Chapter 19

35 2 0
                                    

Dylan's POV

Maaga akong nagising dahil hindi na ako makapaghintay pa'ng makapunta sa probinsya nila Eli.

Pagtingin ko sa orasan, 4:00 am pa lang. Pupunta na ba ako o hindi?

Sobrang saya ko lalo kahapon nang makasama ko ang pamilya ni Eli. Hindi kami pinaghiwalay ni nanay Emie. Hindi niya kami hinadlangan dahil ramdam niyang mahal na mahal ko ang kaniyang anak.

Bigla akong napaisip. Ang daming tanong na pumasok sa isipan ko. Na saan na kaya ang mga magulang ko? Kumusta na kaya sila? Malungkot kaya sila dahil nawawala ako?

Hindi ako kumpleto. Hindi kumpleto ang buhay ko pero masaya ako dahil nandyan si Eli at ang pamilya niya para pasayahin ako.

Ilang buwan na ako rito pero hindi pa rin bumabalik ang aking alaala. Akala ko unti-unti, hindi pala. Nadadalas lang ang pagsakit ng aking ulo ngunit wala naman akong naaalala kahit ano.

Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng gustuhin na bumalik ang alaala ko o mas piliin ko na lang na huwag na dahil panigurado akong masasaktan lang ako lalo na ang babaeng pinakamamahal ko.

5:00 am na kaya pumunta na ako kila Eli.

Kumatok ako bilang hudyat na narito na ako.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Eli.

"Aga mo ah. Good morning. Pasok ka"

"Magandang umaga. Oo naman, baka kasi iwanan niyo ako"

"Di ba nga sabi ko sa'yo, 'di kita iiwan kahit anong mangyari?"

Ngumiti naman siya. Agang-aga, ang landi namin. Hahahaha!

"Magandang umaga, nanay Emie. Mano po"

"Aga mo naman, pogi. Nag-almusal ka na ba?"

"Opo, nay. Tapos na ho. Salamat po"

"Kumain ka ulit, magugutom ka sa byahe niyan"

"Ikaw, Eli?"

"Tapos na 'ko, Dylan"

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya napahawak ako sa likod ng ulo ko.

"Bakit?"

"Wala, Eli ko" nginitian ko siya kahit pilit.

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman. Si Dylan pa ba?" Masigla kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka ha?"

"Opo, mahal na prinsesa"

Kinurot niya lamang ang aking ilong.

Na sa byahe na kami pauwi sa probinsya nila Eli. Napakaganda ng tanawin habang papunta kami sa Batangas. Manghang-mangha ako sa mga nasisilayan ko. Kasing ganda ng kapaligiran ang babaeng mahal ko.

"Eli ko" bulong ko sa kanya.

Inaantok siya kaya nakadantay siya sa aking balikat.

"Hmm?" Inaantok niyang sagot.

"Nasabi ko na ba sa'yo?"

"Na ano?"

"Na ang ganda mo?"

Napatawa naman siya sa aking sinabi. Kinurot na naman niya ang aking ilong. Palibhasa'y matangos.

"Kahit kailan ka talaga, Dylan ko"

"Sige na, matulog ka na"

Ilang minuto na ang nakalipas. Kasalukuyang natutulog si Eli sa aking balikat. Ano ba naman 'tong babaeng 'to, nagkayat na ang laway. Napakagandang babae, napakasamlang. Pasalamat siya mahal ko siya kaya titiisin ko na lang. May bula-bula pa. Hay nako.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now