Josh POV'S
"Ok guys rest assured." Sabi ni Stell.
Pagka labas ni Ken ay naupo ako sa tabi ni Justin.
"Anong nangyari kay Ken?" Tanong ni Pablo pagkalapit.
"Si Josh..." Biro ni Justin.
"Lakas tama mo Josh inaaway mo si Ken." Si Stell.
"Di ha! Ba't ko siya aawayin?" Anas ko.
"Usapan sayaw lang bakit nagiging out of the deal?" Saway ni Pablo.
"Di ko alam." Sabi ko pa.
"Ayusin niyo problema niyong dalawa, dapat bago tayo mag-perform maayos na status niyo ni Ken."
Marahan akong napapikit at kagat-labing napayuko saking pwesto.
"Nagulat ako sa inyo ni Ken akala ko mag aaway talaga kayo eh." Sabi ni Justin.
"Ewan ko ba! Pati ako naguguluhan na."
"Kamusta kayo ni Kath, stable pa din ba?"
"Isa pa yun sa problema ko. Last time nga di ko siya naihatid. Sobrang hassle."
"Bakit?"
"May pinuntahan ako after. Kaso yung pinuntahan ko ayun sumablay dinala ko pa sa Ospital pero ok na siya ewan ko kung...anong balak niya sa buhay."
"Bakit may Ospital na naman akong nalalaman HAHAHAHA ano bang nangyari curious ako? Kwento mo na gusto mo pa masaktan eh HAHAHA who did you go to?"
"Si Yvette." Pagkasabi ko ng ganun ay naging mapusok ang mukha ni Justin.
"Ex? Jusko Josh! Move on na. Diba nakipag hiwalay na siya sayo bakit mo pa pinuntahan. Ano na naman pakay ng Yvette na yan sayo?"
"Actually she apologized to what happened last time kaso ang kulit-kulit ayun tumapilok yung paa."
'Naaalala ko yung nangyari, kakatakbo muntik pang mangudngod'
"Umay habol pa more! HAHAHAAHHA" Ika ni Justin. "Yan ang napapala ng habol ng habol di ba siya napapagod? Baka willing naman siyang maglakad. Bigyan mo ng tubig baka hingalin kakahabol."
"Bumili siya may pera siya."
"Maiba ako, Kailan uwi ng family mo?" Pag iiba ni Justin kaya natigilan akong mag salita.
"Tumawag si Mama sabi niya di pa daw sure kung kailan sila makakauwi. Ok lang sanay na sanay naman akong nag iisa. Kung sakaling di pa sila makakauwi ni Ate edi kami nalang muna uli ni Manang Olga sa bahay, bonding tayo problema ba yun? Madaling ibsan ang lungkot basta't may paraan."
"Si kath invited?"
"Kailan ba siya hindi nakasama? Balak kong ipakilala siya Kila Mama kasi nabanggit ko na siya sa kanila, ngayon ewan ko lang kung matutuloy sila sa byahe pauwi."
"Yung binili natin sa Mall naibigay mo na?"
"Sa Pasko na, ako ng bahala magbigay. Di ko mabigay-bigay kasi sumasagasa yung schedule natin kaya wrong timing. Busy siya sa studies tapos tayo busy naman sa event kaya hindi swak. Katulad niyan may rehearsal tayo Kaya di pa time para iabot sa kaniya yung gift."
Nae-excite ako dahil excited ako. Ang gulo diba? Basta ang mahalaga important. Biro lang, malapit na pasko Ikaw, anong handa o regalo ang nais mong ihandog para sa iyong mahal sa buhay?
"Guys rehearse na." Aya ni Stell kaya tumayo na kami ni Justin at nagsimulang mag practice.
Kathleen POV'S
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...