Eli's POV
Pangalawang umaga nang hindi ko kasama si Dylan. Nakakapanibago, sobra. Wala nang "magandang umaga". Wala nang Dylan na sobrang nakakahawa kapag nangiti at tumatawa. Wala nang nagsusungit. At higit sa lahat, wala nang kasabay pumasok at kumain.
Bigla akong tinamad pumasok. Balak ko sanang hindi pumasok pero nabasa ko ang chat ng kaklase ko na may recitation daw sa Philosophy.
Wrong timing naman, oh! Kainis.
Nakita ko agad si Lucas na nakangiti sa'kin. Nginitian ko rin siya pero hindi tulad ng ngiti kapag si Dylan ang nakikita. Bigla na naman akong nalungkot.
"Are you alright?"
"Oo naman, Luke"
"Sure? Are you still worried about him?"
"Oo, Luke. Hindi pa rin siya nakikita"
"I see"
Naglalakad na kami papasok sa room. Nabaling ang paningin ko sa isang babae at lalaki na naglalakad. Si Dylan ba 'yun?!
Kilala ko si Dylan. Alam na alam ko kapag siya 'yun o hindi kahit nakatalikod.
Napatakbo ako para makita kung talagang si Dylan 'yun. Pero kung totoo nga, bakit may kasama siyang babae?
"Dylan!" Sigaw ko.
Agad din siyang napalingon. This time, sigurado na 'kong si Dylan nga 'yon. Ang sakit dahil hindi niya 'ko pinansin. Pati ang kasama niyang babae, tiningnan lang ako. Bakit gano'n?
Napaiyak na lang ako sa sakit. Nilapitan ako ni Lucas at niyakap.
"Eli, stop crying. Everything will be fine, okay?"
Ilang minuto ang lumipas bago ako pumasok sa room. Nilakasan ko ang loob ko. Kakausapin ko si Dylan.
Pagpasok ko, nakayuko lang siya. Tumabi ako sa kanya pero agad siyang tumayo. Hinawakan ko siya sa braso.
"Dylan, usap naman tayo, oh. Huwag mo naman akong iwasan"
"Let me go"
"I won't. Please, Dylan. Halos mabaliw na kasi ako kakaisip kung na saan ka, kung okay ka lang ba, kung..."
"Okay lang ako. Okay lang ako kina Kylie. Okay na?"
Ang pasaway ng mga luha ko. Bigla silang tumulo kaya napatitig si Dylan sa'kin.
"Eli, okay lang ako. Okay ka lang din naman 'di ba? Masaya ka na kay Lucas kaya hayaan mo na rin akong maging masaya nang wala ka"
Pagkasabi niya no'n, umalis na siya. Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng mga luha ko lalo na sa huli niyang sinabi.
Lucas' POV
I saw her crying when Dylan left her hanging. I hugged her and told her it's okay to cry. My heart shattered into pieces when I saw her in pain. Hindi dahil nasasaktan siya. Pero dahil nasasaktan siya nang dahil kay Dylan.
Una pa lang, ramdam ko namang Dylan has a special place in Eli's heart. The way she stares at him, smiles at him and the way how Dylan makes her happy, alam kong mahal niya si Dylan pero pinipigilan niya.
'Yung mga ngiti niya kapag nakikita si Dylan, malayong-malayo sa mga ngiti niya kapag sa akin na.
I'll let her go. She will be happier with Dylan than me. Gusto kong makita 'yung dating Eli nung hindi pa umaalis si Dylan.
I love you, Eli. It's painful to let you go but it's more painful if you let me prove myself to you kahit hindi ako ang gusto mo.
Eli's POV
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Ciencia FicciónPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...