Eli's POV
Pagkagising namin, nag-almusal na muna kami para hindi magutom sa byahe.
Kasalukuyan kaming nagpapaalam kila nanay kasi uuwi na kami ni Dylan.
Niyakap ni Dylan si nanay. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya. Nagulat ako nang bumitaw si Dylan sa pagkakayakap kay nanay dahil umiiyak siya.
"Nanay Emie, maraming maraming salamat po sa lahat. Sa pagpapatuloy niyo sa akin dito, sa pagsama sa akin dito sa probinsya at sa pagmamahal sa'kin bilang anak at kasintahan ng inyong anak. At higit po sa lahat, dahil sa pagtanggap niyo sa akin nang buong-buo kahit na ako ay hindi kumpleto. Pinaramdam niyo po sa akin ang labis niyong pagmamahal. Itinuturing ko na po kayo na aking tunay na ina. Marami pong salamat. Paalam, nanay Emie. Hanggang sa muli po nating pagkikita"
Pagkatapos magpaalam ni Dylan, yumakap ulit siya kay nanay at saka nagpaalam kay lola Linda.
"Lola Linda kong maganda, maraming maraming salamat din po sa inyo. Sa pagpapatuloy niyo po sa akin sa inyong munti ngunit binabalot ng pagmamahal na tahanan. Magpalakas pa po kayo, La. Mag-iingat po kayo parati, ha? I love you, lola. Paalam" nakangiting pagpapaalam ni Dylan kay lola Linda habang naiyak.
Niyakap din niya si lola Linda nang sobrang higpit at hinalikan sa ulo. Napaka-sweet talaga ng lalaking 'to.
Pagkatapos naman kay lola ay kay Elisse naman nagpaalam si Dylan.
"Elisse na makulit, parati mong babantayan, aalagaan at iingatan si nanay Emie at lola Linda, ha? Hayaan mo, tutulungan kitang makabalik sa pag-aaral ulit. Darating din tayo riyan. Ikaw na ang bahala muna sa kanila, ha? Magpakabait ka, ha? Paalam"
Pagkatapos magpaalam ni Dylan, niyakap din niya si Elisse sabay ginulo ang kanyang buhok. Ang hilig talaga manggulo ng buhok nito. Hahaha!
Nag-group hug kami pagkatapos magpaalam sa isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam kahit nakakalungkot kasi uuwi na kami ng Maynila ni Dylan ko.
"Nanay Emie, babalik po kami ni Eli ko rito, ha? Pupunta po ulit tayo ng falls at kakain ng kamoteng-kahoy. Ang sarap po no'n. Paborito ko sa lahat. Hehehe"
"Oo nga, kaya ka utot nang utot kanina pa 'e" sagot ko sa kanya.
Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ko. Totoo naman 'e. Naka-ilang utot kaya si Dylan kanina. Mwahahaha!
"Sobra ka sa'kin. Gustong-gusto mo naman amuyin? Ayie. Aminin"
Napahagalpak kami lahat kay Dylan kasi nagbakla-baklaan siya. Ngayon ko lang siya nakitang gumanon. Ang cute niya 'e. Hahahaha!
"O siya, bago pa kayo magkapikunan dyan, halina kayo at ihahatid ko na kayo sa sakayan. Halina, Elisse! Samahan mo akong ihatid ang ate't kuya mo" sambit ni nanay.
Kasalukuyan na kaming nasa bus ni Dylan ngayon.
"Eli ko, gusto ko na ulit bumalik do'n. Nami-miss ko agad sila nanay"
"Ako rin naman, Dylan ko kaya lang kasi may pasok na tayo bukas 'e"
Nakatulog si Dylan sa sobrang antok dahil ang aga niyang gumising.
Matutulog na rin sana ako pero nagulat ako nang biglang napasigaw si Dylan. Lahat ng na sa bus, napatingin sa kanya.
"Bakit, Dylan?!"
Nakahawak siya sa ulo niya at sumisigaw dahil sa sobrang sakit.
"Sobrang sakit ng ulo ko, Eli. Ang sakit"
Niyakap ko si Dylan para pakalmahin siya.
"Tama na, tama na. Mawawala rin 'yang sakit na 'yan, ha?"
Umiiyak siya sa sobrang sakit. Awang-awa ako sa kanya.
"Eli, naghahalo ang mga pangyayari sa utak ko. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo ako"
"Ipahinga mo na lang 'yan, ha?"
Tumango lang siya bilang sagot.
Nakarating na kami sa bahay. Pagdating pa lang namin, nagkulong na siya sa kwarto ni Elisse na ginagamit niya.
Kinatok ko siya para sabay na kami kumain.
"Dylan" pagtawag ko.
Hindi siya sumagot.
"Dylan, kakain na tayo"
"Wala akong gana"
Bakit parang may iba sa kanyang boses? Umiiyak na siya?
"Dylan, okay ka lang ba?"
Hindi na naman siya sumagot.
"Dylan, papasukin mo 'ko. Mag-usap tayo—"
Hindi pa tapos ang sinasabi ko pero nagsalita na siya agad.
"Gusto ko munang mapag-isa. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Please, Eli. Kahit ngayon lang, hayaan mo na muna ako"
Naiiyak na ako nang sabihin ni Dylan 'yun pero nagpakatatag muna ako. Iintindihin ko muna siya kasi hindi biro ang pagdadaanan niya. Unti-unti na sigurong bumabalik ang kaniyang alaala.
Tama nga siya, pagbalik namin ng Maynila, hindi na tulad ng na sa probinsya kami. Ang sakit lang.
Dumating ang gabi pero hindi pa rin siya lumalabas. Panigurado akong gutom na 'yun.
Wala akong magawa kaya nagcheck ako ng facebook at messenger kung anong balita.
Nagulat ako nang lumabas ang mukha ni Lucas sa chat heads.
Lucas: Hi, Eli. How are you? Sorry for what happened between me and Dylan. Dala lang siguro ng inggit at selos, alam mo na. Can we be friends... again?
Nireplyan ko siya.
Me: Oo naman, Luke. Wala na 'yon. Kalimutan mo na.
Online pala siya kaya nagreply ulit siya.
Lucas: Thank you. So, kumusta ka pala?
Me: Okay lang ako. Ikaw ba?
Lucas: I'm doing good naman. Kayo ba?
Me: Nino?
Lucas: Hahahaha. Ni Dylan, sino pa ba?
Me: Ah. Hehe. Okay lang naman kami. Kakauwi lang namin galing probinsya.
Lucas: Ah. Nice. Mukhang kayo na nga ata talaga ang para sa isa't isa. Okay 'yun. Sige, Eli. 'Till next time. Bye :)"
Me: Oo naman, Luke. Kami na talaga :) Sige, bye.Nag-log out na ako dahil matutulog na sana ako pero nakita ko si Dylan na lumabas ng kwarto.
"Eli ko, sorry"
Niyakap niya ako nang sobrang higpit. 'Yung yakap ng sincere talaga.
"Okay lang 'yun, Dylan ko. Kalimutan mo na 'yun. Naiintindihan ko naman sitwasyon mo 'e. Kumusta ka na? Okay ka na ba?"
"Oo, Eli ko. Medyo masakit nga lang ang ulo ko. Anong pagkain? Gutom na kasi ako. Hehehe"
"Edi favorite mo, sinigang. Ayaw pa kasi kumain kanina 'e. Nagsusungit pa kasi 'e. Tara na, kakain na tayo"
------------------------------------------------------
Author's Note:
Short update po muna. Nagre-ready lang for chapter 22. Hahahaha! Abang-abang lang. Malapit na tayo sa... secret! Mwahahahaha!
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Научная фантастикаPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...