CHAPTER 51: LOVE TRIANGLE.

21 1 0
                                    

Josh POV'S

~Flashback~

"Oh wala pa?" Tanong ni Manang.

"Kanina ko pa nga po sila hinihintay eh."

"Ang Mama mo tumawag?"

"Hindi din po."

'Malulungkot na naman ba kaya ang paskong hindi kasama mahal sa buhay? Taon na din na di ko sila kasama, Ang kasama ko lang si Manang Olga. Kung minsan talagang nakakaburyo dahil wala si Mama, wala si ate kaya pag pasko hindi kami naghahanda. Mas prepared ko pang matulog kaysa mag celebrate'

Umupo ako sa sofa at malalim na naglabas ng hinga.

"Ok lang yan Nak." Haplos sakin ni Manang sa balikat.

*Group chat*

Me: Guys saan na kayo banda?

Unang nagseen si Ken pero di man lang ito nag reply.

Justin: Nasa byahe palang

Stell: OTW na gusto bang lumipad na kami papunta diyan?

Me: HAHAHAHAHA aliw ka Stell

Pablo: Ingay!

Stell: Manahimik ka Pablo Chawr.

Me: Hintayin namin kayo ni Manang Olga kasi nakahanda na yung pagkain.

*Group Video Call*

"Wazzup! Yow! Welcome to my Vlog." Si Stell.

"Tagal pa kayo?" Tanong ko.

"Nandito pa nga kami oh tignan mo..." Si Justin. "Kita mo yan, yung kalsada na yan hindi atin yan."

"Dilim guys." Si Stell.

"Road trip vroom vroom skir skir...Yow Josh! Merry Christmas." Usal ni Pablo na malakas.

"Merry Christmas din sa inyo. Anong dala niyo bakit parang may kulay palara?"

"Atomic Bomb. Binalot lang namin ng kulay silver para pag tinignan mukha talaga siyang gift." Sabi ni Stell at pinakita pa nga ang kahon.

'HAYUP HAHAHA!'

"Papunta na kami hintay lang kayo."

"Sge sge."

~End Call~

"Nasan na daw sila?" Si Manang.

"On the way na po." Sabi ko saka biglang nalumbay ang kilos ko.

"Bakit parang lumungkot ang mukha mo, may problema ba?"

"Nami-miss ko lang po sila Mama. Mukhang magpa-pasko na naman tayong di sila kasama. Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Buti pa yung ibang pamilya."

"Iho, wag kang mainggit. Sadyang may pinapalad na tao pero di nga lang lahat. Wag kang mabalisa darating din sila. Ang mabuti pa tulungan mo akong buhatin ang iba pang regalo at ilagay dun sa Christmas Tree."

"Salamat Manang Olga. The best ka talaga mag alaga, Ikaw ang naging pangalawa kong magulang."

"Anumang bagay dito sa Mundo lagi mong iisipin, maging kuntento ka sa kung anong meron ka ngayon at sa darating."

'Well said and not bad'

"Halika habang wala pa sila ilipat natin 'to dun sa puno para walang masira."

Pansamantala ay tumulong muna ako kay Manang Olga habang naghihintay dahil pag dumating na sila, sila naman ang priority kong i-entertained. Inayos ko ang iba pang kulang na garland, mga bolang maliliit pati ang ibang pagkain na makakain para sa mga bisita.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon