CHAPTER 70: WYAT WORLD TOUR.

56 3 0
                                    

Kathleen POV'S

FINALE.

Umaga palang ay nag aabang na sa labas ng Araneta ang mga A'tin at ang mga willing pang manood sa araw na ito. At hindi lang yun, sa tinatagal-tagal na mga oras ay mas lalong dumadami at namimigay pa ng librenh freebies, may ilang mga nagbebenta pero mas marami yung namimigay ng libreng item. Katuwa nga eh kasi hindi naman lahat manonood pero yung pinunta nila for freebies ang daming nakokolekta sa loob ng isang araw. At di ka na lugi, dahil kahit ikutin mo pa ang buong area makakakuha ka para gawing collections.

"Kath paabot ako ng box sa loob." Sabi ng Staff sa akin. Yes tama kayo, katuwang ako ngayon dito sa pag assist sa lima bago mag start ang concert. Magkakaroon pa kasi ng VIP soundcheck.

*PHONE RINGING*

"Hello?"

"Hello Bhe!" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Ann?"

"Oo bhe ako nga! Nasan ka?"

"Sinong kasama mo?"

"Si Kayra, dalawa kami manonood ng concert ngayon sinamahan niya ako." Sabi ni Ann. "Hi Kath! Nasan ka? Nandito na kami sa labas ng venue." Sabi ni Kayra.

"Ahmm nandito sa loob nag aassist."

"Ay weh? Hala busy ka pala sge sge kitakits nalang tayo sa loob." Sabi ni Kayra.

"Patayin ko muna Itong phone pagagalitan ako."

*End Called*

Dumako na ako papuntang dressing room at dun nakita ang limang Amo ko na inaayusan. Si Josh mas lalong bumagay ang Kulay ube sa kaniyang buhok.

"Kath?" Gulat si Pablo nang makitang pumasok ako sa loob ng dressing room. "Kath welcome back! Halika pasok ka!" Masayang tugon niya sa akin at natuwa akong makita silang muli.

"Kamusta? Tagal ka naming di nakita, akala namin tuluyan ka ng umalis dito sa work buti di ka tinanggal ni Manager?" Takang tanong ni Pablo while ang iba nakatingin sakin.

"Oo nga Kath anong nangyari tagal ka naming di nakita, ba't nagtatago ka? Charrrot ang pangit ng term HAHAHAHA." Biro ni Stell.

"Pero di nga Kath seryoso, bakit miski sa mga rehearsals namin di ka namin nakita?"

"Ahmmmm ganito po kasi yan,"

~Flashback~

"So anong decide mo?" Huling tanong ni Manager.

"Sge po, babalik po ako."

"Very good. So di na ako mahihirapan pa, at least dito mas kabisado mo na ang gagawin. We'll ilalagay uli kita dun sa kanila para mag assist and if ever utusan ka man ng ibang staff dun ka pa din mag focus sa mga Amo mo ok? And then, before start mismo ng event may VIP soundcheck wala pa man dapat yung mga audience nandun ka na dapat sa backstage or sa mga Amo mo para may katuwang sila. Since bumalik ka na nga, dating gawi ang gagawin mo so alam mo na yun. And lastly, make sure na safe ang kanilang mga gamit...Klaro?"

"Yes po Sir." Tugon ko, sa dami ng sinabi parang hindi nag excel sa utak ko yung ilang nabanggit.

"Sa 17 na ang event agahan mo magpunta para makasabay ka sa sasakyan. If ever you need help, nandiyan si Ms Chin."

"Ok po noted."

"Question so far?"

"Nothing more."

"That's all thank you sa time ingat ka sa daan." Bilin ni Sir at lumabas na ako kaagad ng office.

~End Flashback~

Nanatiling nakatingin silang lima sa akin habang nakikinig. "Una talaga kinausap na ako ni Sir kung papayag ba daw uli akong maging assistant uli ninyo, di kasi ako agad nakapag decide that day dahil sa dami ng iniisip na problema."

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon