CHAPTER 27: IT WILL BE ALRIGHT.

23 2 0
                                    

Pablo POV'S

Apologize. Napagtaasan ko ng boses si ken. Hindi ko naman sadyang gawin yun pero kasi hindi ko maintindihan yung ugali niya. Nadala din ako ng bugso ng damdamin.

Tsk!

"Sejun!" Lumingon ako ng tinawag ako ni Stell. "Anong yari sayo, para kang iritang-irita?"

"Nabu-bwiset lang ako. Pinipilit ko lang kumalma." Tugon ko.

"Hayaan nalang muna natin si ken."

"Ewan ko ba kung bakit nagawa ko yun. Di na kasi ako makapagtimpi sa pagsagot-sagot niya, yung presyon ko parang sasabog."

"Palipasin mo na. It's not a big deal sadyang nagkaroon lang kayo ng hindi pagkakaunawaan. Pahupain mo na ang galit puso mo nagkapatawaran naman na tapos na yun. A true friend is willing to accept someone's bad side. Lahat tayo nagkakamali, sumasablay. Pero kahit ganon pa man ang ipinakikitang pag uugali ni Ken wag padin sana magbago yung trato mo sa kaniya bilang matalik na kaibigan." Si Stell.

'indeed'

"Salamat Stell sa advice."

"Maliit na bagay. I guess you should forget it."

Saglit na natahimik.

"Anong oras tayo pupunta kila Josh?"

"Mga tanghali. Bukas pa naman yun, ang nandun lang ngayon si Kathleen."

"Uuwi din daw ba siya kaagad?"

"I don't know. Pero sa palagay ko uuwi yun kasi may klase yata siya bukas."

Napaisip ako sandali saka muling nagsalita.

"Sipag nun ano! Buti nakakayanan niyang pagsabayin ang dalawang obligasyon."

"Ganon talaga pag nagsisikap. Ika nga di'ba pag may tyaga may nilaga. Parang tayo, ginugol natin ang panahon sa pagsasayaw. Sa nakikita ko Kay Kathleen....I have a good vision about her, malayo ang kaniyang mararating."

'Oo nga'

"If I'm not mistaken she is a writer?"

"Yes she is. Josh and me ask her about that, but she said na wala pa muna sa kondisyon magsulat."

'Magkakasundo kaming dalawa. Malamang nito matutulungan niya akong mag isip ng lyrics HEHEHE'

"Why?"

"Family and studies priority. Malamang nahihirapan siya mag balance."

'I see. Mahirap talaga pag studyante'

"Alam mo Stell naniniwala ka ba sa kasabihan, A dreamer dreams a bigger?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Halimbawa tayo, sa umpisa walang naniwala, walang nagtiwala. Yung mga panahong walang makakapitan pero yung presensiya ng bawat isa satin kahit mahirap nangarap padin na darating ang araw mas mas malaking blessings ang bubugso. That time masasabi natin na WE DESERVED."

Di man kumikibo si Stell pero ramdam kong gusto niya na umiyak.

"Papunta palang tayo sa exciting part." Si Stell.

Inakbayan ako ng Stell at pareho kaming nagtawanan. Maya maya ay sumingit si Justin.

"Mga 'pre bukas kung pupunta tayo kila Josh bilhan natin siya ng prutas."

"Tanghali tayo lalarga. Kasi pag hapon tayo aalis sobra ng trapik." Usal ni Stell.

"Sge sge. Ano pang ginagawa niyo diyan pasok na tayo." Si Justin.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon