Josh POV'S
3...2....1
Rehearsal for WYAT tour Manila The Zone Studio.
Nakakapagod ma-feel yung always kang nagpa-practice kasi malaki ang expectations sayo ng ibang tao. Minsan hindi lang pagod yung nararamdaman namin kundi breakdowns, sa gusto naming magawa yung plan matindi din yung practice na ginagawa ng bawat isa.
One time, pumunta kami sa bahay nila Pablo dahil mayroon kaming Billboard Interview. Dumating kami dun actually sakto lang din nakabihis na si Pablo kaya pag play ng video interview ay kampante na kaming nakaupong magkakatabi.
'Virtual interview from foreigner'
Isa-isa kaming tinanong regarding sa mga music videos and sa magiging bagong MV namin for this year kasi nga magkakaroon kami ng world tour.
A few days ago nag celebrate ng birthday si Pablo, during rehearsal he didn't expect na isu-surprised siya ng aming mga kasama.
Day 13, rehearsal again in Zone Studio, this unexpected day na mangyayari saming lima. After the practice ay kinausap kami ng Dance coach na maglagay daw kami ng blindfold sa mata so ako nagtaka ako nung una kung para saan? He said na ite-trained daw namin kung paano makiramdam at isipin namin na, 'Gusto namin maging ganito'
Pinatay ang ilaw at pinatugtog ang meditation music. Nakaramdam ako ng medyo ginhawa.
"Gusto namin magkaisa.." Sagot naming lahat.
"Lakasan niyo!" Sigaw bigla samin.
Isang malakas na sigaw ang bigla naming binitawan. "GUSTO NAMIN MAGKAISA!"
"Isa pa!"
"GUSTO NAMIN MAGKAISA!" Sigaw muli namin.
'Kakaiba, sa oras na 'to I feel the presence na dumadaloy sakin. Di ko maipaliwanag kasi tahimik at wala kang ibang iisipin kundi yung bagay na maging 'IKAW' to the point na hindi lang pansarili ang iisipin kundi, yung gusto naming mangyari sa buhay'
Pinangunahan ni Pablo magsalita, at habang siya'y nagsasalita unti-unti bumubugso yung parang gusto ko maiyak sa kabila ng aming pinagdaanan di ko aakalaing maisip na, this is the right path towards to our dreams. Hindi naging madali samin bago makarating dito kasi maraming batikong ang nakaabang saming mga paa sa paghakbang.
"Alam ko lahat kami may pinupuntong goal. pero gusto ko wag dumating sa punto na, hindi na namin iniisip yung bawat isa. Hindi dahil sa hindi na namin iniisip yung bawat isa kundi sobra namin iniisip yung bawat isa para gampanan nila yung lahat ng individual responsibilities para sa grupo, para ma-achived yung goal namin." Sabi ni Pablo.
"True to yourself, happiness, health, healthy sila palagi. Stable sa buhay and I hope na maabot nila yung gusto nila mangyari once SB19 is done." Sabi ni Ken.
"Ako po gusto ko lang mahalin namin ang isa't-isa." Si Justin.
"Gusto ko na, mas maging iisa. At syempre, habang grupo pa kami at kahit wala na yung grupo, para matupad namin yung mga pangarap namin." Usal ko.
'Bumubugso ang bigat at nailalabas namin ang mga gusto naming sabihin, si Stell di ko siya narinig magsalita pero alam ko at ramdam kong naiiyak siya'
"Gusto naming magkaisa!" Tugon naming sabay habang magkakahawak ang kamay.
"LAKAS PA!"
"GUSTO NAMING MAGKAISA!"
"LAKAS PA!"
"GUSTO NAMING MAGKAISA!"
"MAS MALAKAS PA!"
"GUSTO NAMING MAGKAISA!"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Boyband
FanfictionOnce upon a time, in the bustling city of Manila, lived a young woman named Kathleen. She was an ardent fangirl and had recently discovered a rising Filipino boy band called SB19. Kathleen was completely captivated by their music, dance moves, and c...