Chapter 26 (Graduation Day)

3 1 0
                                    

Eli's POV

Ngayon na ang araw na pinakahihintay namin ni Dylan. Ngayon kasi ang araw ng aming graduation.

Halu-halong emosyon ang aming nararamdaman. Pero tuwa at kaba ang mas nanaig sa aming damdamin.

Tuwa dahil sa wakas ay tapos na kami sa pag-aaral. Kaba dahil hindi namin alam ang maaaring mangyari sa'min pagkatapos ng graduation.

Lungkot na rin dahil magiging busy na kami sa magiging work namin.

8:00 AM ang start ng graduation.

5:00 AM pa lang pero gumising na 'ko. Mag-aayos pa kasi ako at maghahanda ng makakain namin.

Maya-maya ay may kumakatakot.

Si nanay at si Elisse.

Sobrang saya ko nang makita ko ulit sila. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa nanay.

"Nay, ito na po. Ga-graduate na kami ni Dylan. Maraming maraming salamat po sa inyo ni Elisse sa pagsuporta sa amin"

"Naku, anak. Wala iyon. Proud na proud ako sa inyo ni Dylan"

"Na saan nga pala si Dylan?" Dagdag pa niya.

"Tulog pa po, nay. Mamaya pa po 'yun magigising dahil anong oras pa lang po. Ako kasi mag-aayos pa kaya gumising nang mas maaga"

Niyakap ako ni Elisse.

"Ate, proud na proud ako sa'yo. Ako naman ang sunod na mag-aaral"

"Ang ate ang mas proud sa'yo dahil nagpaubaya ka para makapagtapos ako. Hayaan mo. Kapag nagkatrabaho na 'ko, ako na ang magpapaaral sa'yo"

"Maraming salamat, ate"

"No. Maraming salamat, bunso"

Nagyakapan kami pagkatapos ko sabihin 'yon.

Ang aga naman ng drama na 'to. Haha.

Tiyak matutuwa si Dylan kapag nakita sila nanay at Elisse.

Sinilip ko si Dylan sa kwarto niya na kwarto dati ni Elisse.

Mahimbing siyang natutulog.

Aalis na sana ako nang mapansin ko ang mga pasa sa katawan niya.

Nakahubad siyang natutulog kaya kitang kita ang mga pasa sa braso at likod.

Kailan pa 'to?! Bakit napakarami!

Gusto ko siyang gisingin para tanungin siya pero ayaw ko namang mabitin ang tulog niya kaya hinintay ko na lang siyang magising.

Saan galing ang mga pasang iyon? Bakit nililihim sakin ni Dylan?

Kaya pala laging may mahabang manggas o jacket ang lagi niyang suot.

Akala ko ay nilalamig lang siya.

Mag-iisang linggo na siyang gano'n pero ngayon ko lang nakita.

Kung hindi ko pa siya sinilip ay hindi ko pa malalaman.

Hindi ako makapag-isip nang tama.

Imbis na maging masaya ay bigla akong binalot ng lungkot.

Lungkot dahil sa nakita ko at dahil naglihim siya sa'kin.

Biglang kumirot ang dibdib ko.

"Oh, anak, bakit hindi ka pa nag-aasikaso?"

"Sinilip ko lang po saglit si Dylan, nay. Mag-aasikaso na rin po".

Nagsimula na 'kong mag-asikaso. Naligo na muna ako dahil nagsabi ang nanay na siya na ang mag-aasikaso ng kakainin namin.

Kahit sa paliligo ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now