CHAPTER 40: PARENT CONSENT

23 2 0
                                    

Josh POV'S

What was that? I really shocked ng makita kong hawak ni Samuel si Kath.

'Aaminin ko medyo nakaramdam din ako ng selos. Kaya nung nakita kong hawak siya ng iba hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan sila't mainis. Ayaw pang bitawan'

"Nandito na tayo." Sumilip pa siya para makasigurado saka tinanggal ang seatbelt.

"Halika tuloy ka muna." Aya niya sakin.

"Wag na sa ibang araw nalang uli."

"Na naman? Sumama ka na sakin ipapakilala lang kita kila Mama."

"Nakakahiya naman eh."

"Ba't ka naman mahihiya? Wala ka naman dapat ikahiya welcome ka sa bahay at saka hindi kami nangangagat. Sge na halika na para may dahilan din akong may naghatid saking tao."

'Ano palagay mo sakin Multo?'

Inis-switch off ko muna ang sasakyan saka bumaba at sumunod sa kaniya maglakad. Palapit palang kami sa pintuan ng bahay nila medyo nakaramdam ako ng kaba, yung kaba na baka ma-judge ako o di kaya'y mapintasan. First time ko 'to na ipakilala sa family niya.

"Kinakabahan talaga ako kath." Huminto kami sa paglalakad.

"Wag kang kabahan kasama mo 'ko akong bahala sayo." Ngiti niyang sabi. Huminga akong malalim saka kumatok siya ng pinto at pinagbuksan.

"Ate kath!" Salubong sa kaniya ng isang batang babae, kapatid niya yata. Pagpasok namin ay bumaling ng tingin sakin yung bata.

"Ate sino siya?" Tanong niya.

"Ah bisita natin siya. Halika josh pasok ka." Nakatingin sakin yung bata pero nakangiti.

'Ang cute niya parang ate kathleen niya'

Umupo ako sa sofa at tumabi sakin yung kapatid niya.

"Anak nandiyan ka naba— oh may bisita ka pala."

"Ah opo. Ay Ma, si Josh Cullen nga po pala Amo ko sa trabaho siya din po naghatid sakin ngayon."

"Siya nga ano, Ang gwapo mo iho." Puri sakin ng Mama ni Kath.

"Ay salamat po tita." Ikli kong tugon.

'3 points'

"Wait lang Josh ikukuha kita ng maiinom."

'Naalala ko nasabi sakin ni Kath na tatlo silang magkakapatid, eh nasan yung isa?'

"Ma nakita niyo ba Yung—" gulat ako may biglang bumaba sa hagdan nila na isang babae pero maganda siya.

'Mas maganda padin si Kathleen wag nalang kayo maingay HAHAHA'

"Hi good evening po." Bati ko. Ngumiti lang siya sakin saka naglakad papunta sa mama nila. Naririnig ko ako ang pinagbubulungan nila.

"Sino yun? Ang pogi ha." Tanong ng ate niya.

"Bisita ng kapatid mo. Kathleen bilisan mo ang pagtitimpla't naghihintay ang bisita mo sa sofa." Sabi ng Mama niya.

"Opo tapos na po."

Lumabas si Kathleen sa kusina at inabutan ako ng baso na may lamang Juice.

"Josh para sayo."

"Salamat kath."

"Sandali lang magbibihis muna ako sa kwarto, babalikan kita."

Pagkaalis ni Kathleen ay siya namang lapit sakin ng Mama at mga kapatid niya.

'Naku he'to na!'

Kinalabit ako ng bunso niyang kapatid.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Shit she's cute.

My Boyfriend is a BoybandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon