CHAPTER 35: IT'S YOU AGAIN.

23 2 0
                                    

Josh POV'S

KINABUKASAN.

"Good morning Manang Olga!" Masaya akong bumati kay Manang with smile.

"Mukhang masarap yata ang iyong tulog, kain na nagluto ako ng paborito mong almusal."

"Opo Manang sobra."

"Halata nga...kasi yung ngiti mo umaabot hanggang tenga." Natawa ako ng konti.

"May lakad ka ba ngayon?"

"Babalik akong Zone may rehearsal po kami ng mga kaibigan ko."

"Kung ganon kumain ka ng kumain at magpalakas, oh he'to yogurt. Sandali lang may kukunin lang ako sa kusina."

Bumalik si Manang dun habang ako naman ay abalang kumakain. Pakiramdaman ko ngayon ay magaan yung tipong pagod ka kahapon tapos paggising mo para kang nahimasmasan? Hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Yung inorder mo galing Lazada dumating na tignan mo nalang mamaya dun sa sofa." Biglang sabat ni Manang. "Ano bang laman nun?"

"Para po sa Computer. Papalitan ko na po yung keyboard pati ibang tools."

"Kaya pala mabigat."

"Opo hehehehe." Nag alarm yung phone ko ng 8:30am. Naalala ko bigla binigay pala ni Justin yung number ni kath.

'Awittt torpe!'

"Bakit hindi mo pa inuubos ang pagkain mo? Hindi ba't may lakad ka pa?"

"Mamaya pa naman po yun ako nalang bahala magligpit pagkatapos."

"Sge maiwan muna kita dito at ako'y may aayusin lang sa sampayan." Lumabas na si Manang.

Inopen ko ang cellphone ko at tulad kagabi hindi ko na naman alam kung ano ang gusto kong sabihin. Wala akong mabanggit.

"Damn this is so Crazy shit." Napamura ako ng mahina. 5 minutes ay nag decide na akong mag message, Wala ng pero pero basta bahala na.

"Let me think..." Usal ko sabay subo ng cereal.

'Hi...take care yourself' *sent* sabay lapag ng phone.

"Wait, yun lang? Ang ikli." Kinuha ko uli ang phone ko saka nag isip uli ng pwedeng isend. "Hmmm...."

Bumuntong hininga ako at pilit kong pinakalma ang sarili ko sa sobrang katorpehan. Hindi din ako ako makapag-isip ng maayos. Naghintay ako ng 5 minutes uli bago magtext.

"Ano pa kaya?"

.....typing...... 'Have a great day...God bless!'

"OA ba o kulang?" Di pa ako kuntento kaya sinagad ko na ang pag text. Ok lang kahit di siya mag reply basta natanggap niya message ko. Pero.......

"Barss! I'm speechless." Sabi ko sa aking sarili.

'Hope you doing well Goodluck' huling message ko tapos nun ay tinuloy ko na ang pagkain. Pangit-pangiti pa akong sumusubo at nag iimagine kung ano ano.

'Did I forget something?'

"Holy sh— nakalimutan ko magpakilala." Akamang dinampot ko ang cellphone nang biglang pumasok si Manang kaya natigilan ako.

"Oh! Pambihira ka nakalabas na ako lahat lahat nakabalik hindi mo pa din nauubos yang pagkain mo?"

"M-Manang—"

KNOCK....KNOCK....KNOCK...

"Sino yun?" Tatayo na ako pero si Manang nalang ang pumunta.

"Ako na, ubusin mo na yan." si Manang. Umayos ako ng upo nang biglang bumungad si....

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon