CHAPTER 26: CARE WITH LOVE.

22 2 0
                                    

Justin POV'S

Zone.

"Ano sabi?" Tanong ni Pablo.

"He said, His body was heavy and could not get up." Sagot ko.

"Did he take medicine?" Duktong ni Stell.

"Mamaya daw after kumain. Sinabihan ko na si P.A. siya ng bahala pupunta sa bahay nila Josh para mag asikaso pansamantala. No isyu pero, alang-alang sa kaibigan natin kailangan niya ng makakatulong. Mataas lagnat niya for sure hindi niya kakayanin."

"Binilinan mo bang wag niyang ipagsasabi yung—" si Pablo.

"Yes I already said. Josh needs to rest."

Maligalig eh, tuloy nilagnat.

"How can you say the P.A is trustworthy?"

Tumingin kaming tatlo kay ken.

"Say it again?" Ika ni Stell.

"Aren't you worried that you sent a woman to Josh's house? What if someone sees her, What if have an issue? Ano nalang sasabihin ng Media?" Si ken na naka kunot-noong pinagsasabihan si Stell.

"Ken, Ken! Relax! Masyado mo kasing pinoproblema yung mga bagay na impossible mangyari, masyado kang advance." Sagot ni Stell. Tahimik lang kami ni Sejun sa gilid at nakikinig.

"Kahit na, nagsasabi lang ako ng totoo. Paano nga kung ganon nga ang mangyari, masasabi niyo bang ok lang kung yung isyu patuloy na lumalaki? Akala ko ba iniingatan natin ang career ni Josh, ba't nilalagay niyo sa pahamak yung tao?"

"Hindi naman sa nilalagay si Josh sa kapahamakan, kaya lang inisip din namin yung makakabuti para sa kaibigan natin. Una walang magulang mag aasikaso sa kaniya, pangalawa yung nag iisang matandang katulong lang ang naiiwan dun, So Paano siya ngayon? Si Kathleen ang malapit satin na pwede nating malapitan." Sabi ko.

Unti-unti na akong tinatangay ng inis.

"Hindi ba kaya ni Josh magsilbi at tumayong mag isa? Hindi siya kailangang alalayan na katulad ng batang paslit." Giit ni Ken.

"Ano ba kasing gusto mong palabasin, Ken? Nakakahalata na eh, halatang-halata na." Hamon sa kaniya sa kaniya ni Pablo.

"Na ano?"

"Na ayaw mo Kay Kathleen. Pangit yung ipinapakita mong behavior sa kaniya nung nasa resort tayo, Amo ka niya kaya sana ituring mo siya na may respeto. Bakit hilig mo siyang pag intrigahan?" Si Pablo na nakikisabat na sa sagutan ni Stell at Ken.

Gosh! Anong nangyayari bakit parang nag aaway na kayo? Kasalanan ko ba kung bakit pinapunta ko pa si Kath dun?

"Wala kayong pakealam!" Sigaw ni Ken.

"Eh Sira ulo ka pala eh!" Si Pablo na humabang kakasa kay ken pero patuloy ang bangayan at sagutan. Pinaghiwalay namin silang dalawa.

"SANDALEEEEEEEEEEEE!" Sigaw ko.

*KATAHIMIKAN*

"Kasalanan ko ang lahat, ok fine! Magpapaliwanag ako. Pinapunta ko si Kath para Kay Josh. NO issue, NO doubt. Pakay lang gawin ng P.A ay gawin ang kaniyang trabaho na pinapagawa sa kaniya ng Amo. Kung pagtatalunan pa natin ang gantong sitwasyon, walang patutunguhan. Isipin nalang natin yung kaibigan nating wala dito pero gustong pumunta. At dahil nga may sakit, gagawa ang P.A. ng paraan to help him somehow. I don't see anything wrong in what Kathleen will do because I have a lot of confidence that she will be able to fulfill her role. Chill lang guys, kaysa mag away kayo nakakahiya sa makakarinig sabihin 'ESBE19 NENYO MGA WALANG MODO'." Pag a-acting ko kunyari.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon