Eli's POV
Lumipas ang tatlong taon at nanatili kaming matatag ni Dylan. Siguradong-sigurado na ako na siya na ang gusto kong makasama at pakasalan kahit alam kong imposible dahil darating ang araw na babalik siya sa panahon kung saan talaga siya dapat nabubuhay.
Sa isang araw na ang aming graduation. Excited na kaming lahat dahil sa wakas, makakamit na namin ang aming diploma hudyat na makakapagtapos na kami at lahat ng pagod namin, may magiging magandang bunga. Ga-graduate ako bilang isang Cum Laude at gano'n din si Dylan.
"Love" pagtawag ni Dylan.
"Yes, love?"
"Ano kaya mangyayari sa'tin after ng grad?"
"Siguro maraming opportunities ang naghihintay sa'tin, love. I can't wait na sabay tayong aakyat ng stage para tanggapin ang ating diploma tapos parehas pa tayong Cum Laude. O diba? Relationship goals? Hehe"
"Oo nga, love. Excited na ako"
"Alam mo, love? Sobrang thankful ako kasi hanggang ngayon kasama pa rin kita, na hindi ka pa binabawi sa'kin"
"Hindi ko rin alam kung bakit 'e. Ilang taon na ang nakararaan mula nang mapunta ako sa nakaraan at makausap ang aking lola Kikay at hanggang ngayon, narito pa rin ako. May tamang oras talaga para sa lahat ng bagay"
"3 more years pa sana, mahal ko"
Ngumiti lang siya sa'kin at niyakap ako.
Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako nang biglang dumugo ang ilong niya.
"L-love, 'yung ilong mo nagdudugo!"
Hinawakan niya ang ilong niya at hindi man lang nag-react.
"Love, ano ba! Nagdudugo 'yang ilong mo oh. Ano, ganon lang?"
"Love, calm down. Wala 'to, okay? I'm fine"
"E ba't nagdugo kung wala lang? May nararamdaman ka ba, ha? Bakit 'di mo sinasabi sa'kin?"
"Love, wala. Okay lang ako. Wala ito. Tara na, matulog na tayo"
Dylan's POV
Kasalukuyan nang mahimbing na natutulog si Eli. 'Yung nangyari kanina, ipinagsawalang-bahala ko na lamang dahil ayaw kong mag-alala pa si Eli.
Nagising na lamang ako isang araw, may mga naglitawan na mga pasa sa katawan ko na tila ba namuong dugo. Parati akong nakasuot ng damit na may mahahabang manggas upang matakpan ito. Sinabi ko na lamang kay Eli na nilalamig ako.
Natatakot akong magpatingin sa doktor. Hindi ko alam kung bakit.
Madalas din akong nanghihina at sumasakit ang ulo. Gusto kong sabihin kay Eli ngunit ayaw kong mag-alala pa siya at maging malungkot.
Gusto kong makausap si Lola Kikay dahil alam ko, siya lang ang may alam ng lahat. Alam niya kung ano ang mangyayari ngunit ayaw ko nang gamitin ang time machine at baka hindi na ako makabalik pang muli sa kasalukuyan.
Eli's POV
Maaga kaming pumasok ni Dylan dahil excited na kami sa practice ng grad. Hihi.
Nagpaalam muna siyang bibili sa canteen ng makakain namin habang hinihintay 'yung iba.
Nagulat ako nang may nagtakip ng mga mata ko. Napangiti ako dahil alam kong si Dylan 'yun.
"Ano ang sinasabi ng baka kapag tinatanong siya kung sino ang mahal niya?"
"Ano?" Sagot ko habang natatawa.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Fiksi IlmiahPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...