Chapter 2

94 5 0
                                    

Eli's POV

"S-sino ka?! A-anong ginagawa mo rito?!" Hindi ako makasigaw. Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya niluwa ng... ng liwanag! Mygosh! Maloloka ako rito! Huhu

"Anong taon na ngayon?!" Tanong niya na para ba'ng gulat na gulat siya. Ewan ko rito. 'Di naman kami close. Snob ko na lang. Hihi. Joke!

"A-ah... e-eh... 2018 n-na!" Sagot ko na may halong kaba.

"Teka muna! Sino ka ba?! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?! Saan ka talaga galing?! Bisita ka ba ng nanay ko? O ni Elisse?!

"Hindi ko alam. Hindi ko matandaan. Na saan ako?" Mahinahon niyang tanong. Anuraw? 'Di niya alam kung sino siya?! Kinikilabutan na 'ko ha! Huhu

"Teka! Kahit pangalan mo, hindi mo alam?! Haller! Na sa bahay ka namin. Na sa kwarto lang naman kita, Mr. Hindi alam ang pangalan! Ang natatandaan kong nangyari, may pinindot akong button dyan sa malaking orasan na 'yan! Tapos biglang lumiwanag at hayan! Niluwa ka ng liwanag!" Paliwanag ko. Jusko naman! Mahihimatay ako sa mga nangyayari 'e! Ano ba 'to? Tao ba 'to? Parang hindi e! Huhu heeelp!

"Oo, diyan ako galing. Iyon lang ang alam ko. Hindi ko matandaan kung sino ako at kung paano ako napadpad dito. Ang tanda ko lang, natutulog ako. Sigurado ka ba na taong 2018 na ngayon?"

"Oo, bakit? Anong akala mo, 2012?! Dyan ka galing?! Dyan ka lumabas?!" Jusko! Maloloka ako rito!

"Oo. Dyan ako galing" sagot niya.

"Alam mo, hindi talaga kita gets!"

"Gets?!" Tanong niya na may halong pagtataka.

"Oo, gets. Kuha. Pati iyon, 'di mo alam?!" Tanong ko.

"Walang ganiyang salita akong alam, pasensiya" tanong niya na may halong lungkot sa kaniyang boses. Nakonsensya naman agad ako. Kalerky!

"Ang gulo. Hindi mo alam kung sino ka tapos ang natatandaan mo lang, natutulog ka tapos nakarating ka rito dahil dyan sa malaking orasan na 'yan?! Paano naman nangyari 'yon?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Naguguluhan din ako. Wala akong maalala. Papaano nga ako nakarating dito gamit iyan?"

"Aba! Hindi ko alam sa'yo. Ginugulo mo 'kong lalaki ka!"

Tinitigan kong mabuti ang malaking orasan na sabi niyang nilabasan niya. Isa itong sinaunang orasan na hindi na gumagana at makalawang na. Dito siya galing?! Wow!

"Kung dito ka galing sa malaking orasan na 'to, paano ka nakulong dito?! Tsaka paano ka nabuhay kung dito ka galing?! 'E ang tagal na panahon na siguro nitong orasan na 'to. Nakita ko 'to sa bodega. Na-curious ako kaya dinala ko rito. Ninuno pa yata ng caretaker ng bahay na 'to 'yung may ari nito 'e!" Nagtataka kong tanong at paliwanag. Hindi kasi talaga ako makapaniwala.

Hindi na siya nakasagot pa dahil biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Magtago ka! Bilis! Hindi ka pwedeng makita rito ng kahit na sino! Matetegi ako nito!"

Pinatago ko siya sa ilalim ng kama ko. Safe naman siya roon dahil natatakluban ng iba kong gamit.

"Ano ka ba namang bata ka at napakatagal bago mo 'ko pagbuksan!" Ratrat ng nanay kong rapper. Hahaha!

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now