Yvette POV'S
BWISET! Kapal ng mukha! Sino ba yung hampas-lupang babaeng yun para sagut-sagutin ako ng kagagahan?
"What a beat!" Gigil kong sabi. Naiirita ako sa galit parang ang sarap mambalibag ng tao. Sasabog sa galit ang nararamdaman ko.
"Stranger daw, STRANGER!" Pinagtitignanan ako ng mga taong naglalakad.
"HE! ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?" Umiwas ang karamihan sakin.
Maya maya ay tumawag ang kaibigan ko.
~Daisy on Call~
"Ano!" Sigaw ko.
"Boba ka ba't ka naninigaw!?" Sigaw din sakin sa kabilang linya.
"LECHE! ISA KA PA!"
"Bakit ba ano na namang hinihimutok ng buchi mo?"
"NAKAKAINIS KASI EH.."
"para matanggal yang init ng ulo mo punta ka kaya dito sa Mall nasa Starbucks ako hintayin kita. Dito mo ilabas yung latest chika mo Girl."
"Pandeleche ka! Pupunta pa ako diyan saang Mall ba yan?"
"Dito kung saan tayo madalas mag shopping."
"Sge sge pupunta na. Maghintay ka diyan ha, siguraduhin mong nasa Starbucks ka."
"Oo...bye!"
'Nag uumapaw padin hanggang bumbunan ko ang pinaghalong inis at galit. Puputok na ako sa sobrang gigil.
'Magtutuos pa tayo!' Usal ko sa isip ko.
Pumara ako ng taxi saka sumakay papunta dun sa sinabi ni Daisy.
MALL.
"Saan kaya siya?" Tinawagan ko uli si Daisy.
"Hello Yvette?"
"Daisy saang Starbucks yan anong floor?"
"Dito lang sa Main lakad ka konti pakaliwa tapos may makikita kang DQ."
Sinundan ko ang sinabi niyang area.
"Ayun nakita ko na sge sge bababa ko na this."
Pagpasok ko sa loob ng Starbucks ay saktong nandun si Daisy at nakaupo kaharap ang laptop.
"Hi Yvette!" Bati niya. "Oh bakit parang ang init ng ulo mo what happened ba?"
Umupo ako katapat niya.
"Nakakapang gigil, pakelamera!"
"Hoy girl hindi ako ang kaaway dito ha chumika ka na Kasi ano ba yun?"
"Naku daisy this is a worst happened in my life. Galing ako kanina sa bahay nila Josh."
"Oh? Akala ko ba move on na, bakit napasok dito yung poging Ex mo?"
"Ganito kasi yun, I went to his house para bisitahin. Ngayon ang sama sama ng dating dahil hindi ko inaasahang kasama pala niya ang personal Assistant nilang baliw."
"Ay weh? May personal Assistant na sila kailan pa?"
"Ewan, basta ganun!"
"Oh tapos?"
"Ayun sinasagut-sagut ba naman ako ng Gaga. Natatandaan mo ba yung chinika ko sayo dati Yung Concert nila sa Araneta? Siya din yung babaeng bumangga sakin. And who knows that she's the personal Assistant of SB19."
"Sino yung newbie?"
"Yes yung newbie."
"Oh really? P.A naman pala. Anong name niya?"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...