Kathleen POV'S
"Class, make sure tomorrow your output is done. Before final grading we will finalized your task. Make sure na wala kayong kulang pag nag compute kami ng grades para wala tayong problema sa magiging results ng grade niyo sa portal, do you understand?" Sabi ni Ms Melendez.
"Yes Ma'am." Sagot ng lahat.
"Mahigpit ako sa deadline. Kaya ngayon palang ayusin niyo na mga problema niyong subject....Class Dismissed."
Niligpit ko ang gamit ko tapos ay saka ako lumabas. Pagkatingin ko sa phone ay wala man lang ni isang message si Josh kaya bigla akong nahimlay.
'No response....'
"Kath...bukas ha may groupings tayo sa Philippine History." Sabi ni Beki na kaklase ko.
"Sge sge pakisend nalang sakin yung gagawin thru chat." Bilin ko saka na sila umalis.
"Uuwi ka na?" Harang sakin nila Sam at Rocco habang naglalakad.
"Oo, why?"
"Hatid na kita." Sabi ni Sam.
"Nga naman kath kahit ngayon lang pagbigyan mo na ang paunlak ni President. At saka safe ka naman niyang ihahatid."
'Magkakutchaba ang dalawa'
"What?" Usal ko bigla.
"Sge na kath kahit ngayon lang daw." Pakiusap ni Rocco na pilit akong nagdadalawang-isip kung papayag ako o hindi.
"Sge..." Pagpayag ko.
"Yaaaannnn! O tol ikaw na bahala kay kath ha may gagawin pa ako sa faculty."
"Woy! Ayusin niyo yung bulletin board pagagalitan tayo ng head. Pakisabihan na din sila na by Thursday may meeting tayo sa conference for next month event."
"Taena lagi nalng tayo may event ha HAHAHAHA."
"Edi ikaw mag president para malaman mo kung anong ginagawa. Utos ng principal yun na kada holidays may event ang school. Paki follow up na din yung graphic organizer bukas ko yung ichecheck." Pagpapaalala ni Sam.
"Yes Boss! Ingat kayo...." Then naghiwalay n kami ng way.
Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad at hindi kumikibo. Walang ibang salita na nais lumabas saking bibig samantalang siya parang ang chill chill.
"Kamusta?" Tanong niya.
"Ok lang." Ikling sagot ko, nahihiya akong tumingin.
"Finally pumayag kang ihatid ka."
"Small things. Dati mo naman 'tong ginawa kaya di ako tatanggi."
"What a coincidence! Dati marami kang dahilan, kesyo busy ka, may trabaho ka, may pupuntahan ka, lahat nalang siguro ng araw pinagkakaabalahan mong punan para di ako mapagbigyan."
"Uy hindi naman. Sadyang busy lang talaga ako. Alam niyo naman diba?"
"Yes. And di na bago samin yun."
'Ano bang ibig niyang sabihin, na sa lahat ba ng oras laging sa kanila ako nakatuon? Psh! Kung ganito lang naman din ang pag uusapan dapat hindi nalang niya ako ihatid'
"Nagugutom ka ba?" Tanong niya.
"H-hindi," kumalam bigla ang tyan ko.
"I think kailangan mo ng lagyan yan ng laman. Halika kain tayo...treat ko."
"Saan?"
"Streetfoods."
"Wala akong badget."
"Di mo kailangan gumastos, Ang dapat mo lang gawin magkwento kalang ng gusto mong Ikwento, sapat na sakin yun."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...