Chapter 4

58 4 0
                                    

Dylan's POV

Pa-tatlong araw ko na sa lugar na ito ngunit hindi pa rin bumabalik ang alaala ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Wala akong magawa para malaman ang lahat at ang tunay na dahilan kung bakit ako narito.

Maagang pumasok si Eli. Wala na naman akong kasama sa bahay niya. Ano bang pwede kong gawin dito? Makipagtitigan sa mga alaga niyang ipis at daga? O ang pumatay ng lamok?

Sinilip ko ang kanyang silid. Kinuha ko ang kanyang libro upang basahin. May nalaglag mula sa libro. Isa itong litrato ng isang lalaki. Sino kaya ang lalaking ito?

Eli's POV

Nandito na ako sa Auxerre. Isang himala ang hindi makita ni-anino ng damuhong 'yon.

"Bessy!" Pagtawag ni Ally.

"Halika! Sumama ka sa'kin!" Hinila niya ang braso ko patakbo.

"Teka, fren! Saan ba tayo pupunta?"

"Basta. Sumunod ka na lang!"

Agad niya 'kong pinaupo sa monoblock sa may stage.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Basta, freniwa!"

Ilang sandali, lumabas si Harry mula sa likod ng stage papunta sa'kin. May dala siyang gitara.

Bago pa lang niya gawin kung anong trip niya sa buhay, agad na akong tumayo para umalis. Pero agad akong pinigilan ni Ally.

"Please, bessy kahit ngayon lang. Please stay here" magkasabwat ba sila? Mukhang oo. Lagi namang kay Ally ang takbo ng damuhong 'yon 'e!

Nagulat ako sa ginawa ni Harry dahil bigla siyang naggitara at kumanta. Ngayon ko lang siya nakitang tumugtog at kumanta.

Pagkatapos niya, nagsalita siya sa mikropono.

"Eli, please kausapin mo na 'ko"

Agad naman naghiyawan 'yung mga estudyanteng nanonood sa pinaggagagawa niya. What do I expect? Fans niya 'yun sa malamang.

Akmang aalis na ako dahil nahihiya ako sa ginagawa niya pero nagsalita ulit siya.

"Eli naman. Tignan mo nga inaral ko maggitara and kumanta para maappreciate mo. Please, usap tayo"

"Bumaba ka dyan kung gusto mong mag-usap tayo!" Sagot ko sa kanya. Sasapakin ko siya, makita niya!

Agad naman bumaba ang mokong. Uto-uto. Naglakad na 'ko palayo. Gusto ko lang talagang itigil niya ang kabaliwan niya dahil ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

"Huy, teka lang! Akala ko ba mag-uusap tayo?" Kailangan may paghawak sa braso? Close tayo?

"Gusto ko lang talagang itigil mo kabaliwan mo dahil ako ang nahihiya dyan sa pinaggagagawa mo!"

"It's okay even if you didn't appreciate it. I just want you to know that you are important. Eli, listen. I didn't cheat. I never cheated on you, Eli. That was only a set up! Avery did it para maghiwalay tayo!"

"Pwede ba, Harry? Tama na. Nakalimutan ko na nga 'yun 'e! Kinalimutan ko na! Masyado mo na 'kong sinaktan at niloko, hindi pa ba sapat? Hindi naman ako tanga para maniwala!"

"May nilagay si Avery sa inumin ko kaya ako nakatulog. I have proofs! Ilalaban ko 'yon to win you back. To win your heart again!"

"Huli na ang lahat, Harry! May boyfriend na 'ko and I love him so much! Kaya tama na ang kabaliwang 'to, Harry!"

"Hindi ako naniniwala, Eli. At hindi ako maniniwala hangga't hindi mo siya dinadala rito para ipakilala sa'kin!"

"E 'di 'wag! Pake ko?" Saka ako naglakad paalis.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now