Josh POV's
"Are we there yet?" Tanong ni Pablo sa driver. "Malapit na po, Sir! Ipa-park ko lang po saglit itong Van." Sagot niya.
"Pwede na po ba bumaba?" Tanong ni Justin.
"Wait ka lang, Jah! Gusto mo mauna kana." Pang aasar ni Pablo.
"Shh! Ingay! Silent please!" Suway ni Stell.
"Chill, lahat tayo makakalaya." Mahinahong tugon ni Ken habang naglalaro.
Sumilip ako sa bintana kung may mga nakaabang na fans. "Guys! We're here. I think pwede ng bumaba, nakahinto naman na si Manong." Sambit ko pagka stop ng Van. Walang tao kahit isa dito sa parking lot kaya safe kaming makakapag prepare. Nagsuot ako ng black mask and sumbrero para di nila ako makilala pag papasok sa Mall.
Dito kami na assign magkaroon ng opening fan meeting event. May kalayuan yung place Kasi 3 hours din inabot sa byahe. Susurpresahin namin ang mga A'tin especially yung mga nag effort pumunta. Later on, magkakaroon ng free giveaway merchandise and Fansign.
"Ang init! Ganito na pala ako ka Hot! siguro kailangan ko na ng freezer ni Pinuno." Biro ni Justin na may pang aasar na hitsura.
"Lakas ng tama ne'to Hahaha." Tumawa ng malakas si Pablo.
There is an hour and a half left before the program. I got out of the Van and informed them that I was going to pretend to buy something to eat. But the truth was that, I was just going to wander around while waiting.
"San ka punta, Josh?" Tanong ni Justin.
"Bili lang ng Snacks." Tugon ko.
Nagpalinga-linga muna ako para makasigurado. "Baka naman kung saan ka pa pumunta, 'pre, make sure na bumalik ka kaagad baka tumawag si tatang robin." Pag papaalala ni Stell. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
......
So cold. Nakakamiss din yung mga panahong hindi pa kami sikat. Parang kailan lang nagsimula ako sa wala, pero nang
makilala ko sina Stell, Pablo, ken and Justin my outlook on life changed and I became interested in becoming a successful dancer. I chose it because I have my own way of what will be good for me. Halos maraming may ayaw samin dahil sa mga negative comments or opinion na natatanggap mula sa mga Kapit-bahay (Bashers), but we didn't give up for the dream na maipresent ang culture ng Pilipinas sa ibang bansa. Paunti-unti, nakakausad. And I'm proud to say, I'm Pinoy.
"Excuse me po, kuya?" Kinalabit ako ng isang babae. "Yes po?" Sambit ko.
"Kayo po ba si Josh Cullen Santos ng SB19?" Tanong niya.
Kabado-bente. Anong isasagot ko? Namukhaan niya ba ako? Yari na.
"S-sorry po! Hindi po yun kilala, Bakit po?"
"Kamukha niyo po kasi yan, papa-picture sana kami." Sabay turo niya sa poster ng Dunkin Donuts. Yes! Tama kayo, nandito nga ako sa tapat ng branch nila.
Oo nga noh! Mukha pala namin yung naka post. Napapailing nalang ako at natatawa ng palihim. "Sensiya na po, baka namalik-mata po kayo." Pagdadahilan ko.
"Ganon ba? Naku pasensiya na Iho! Idol kasi ng anak ko si Josh eh, kaya akala niya Ikaw siya." Pagpapaliwanag ng isang nanay.
"Ok lang po, no worries." Magalang kong sagot.
I'm impressed. Because i also experienced being a fan before, so i know the feeling of being admired. Umakyat ako sa 2nd floor para maglibang. Then sa lakas ng speaker ay naririnig ko ang kantang (No Stopping you).
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...