Dylan's POV
Ilang minuto na ang nakalipas nang ako'y bumalik ng nakaraan ngunit hindi pa rin nagpapakita ang aking Lola Kikay.
"Lola Kikay... Narito po ang iyong apo" pagtawag ko sa aking Lola.
Ang ipinagtataka ko, pakiramdam ko ay wala ako'ng sakit nang ako ay mapunta rito.
Tiningnan ko ang aking mga braso at laking gulat ko nang mawala ang mga pasa sa aking katawan.
Malakas na rin ang aking pangangatawan hindi tulad sa kasalukuyan na ako'y tila hindi na makalakad sa sobrang panghihina.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
Kailangan ko nang makausap ang aking Lola.
"Lola, na saan ka na? Narito na ako"
Nilibot ko ang aking mga paningin ngunit wala talaga ang aking Lola.
Nagtungo ako sa silid kung saan naroon ang mga imbens'yon ng aking Ama.
Napakaraming gamit. Tunay nga'ng napakahusay ng aking Ama.
"Bakit narito ka na? Hindi pa ito ang tamang oras, Apo"
Isang pamilyar na boses ang aking narinig.
Nang ako'y lumingon ay nakita ko ang aking Lola Kikay kaya nama'y agad ko siyang niyakap.
"Lola... Kailangan ko po ng inyong tulong"
"Apo, makinig ka sa akin..." Panimula ng Lola.
"Ilang taon ka nang nabubuhay sa kasalukuyan. Ibang-iba ang nakaraan sa kasalukuyan. Iba ang panahon doon at iba rin ang panahon dito. Kung dito ikaw ay malakas, kabaligtaran naman sa kasalukuyan. Talagang ikaw ay manghihina dahil una sa lahat, hindi ka nararapat mabuhay doon. Ilang taon ka na. Normal na magkakaroon ka ng karamdaman. Pero bumalik ka lang dito, mawawala ang karamdamang iyon"
"Lola, gusto ko pa po'ng mabuhay nang matagal sa panahong iyon. Naroon ang aking pangalawang pamilya. Naroon ang babaeng pinakamamahal ko. Ano po ang dapat ko'ng gawin?"
"Ikaw ang kusang tutuklas kung papaano ka mabubuhay nang matagal nang hindi nagkakasakit sa panahong iyon. Ikaw mismo ang makatutuklas, Apo"
"Hindi ko po lubos na maunawaan, Lola"
"Darating ang tamang panahon para diyan. Sa ngayon, kailangan mo'ng bumalik sa kasalukuyan"
"Pagbalik ko po ba ay malalaman ko ang kasagutan?"
"Nabanggit ko na 'yan sa'yo, Apo. Hindi ko na dapat ulitin pa. Alalahanin mo ang lahat ng mga sinabi ko nang sa gayon ay matuklasan mo ang kasagutan. Hinihintay ka na ng iyong kasintahan. Humayo ka na, Apo. Uulitin ko... Alalahanin mo lahat ng mga sinabi ko"
"Opo. Paalam, Lola"
"Paalam, Apo"
Agad na akong nagtungo kung saan naroon ang time machine.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng Lola. Alin sa mga 'yon ang susi para ako'y magtagal sa kasalukuyang panahon?!
Pumasok na ako sa liwanag at sa isang iglap lang ay naroon na agad ako sa panahon kung saan namumuhay ako bilang normal.
Agad akong tumingin sa aking mga braso at nakita kong narito na muli ang mga pasa ko sa katawan.
Naramdaman ko na ulit ang lubos na panghihina ng aking katawan.
Sinubukan kong lumakad patungo kay Eli. Hirap na hirap ako.
Kada hakbang, pakiramdam kong ako'y matutumba.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Bilim KurguPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...