaya napasagot pero Wala akong intensyong manakit. Ayoko lang ng ginaganun ako at si Manang Olga."

"Ok lang yun. Tama lang ginagawa mo at least nakahanap siya ng katapat niya. Kahit nga ako nagulat sayo kanina, kasi ang kilala kong Kathleen ay mahinhin at mahinahon. Siguro dala ng bugso ng damdamin kaya nagawa mo yun. Pero alam ko namang pare-pareho lang natin hindi ginusto yun. Kung naging maayos lang sana si Yvette hindi sana mangyayari yun. Pero alam mo, bilib ako sayo. Kasi nagawa mong sagut-sagutin siya ng ganun. Yung ibang staff sa trabaho hindi nila kayang tapatan si Yvette, tumitiklop lahat. Makita lang siyang naglalakad tumatabi sa gilid yung iba. Pero Ikaw, kakaiba ka. You are such a freak."

'Makababag-damdamin ang namuo pero hindi naging dahilan yun para tuluyang masira ang magandang komunikasayon naming dalawa ni Kathleen. Knows naman na walang kasalanan si Kathleen at alam na alam ko na agad kung sino ang nagpasimula ng eksena'

"May tanong ako sayo?" Sabi ni Kathleen.

"Hmm?"

"Huwag mo sana mamasamain, sino yung babaeng binanggit mo kay Ms Yvette?"

Hindi ko siya pinansin.

"Pero kung ayaw mo sabihin ok lang."

"Paano ka nga pala nakilala ni Yvette?"

"Sa concert ninyo before dun sa Araneta. Inutusan kasi ako that time ng isang staff. Eh sa di sinasadya nabangga ko siya. Naalala ko nalang yun kanina lang din kasi parang familiar sakin yung mukha niya. Tapos binaggit niya ba yung about sa Concert kaya ayun naalala ko. Siya yung nambulyaw sakin muntik pa akong mawalan ng trabaho."

"Hmmm. May nasabi sakin si Yvette na may nakaaway siyang babae at inisip ko nung una Ikaw kasi baguhan. Oh I see."

"Kaya nga eh, pero awa ng Dios hanggang ngayon nananatili pa din ako ninyong taga silbi."

"Ilang buwan ka na nagta-trabaho sa Zone?"

"2 Months na din. Pumasok ako kalagitnaan na ng aming school year."

"Nice! Very Nice!" Tuwa kong sabi.

'Bilis ng panahon 2 months na pala siya bilang personal assistant'

"Anong balak mo sa pasko?"

"Huh? Malayo pa naman ha?"

"Mabilis nalang yan, konting araw nalang papasok na ang desperas ng kapaskuhan. Invite ko kayo ok lang? Sa araw ng pasko wag kayong mawawala nila Nanay Olive. Gusto ko kayong ipakilala Kay Mama pati kay Ate Yuna."

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon