Chapter 20

32 2 0
                                    

Dylan's POV

"Ito?!"

Gulat na gulat si nanay Emie nang makita ang malaking orasan kung saan ako nanggaling.

"Bakit po, nay Emie?"

Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Hindi siya halos makapagsalita sa sobrang gulat.

"Nay, tingnan mo"

Ipinakita ni nanay Emie kay lola Linda ang litrato ng malaking orasan.

Gulat din ang reaksyon ni lola Linda nang makita ang litrato.

"Diyan ka nanggaling?!" Tanong ni lola Linda.

"Opo, bakit po?"

"Pamana pa sa akin ito ng aking mga ninuno. Marami nang taon ang lumipas. Kung tutuusin ay mas matanda pa sa akin at sa aking lola ang malaking orasan na ito" pagkukwento ni lola Linda.

"Pamana pa kasi ito ng aming mga lelang" dagdag ni nanay Emie.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Papaano nangyari iyun? Papaanong doon ako nanggaling sa malaking orasan na iyon 'e matagal na panahon na pala ang nakalilipas simula nang mapunta sa kanila ang orasan?

Hindi ko alam ang aking isasagot sa aking nalaman.

"Pero malay natin, may scientific explanation kung bakit, 'di ba? Hehe. Tsaka hintayin nating bumalik ang mga alaala mo para alam natin ang katotohanan, 'di ba?" Sambit ni Eli.

"Siguro nga" sabi ko.

"Tama ka, anak. Huwag mo na muna isipin ang nalaman mo, Dylan. Nandito ka sa probinsya, i-enjoy mo ang pagkakataong ito. Minsan lang ito" sambit naman ni nanay Emie.

Napagpasyahan nila nanay Emie na magpahinga na muna kami at matulog dahil tiyak na mapapagod kami sa paglilibot sa probinsya nila.

Tulog na silang lahat maliban sa'kin. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni nanay Emie. Hindi maalis sa isip ko. Gulong-gulo ang aking isipan sa ngayon. Ngayon ko naramdaman na may kulang pala talaga sa pagkatao ko. Na hindi ako kumpleto kahit may mga taong nagpapasaya sa akin.

Hindi ko namalayan na lumapit pala sa akin si Eli dahil sa sobrang lalim ng aking iniisip.

Tinabihan niya ako sa aking kinauupuan.

"Hindi ka natulog?"

"Hindi ako makatulog 'e"

"Bakit? Iniisip mo pa rin ba 'yung sinabi nila nanay?"

"Oo, Eli. Bakit gano'n? Ngayon ko mas lalong naramdaman na may kulang talaga sa pagkatao ko na kahit nariyan ka, nariyan kayo ay hindi ako kumpleto"

Hinawakan ni Eli ang aking kamay.

"Dahil may nalalaman ka kahit paunti-unti kaya ka lalong naguguluhan"

"Hindi ko na alam, Eli. Gulong-gulo na 'ko sa mga nangyayari. Kanina sa bus noong mahimbing kang natutulog, sumakit ang aking ulo. Sobrang sakit. Sa aking pagpikit, nakita ko ang aking sarili na tumatakbo palayo at umiiyak. Nakita ko na naman ang lalaki sa panaginip ko noon. Hindi ko alam kung bakit. Kung may koneksyon ba iyon sa aking nakaraan. Hindi ko alam" naluluha kong pagsasalaysay.

Niyakap ako ni Eli. 'Yung yakap na sobrang nakakagaan ng pakiramdam. 'Yung yakap na nangangahulugang magiging maayos din ang lahat.

"Basta nandito lang ako, Dylan ko. Hinding-hindi kita hahayaang maging malungkot. Ipaparamdam ko sa'yo na kumpleto pa rin ang pagkatao mo. Para sa'kin, buo ka at perpekto ka sa paningin ko" nakangiti niyang sabi.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now