Eli's POV
Naglalakad na kami pauwi ni Dylan nang bigla siyang nagsalita.
"Bilisan mong maglakad, may ipapakita ako" heto naman, ang sungit!
"Oo na" sagot ko.
Nakarating na kami sa bahay. Inilapag muna namin ang dala kong gamit saka lumabas na. Nauunang maglakad si Dylan. Nakasunod lang ako sa kanya. Papunta siya sa Bodega.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko nang may halong pagtataka.
"May ipapakita nga ako, 'di ba?"
"E ba't ang sungit mo?"
"Manahimik ka na lang dyan" aba bastos 'to ah!
Tumigil na ako sa paglalakad pero si Dylan, tuloy pa rin. Tanaw ko siya sa kinatatayuan ko. Na sa madilim na part na siya ng bodega. Ano kayang gagawin ng lalaking 'yun?
"Eli! Halika rito!" Sigaw niya. Aba'y teka lang naman ho!
"Nandyan na! Papunta na!"
Pagdating ko kung saan siya naroroon, may nakita akong baul. Oo, sinaunang baul. Ewan ko kung bakit mayroon dito.
"Tingnan mo"
"Baul?! Anong meron dyan?!"
"Dyamante. Dyamante ng mga ninuno na tumira sa bahay na ito."
"Totoo?! Patingin! Paano mo 'yan nakita?!" Gulat na gulat talaga ako. Mayaman na kami?! Yahoo!
"Dahil sa paghahanap ko ng kasagutan, iyan ang nakita ko. Iyan ang gagamitin kong pambayad sa Auxerre Academy" sagot niya.
"Ang galing mo, tsong!" Hala! Napayakap na naman ako! Huhu.
"Sorry, sorry natuwa lang talaga ako" paliwanag ko.
"Ganyan ka ba talaga matuwa? Nangyayakap?" Hala! Nakakahiya! Huhu
"Hindi 'no! Grabe ka naman!"
"Ikaw ang grabe. Pinagsasamantalahan mo 'ko"
"Hoy, ang kapal naman ng mukha mo!" Pesteng lalaki 'to! Ang kapal ng mukha!
"Tulungan mo 'ko"
Binuhat namin ang baul papunta sa bahay. Hindi ako makapaniwala nang buksan namin ang baul. Puro dyamante!
"Ngayon lang ako nakakita ng dyamante sa tanang buhay ko!" Hindi talaga ako makapaniwala! Ang saya saya ko!
"Teka, hindi kaya tayo multuhin ng mga may-ari nyan?!" Dagdag ko.
"Ano ka ba namang babae ka, anong taon na at naniniwala ka pa rin sa multo? You're impossible! Gusto kong mag-aral kaya kailangan natin ibenta 'to" Grabe talaga magsalita 'tong unggoy na 'to!
Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Dylan sa kakilala kong mayaman na alam kong bibili neto, 'yung baklang negosyante sa QC. Tiyak, malaking halaga 'to.
Habang naglalakad, nakasalubong namin si Aling Pacing.
"Ay ne, syota mo?" Ay wow! Syota agad?
"Hindi po, nay Pacing. Kaibigan ko po"
"Bagay kayo" sabi niya with matching kilig pa. Wow talaga!
"Kayo talaga, nay Pacing napakapalabiro niyo. Pakurot nga!" Nakakahiya kay Dylan!
"Isus! Doon din naman papunta 'yon!" Ayaw niya talaga tumigil! Huhu.
"Tara na, Dylan! Hayaan mo na 'yan si nay Pacing, nausog 'yan nung bata tapos nahipan ng masamang hangin ngayong matanda na. Tara na"
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...