CHAPTER 7: TEACHER'S DAY.

30 1 0
                                    

Ann POV'S

Nag aalala ako kay Best friend, baka kasi masyado na siyang nape-pressure sa pag aaral kaya kung ano-ano ng mga naiisip. It's Teacher's day, papasok kaya siya? Masama padin ba kaya pakiramdam niya? Tanong ko sa aking sarili. Hindi siya pwedeng umabsent dahil nagchat ang mga officers kung saan kaming ilalagay na department.

Yesterday NSTP namin wala sa mood si Kath. Nakakainis lang kasi siya, mas iniisip niya pa yung lalake nung sabado di maka get over. Kung ako pa yan, bakit ko pa iisipin yung taong yun, he is not my priority.

Pag fifteen minutes wala pa siya, pupunta na akong conference room mag isa. Marshal pa naman kami. There is no class today kaya kami ang inassign ng president mag asikaso ng booth.

"Kath!" Kumaway ako't napansin niya. "Uy! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa tayo hinahanap sa conference room ni President."

"Sorry na-late ako ng gising. Ano bang gagawin?" Kath.

"Ayan ka na naman, siguro puyat ka kakaisip dun sa taong yun? Diba sabi ko sayo mag move on ka na? Di naman nakaka tulong." Inis kong tugon.

"Anong iniisip? Di ako makatulog kagabi daming nagliliparang ipis." Kunot-noo niyang sagot. Sorry, My bad natawa naman ako. "Ano ba kasing gagawin?" Dagdag pa niya.

"May Gay pageant, magkasabay ang event ng teacher's day pati yung rampahan. Inassign tayo ni President sa mga booth. Bali dun ka banda sa kaliwa ako naman sa kanan malapit sa stage. Kita nalang tayo mamaya sa retail store after the program. Marshal tayo. Oh he'to ID."

Seryoso padin ang kaniyang mukha. "Omsim. Sge." Kath.

Tumalikod ako't gumawi na sa aking pwesto. "Ms Rodriguez!" Lumingon ako na may isang teacher ang tumawag sakin. "Yes po, ma'am?" Tanong ko. Si Ms De Guzman pala, ang Master teacher II ng P.E.

"Who handle the sound system?"

"Students from ICT po, Ma'am!"

"Ok. Pasuyo ako, Nak! Pakisabihan ang mga Host na be ready pati ang music. Make sure na hindi tayo magkakaproblema, may mga bisita tayong nakaantabay from Division."

"Noted po."

Umaangos ako ng takbo papuntang stage para bulungan ang mga naka upo sa S-production. "Kuya get ready na daw po sabi ni Ms De Guzman." Nag thumb sign lang sila sakin at inumpusahan na ang maingay na tugtugan na dinig na dinig sa buong Main.

Kathleen POV'S

Badtrip! Kulang na naman ako sa tulog. Muntik pa akong ma-late. Buti nalang walang klase kaya open gate ang school, pwede kang lumabas kung gugustuhin.

"Ms Dela Rosa!" Hinanap ko agad yung tumawag sakin. Paglingon ko si President pala.

"Oh"

"May gagawin ka ba ngayon? Paki assist naman yung mga teachers, papwestuhin mo na sila sa harap. Magsisimula na ang program. Tapos dumaan ka sa Vocational Building, paki abot kay Ms Meraño itong folder."

Kinuha ko ang folder at naglakad papunta sa kabila. Hindi pa man nagsisimula ang event, nagpatugtog na agad sila ng ubod lakas. Sakit sa Tenga! Hindi ba pwedeng paki hinaan?

5...4...3...2..

Emcee 1: Isang mapagpalang araw mga kaibigan, kamag-aral. Ako si Sharlene Mendoza, from School of Teachers (SOTE)

Emcee 2: at ako naman si Sarah Dela Cruz, from School of Business Management (SOAST)

Emcee 1: Handa na ba kayo sa pa surpresang gilas ng ating mga guro at mag aaral? Kung gayon sabay-sabay nating batiin at salubungin ang pabating hatid para sa mga guro ng....

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon