Eli's POV
Maaga akong gumising para ipaghanda si Dylan ng almusal niya.
Ngayon din ang aming 4th Anniversary.
Wala akong regalo sa kaniya dahil hindi naman kami sanay na magbigayan ng regalo. At isa pa, wala na akong maibibigay pa sa kaniya. Halos lahat ata ay naibigay ko na.
Naisipan ko'ng mag-bake na lang ng cake at magluto ng paborito naming carbonara para mayroon kaming pagsasaluhan mamaya.
Alas-otso na ng umaga pero tulog pa rin si Dylan.
Napasarap si pogi sa pagtulog. Nakalimutan niyang may asawa siyang naghihintay na batiin siya ng "Happy Anniversary". Tsk!
Sinilip ko siya sa kwarto. Mahimbing pa rin siyang natutulog kaya naisipan ko na lang simulan na mag-bake.
Habang nagb-bake ay narinig ko na ang boses ni Dylan na tinatawag ang pangalan ko.
"Eli... Eli..."
"Dylan, na sa kusina ako. Bakit?"
Hindi na siya sumagot kaya pinuntahan ko siya sa kwarto.
"Uy, bakit?"
Inabot niya sa'kin ang isang sobre.
"Happy Anniversary, mahal ko" nakangiting bati ni Dylan.
"Happy Anniversary, mahal! Ano 'to?"
"Mamaya mo na buksan. 'Yan lang sa ngayon ang maibibigay ko'ng regalo sa'yo"
"Sige. Ako naman, nagb-bake ng cake at mamaya magluluto ng paborito mong carbonara bilang regalo"
Ngumiti siya nang malawak.
Nagpaalam siyang magpapahinga na muna habang nagp-prepare ako.
Nang matapos ako ay agad ko na siyang tinawag.
"Mahal, luto na. Sabay na tayo kumain"
Agad naman siyang sumunod patungo sa dining area.
"Ang sarap mo talagang magluto, mahal" sambit niya nang nakangiti.
"Sus! Bolero. Sinasabi mo lang 'yan kasi love mo 'ko"
Ngumiti siya nang napakalawak. 'Yung ngiting halos mawalan na siya ng mata sa sobrang pagngiti.
Napakasarap niyang titigan kapag ngumingiti siya nang ganon.
"Mahal..." Pagtawag niya.
"Hmm?"
"Pwede ba tayong lumabas?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Hmm... Sa lugar kung saan tayo nagsimula"
"Sa park?"
Tumango siya habang nakangiti.
"Sige, mahal. Pagkatapos natin kumain ay maligo na tayo"
Pagkatapos nga namin kumain ay agad na kaming naghanda sa pagpunta ng park.
Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Dylan.
"Eli, sa tingin mo, aabot pa tayo ng ilan pa'ng mga taon?"
Nabigla at nalungkot ako sa tanong niya.
Aaminin ko... Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
"O-o n-naman... Bakit naman hindi?"
"Natanong ko lamang, mahal"
"Ikaw ba? Ano sa tingin mo?"
Nginitian lang niya ako at saka nagtuloy na sa paglalakad.
Nalungkot ako sa naging pag-uusap namin. Pakiramdam ba niya ay hindi na kami magtatagal?
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...