CHAPTER 19: DO NOT DISTURB.

27 2 0
                                    

Kathleen POV'S

Ano ba yan si Josh lakas bumanat. Kinilig tuloy baga ko Este puso pala hahahaha. Actually kanina ko pa pinipigilang tumawa dahil sa mga jokes ni Justin. Alam mo yun, yung nagmo-moment ka tapos biglang bumanat yung crazy mong kaibigan.

Hahahaha sorry Jah Alab-yoooooowww.

Sa kalayuan ng byahe di ko namalayang nakatulog pala ako. Nakaramdam kasi ako ng pagkahilo. Di ako sanay sa malayuang byahe at madali akong masuka. I have motion sickness. Natumalan ako ng gisingin ako ni Justin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

"Ms Kath nandito na tayo." Justin.

"Are you ok, Ms Kath?" Tanong ni Stell.

"A little." Sagot ko na mahinang boses.

Bigat na bigat yung katawan ko uminat. Pati mga binti ko namimitid.

I'm not in a good condition.

Bumaba na silang lahat ako nalang naiwan. Parang ayaw ko ng lumabas ng Van, gusto ko nalang manatili dito. Nakakahiya naman pag nalaman pa nilang may sakit ako baka sabihin sumama-sama pa ako sa vacation tapos ganito ang aking kalagayan. Binangga pa ako ni Ken.

You don't even know how to make excuse.

"You're not feeling well." Salubong ni Josh na bakas sa kaniyang mukha ang pag aalala. "Let me help you." Dagdag pa niya.

"N-no it's ok, kaya ko naman po." Hiya ko pang sambit.

"Tsk! Lalo kang hindi magiging ok kung yung mabigat mong bitbit hindi mo pa ibigay. Akin na." Nakalahad ang kaniyang kamay.

Shiiiishhh! He's so Gentle.

Binigay ko sa kaniya ang bag ko at sabay na kaming naglakad papuntang resort. Sa entrance na aming madadaanan ay may mga nakaabang na mag a-assist samin.

Hay salamat! Buti nalang may tutulong.

"Hello Sir Josh." Bati ng isang magandang babae na nakangiti. Ngumiti din ako sa kaniya. Tinignan niya ako na parang curious sa hitsura ko.

Why? Mukha ba akong dugyot?

"Is she your girlfriend, Sir Josh?" Takang tanong.

What? Girlfriend? Uy teh wag kang ganyan baka di ako makapagtimpi pakasalan ko si Josh hahahahah. Charrr alam ko namang di ako papasa.

"Ah no. She's our Personal Assistant." Tugon nito sa kaniya pero tinitignan niya padin ako na parang takang-taka na di ko malaman.

Madungis ba ako, bakit kung makatitig siya parang may ginawa akong kasalanan?

"Josh! Tara nandito na silang lahat!" Si Justin.

"Nandiyan na..." Josh.

Tumalikod na kami pero di padin naiwas ng tingin yung babae. Bumulong siya sa isa niyang kasama.

Hala sge...pagbutihin niyo pagbubulungan. Make sure na di niyo ikasisira.

Di ko nalang pinansin bagkus ay nakasunod lang ako kay Josh.

"Jah, saan ba kwarto natin?" Si Josh.

"Dun sa 3rd floor. Iisang kwarto lang naman tayo. Si Ms Kath dun sa room 304."

Oo nga pala nakalimutan kong iba ang kwarto nila sa kwarto ng mga girls. Putek! Wala pa naman akong kakilala kung sino ang makakasama ko sa kwarto na yun.

"Hatid muna natin siya sa kwarto niya. She's not ok. Masama pakiramdam niya kanina pa." Josh.

"Hala! Sge sge. Ba't di mo sinabi agad Ms Kath?" Justin.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon