Allynah's POV
Umiiwas ako kay Eli dahil sobra akong nakokonsensya. Hindi niya alam na lagi kaming nag-uusap ni Harry, nagkikita at lumalabas nang palihim. Pakiramdam ko tinatraydor ko siya kahit matagal na silang hiwalay. Magkaibigan lang kami ni Harry pero ewan ko kung bakit ako nilalamon ng konsensya ko.
"Ally!" Pagtawag ni Harry.
"Oh, Harry"
"You look unhappy, what's wrong?" Gustong-gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako na baka umiwas siya o lumayo. Okay na ako sa ganitong set-up. No strings attached dahil alam kong mahal pa ni Harry si Eli.
"Wala. Masama lang pakiramdam ko"
"Gusto mo ba'ng dalhin kita sa clinic?"
"No need, Harry. Kaya ko naman tsaka baka may makakita sa'tin, ano pa isipin ng mga 'yun"
"Don't mind them, alam naman natin kung ano ang totoo" 'Yun na nga Harry! Ang totoo ay imposibleng mahalin mo rin ako!
Nagpaalam na ako sa kanyang aalis na 'ko at hinayaan naman niya 'ko.
Bakit kasi sa lahat, ikaw pa, Harry? Bakit?
Eli's POV
Pagkatapos namin magmerienda, nakasalubong namin si Lucas.
"Hi, Eli. And?" Bati niya.
"Dylan"
"Lucas. Nice to meet you, bro" pagpapakilala niya.
Nginitian lang siya nang pilit ni Dylan. Kahit kanino talaga ang sungit ng lalaking 'to!
"Pabalik na ba kayo sa room?" Tanong ni Lucas.
Sasagot na sana ako ng "oo" pero agad namang nagsalita si Dylan.
"Hindi pa. Pupuntahan pa namin si Ally, ang kaibigan ni Eli. Mauna ka na sa silid kung nais mong sumabay"
"Ah, ganon ba, bro? Sige, una na 'ko." Sabi niya at nginitian naman niya ako. Gwapo niya talaga lalo kapag nakangiti. Pero bakit naman 'yun sinabi ni Dylan? Talaga 'to, ang epal na naman!
"Huy! Bakit mo naman sinabing hindi pa tayo babalik sa room at pupuntahan natin ang freniwa ko?!"
"May problema ba?" Sungit talaga!
"Wala. Tara na"
"Hindi. Malalaman niyang nagsinungaling ako"
"Ano naman? 'E 'di ba ang gusto mo aminin ko ang totoo tulad kanina?" Pang-aasar ko.
"E 'di aaminin ko kay Harry ang totoo"
"Hala! Nagjojoke lang naman ako 'e! 'To naman, 'di mabiro! Sabi ko nga mamaya na tayo pumasok"
Mga ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na kami sa room.
Pagpasok namin sa room, nakatitig lahat ng babae kay Dylan at nagpapa-cute kaya inakbayan ako ni Dylan.
"Nabusog ka ba, girlfie?" Natuwa naman ako sa ginawa niya. In character na in character ah!
"Yes, boyfie" nginitian ko siya.
Ang sasama ng tingin ng mga kaklase kong babae 'e! Mwhahaha! Sorry na lang sila!
"Kayo?!" Tanong ni Lea.
"Oo, may problema ba?" Tanong ni Dylan.
"Ah, wala naman, Dylan. Kaya pala lagi kayong magkasama" sagot niya nang nagpapa-cute pa rin. Akala mo kina-kyot niya 'yun! Eew! Yak!
Hindi na siya pinansin ni Dylan at naupo na kami.
Dismissal time na. Nagpaalam si Dylan na magc-cr lang daw muna siya kaya hindi na muna ako lumabas.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...