Chapter 23

33 1 0
                                    

Eli's POV

Tatlong araw nang nawawala si Dylan. Ni-report na rin namin ni Lucas sa mga pulis pero maski anino niya, hindi namin nakita.

Halos tatlong araw na rin akong iyak nang iyak dahil sa sobrang pag-aalala. Ayaw kong mag-isip nang kung anu-ano pero parang nawawalan na ako ng pag-asa na makikita pa siya. Baka may nangyari nang masama kay Dylan, huwag naman sana. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.

Ilang gabi na 'kong nagkukulong dito sa kwarto ko. Dalawang araw na 'kong hindi pumapasok dahil kahit naman nandoon ako sa Auxerre, siya lang din naman ang laman ng isip ko.

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako para kumain na ng hapunan.

Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang makita ko si Dylan na nakatayo at nakatingin sa'kin nang seryoso.

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Saan ka ba galing, ha?! Kung saan-saan ka namin hinanap 'e. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo, Dylan ko. Halos mabaliw na 'ko kaiisip kung na saan ka. Miss na miss na kita"

Narinig ko rin siyang umiiyak pero hindi niya sinagot ni isa sa lahat ng tanong ko.

"Dylan, bakit?" Malumanay kong tanong. Basag na 'yung boses ko sa sobrang pag-iyak.

"Dylan Grey Peterson" sagot niya habang umiiyak.

"Ha?"

"Eli, kilala ko na kung sino ako. Bumalik na lahat ng alaala ko" umiiyak niyang sabi.

Pero paano? Anong nangyari sa loob ng tatlong araw na nawala siya?

"Ako si Dylan Grey Peterson. Son of Isabelle and George Peterson. I'm... I'm 189 years old. Born on September 19, 1829"

Para akong nabingi sa mga narinig ko. 189 years old?! 1829?!

"Dylan ko naman. Tatlong araw ka lang nawala, naging clown ka na agad? Joker ka talaga, mahal ko. Halika na sabayan mo na 'ko kakain na tayo"

Hinila ko siya saka ko siya tinalikuran para papuntahin sa mesa pero hinawakan niya 'ko sa braso.

"Hindi ako nagbibiro, Eli. Pumunta ako sa kwarto mo para makita ang malaking orasan. Nagbabaka-sakali lang akong baka may maalala ako pero nang pindutin ko ang button, biglang lumiwanag at nagbukas ang lagusan. Tinangay ako nito at dinala sa nakaraan, taong 1848. Nakita ko ang aking lola Kikay doon. Inilathala niya sa akin lahat hanggang sa sumakit ang aking ulo at bumalik na ang aking alaala. Kasalanan ko kung bakit namatay ang aking Mama' at Papa'. Kailangan kong bumalik sa taon kung kailan buhay pa sila para maiwasan ang kanilang pagkamatay pero sinabi ng aking lola Kikay na hindi pa raw iyon ang tamang panahon. Eli, ang malaking orasan ay isang time machine na naimbento ng aking ama na scientist, si George Peterson, kilalang scientist sa taong iyon. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking ama kaya pinili kong umalis na lang sa bahay pero parang may nagtulak sa'kin na pumunta sa laboratory at pindutin ang time machine ni Papa'. Eli, patawarin mo 'ko..."

Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil umiiyak na siya.

"Eli, patawarin mo 'ko dahil kailangan kitang palayain. Ayaw ko na mas lalo pa tayong masaktan kapag pinatagal pa natin. Ayaw kong dumating ang araw na mas lalo pa tayong masaktan kapag kailangan ko nang lumisan. Eli, hindi tayo pwede. Ikaw, nabubuhay ka sa kasalukuyan. Ako, nabuhay ako sa nakaraan at kaya lamang ako narito dahil sa isang time machine. Dahil sa isang pagkakamali. Ilang daang taon na ako, Eli. Kung tutuusin, mas matanda pa ako kay nanay Emie at kay lola Linda. Eli, gusto ko maging masaya ka at alam kong hindi ka sa'kin liligaya. Sakit lang ang idudulot ko sa'yo. Patawarin mo 'ko, mahal ko pero kailangan kong gawin 'to"

"Bumalik ka ba para sabihin sa'king hinihiwalayan mo na 'ko? Dylan, pwede pa rin naman tayo 'e. Pwede pa rin tayo tulad ng dati. Titiisin ko Dylan 'wag ka lang mawala sa'kin. Please, Dylan ko"

Humahagulgol na 'ko sa sobrang pag-iyak. Sobrang sakit. Sobrang bigat sa pakiramdam.

"Eli, mas lalo lang tayong masasaktan kapag pinatagal pa natin. Balang araw, maiintindihan mo rin ako, mahal ko. Minahal kita sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Kailanma'y hindi ko pagsisisihang minahal kita. Hindi aksidente ang ating pagkikita. Hindi rin aksidente ang ating pag-iibigan. Ito ay nakatakda. Pero Eli ko, hindi ako ang para sa'yo kahit ipagpilitan pa natin. Patawarin mo 'ko, mahal ko. Mahal na mahal kita. Masakit para sa akin ito. Hindi ko ito ginusto pero Eli ito ang tamang paraan para hindi na tayo masaktan pa sa huli. Maiintindihan mo rin, mahal ko"

"Dylan, ang sakit. Ang sakit sakit naman 'e. Bakit ganon? Bakit kailangang umabot dito? Siguro tama ka nga, pagbalik natin dito, hindi na tulad ng dati. Na kapag bumalik ang alaala mo, posible ngang lahat ay magbago. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Dylan, sinanay mo 'ko 'e. Sinanay mo 'kong lagi kang nandyan. Sinanay mo 'kong lagi tayong magkasama. Paano pa ako nito? Paano na 'yung mga pangarap natin? Paano na 'yung mga plano natin? 'Yung kasal natin? Dylan naman. 'Wag mo naman akong pahirapan, oh. Nagmamakaawa ako"

"Eli, hindi ko 'to ginusto. Kung ako ang papipiliin, pipiliin kong laging na sa tabi mo. Pero ang katotohanan, kailanma'y hindi natin matatakasan. Ito ang katotohanan. Ito ang tunay na mundo. Ito ang realidad ng buhay. Eli, lahat ng mabibigat, gumagaan kapag binibitawan. Mahal na mahal kita, Eli ko. Kahit masakit sa akin, kahit dinudurog nito ang aking puso, kailangan ko itong gawin dahil ito ang tama. Ikaw at ikaw pa rin, mahal ko. Ikaw at ikaw pa rin. Kailangan kong magpakalayo-layo para sa ikabubuti ng lahat. Kailangan kong lumayo sa'yo para hindi na tayo mas mahirapan pa. Mahal ko, hinding-hindi ka mawawala sa aking puso't isipan. Ikaw lang ang aking mamahalin, pangako. Hanggang sa muli.

"Dylan... pinapalaya na kita"

Nginitian ko siya nang pilit. Akmang tatakbo na ako palayo ngunit pinigilan niya ako at niyakap.

"Kahit sa huling pagkakataon, hayaan mo akong yakapin ka. Mahal ko, gusto ko maging masaya ka. Gusto ko parati kang ngingiti kahit hindi na ako ang dahilan. Kahit hindi na para sa akin. Eli ko, pinapalaya na kita. Patawarin mo 'ko"

Hindi ko na kaya pang tingnan si Dylan o sumagot sa kanya kaya tumalikod na ako saka tumakbo palayo.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Paalam, Dylan. Paalam, mahal ko.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now